Chapter 25

1685 Words
Chapter 25 “I’m watching you?” What the f*ck?! Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Selestina. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa at nakikita ngayon. Nanginig bigla ang kanyang mga kamay. Kumabog nang mabilis ang kanyang dibdib. Kumibot-kibot ang kanyang labi. Para siyang nabingi sa sobrang kabang naramdaman. Parang sasabog ang kanyang utak sa kaiisip kung totoo ba ito o hindi. Parang mga kabayong naghahabulan ang t***k ng kanyang puso at napakatulin ng takbo nito. May dalang pagkalito, takot, at kaba ang bawat t***k ng kanyang puso. Muling nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang mga nabasa. Kinakapos siya sa kanyang paghinga. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa bintana at sumilip sa maliit na siwang ng kurtina. Nahigit niya ang kanyang hininga. Nakatayo sa harap ng bintana ang bulto ng isang lalaki habang nakatingin sa kwarto niya. Hindi niya nakikita ang mukha nito dahil sarado ang bintana ng kaharap na bahay pero kitang-kita naman niya ang anino ng lalaki. Natutop niya ang kanyang hininga. Hindi siya puwedeng sumigaw sa takot dahil baka matakot ang kanyang kasama. Sinigurado niyang naka-lock ang kanyang bintana bago siya lumabas ng kanyang silid. Nasa sala pa ang kaibigan at kasalukuyan itong nanonood ng palabas sa telebisyon. “Oh? Bakit namumutla ka yata? May nakain ka bang panis? Masakit ba ang tiyan mo? Parang parang pinagpawisan ka?” sunod-sunod na tanong ng dalaga habang paupo si Selestina sa katabing sofa. Huminga muna siya nang malalim bago sumagot. “W-Wala. Binangungot lang ako, eh,” pagsisinungaling niya. Hindi niya puwedeng sabihin ang kanyang natanggap na text. Hindi niya puwedeng ipaalam sa dalaga ang nakita niyang anino ng lalaki sa katabi nilang bahay. Baka matakot lang ang kaibigan at magyaya na naman itong umalis. Hindi na puwede dahil nagbayad na siya at ayaw niyang isipin ng kanyang ina na naglalakwatsa lamang siya at sinasayang lamang niya ang pera na pinapadala nito para sa kanya. “Seryoso ka? Akala ko nga ay tulog ka na, eh,” ani ng kausap bago ibinalik ang paningin sa telebisyon. “Hindi pa naman ako inaantok,” sagot ni Sel. Talagang nawala ang antok niya dahil sa text. Mas lalo pa siyang kinilabutan sa kanyang nakitang anino. Tumayo siya at naglakad papasok sa banyo. Maliit lang naman ang bahay na inuupahan nila. Sala ang unang bubungad pagpasok mula sa labas, sa dulo ang maliit nilang kusina at bago marating ang banyo ay naroon ang pinto palabas ng bahay papunta sa likod o ang back door. Sinilip ni Selestina ang pinto. Naka-lock ito kaya nakahinga siya nang maluwag pero hindi pa rin nawala sa kanya ang takot at kaba na baka pasukin sila rito. Marahas siyang humibga upang maibsan ang kabang nararamdaman. Naglakad siya palapit sa kaibigan at umupo ulit sa katabi nitong sofa. “Hindi ka pa ba matutulog?” mayamaya ay tanong niya rito. Lumingon ito sa kanyang sandali saka ibinalik ang paningin sa pinapanood bago sumagot. “Mamaya na. Tatapusin ko lang ‘to. Ikaw ba?” balik tanong nito sa kanya. Umiling si Selestina kahit hindi naman siya tiningnan ng kasama. “Hindi pa. Sasamahan na lang kita rito,” aniya saka sumandal. “Wow, ha? Ang sweet mo naman,” pang-aasar nitong sabi. Napangiwi siya. “Hindi naman. Baka kasi—” Sabay silang napatalon sa gulat nang may kumatok sa pinto. Gabi na at wala silang inaasahang bisita. Wala namang nakakaalam sa address nila maliban sa kapatid ni Jordan. Malaki ang matang tumingin sa kanya ang kaibigan na animo ay nagtatanong kung sino ang nasa labas ng ganitong oras. Walang sumagot sa kanilang dalawa. Wala ring nagkusang tumayo. Nagtitinginan pa sila na parang mga takot. May kumatok ulit kaya lalong lumaki ang mga mata nilang pareho. “Pakshet!” pabulong na singhal sa kanya ni Jordan. “Sino ‘yan? Huhuhu! Natatakot ako. Baka mamaya akyat-bahay ang mga ‘yan. Psh! What should we do? Ano ang gagawin natin, ha?” natataranta nitong tanong pero hindi ito gumagalaw. Umiling siya. “Hindi ko alam,” pabulong niyang sagot. Parang dinamba ang kanyang dibdib. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Naghahabulan ito at hirap siyang sabayan ito. “Shet! Ano ang gagawin natin? Wala tayong lalaki rito!” pabulong din niyang sambit. “Sino ba kasi ‘yan?” Tumahimik ang paligid. Sabay silang huminga ng malalim nang wala ng kumatok. Ilang minuto ang lumipas at wala pa ring kumatok. “Sssh!” Sabay na napasigaw sa gulat si Jordan at Selestina pagkatapos nilang marinig ang tunog na iyon. “Oh my god! Ano ’yon?” naiiyak na tanong ni Jordan. Maging siya ay napatayo sa sobrang gulat. “Ano ‘yon? Saan ‘yon galing?” pabulong nuyang tanong habang nagpalinga-linga. Narinig ulit nila ang tunog. Malumanay, mahina, at nakakatakot. Sabay nilang nilingon ang cellphone sa center table. Nakataob ito kaya hindi nila nakikitang umiilaw ito. Tumunog ulit at alam na ni Selestina na sa cellphone galing ang nakakakilabot na tunog. “Tss!” pabulong niyang singhal saka nilapitan ang cellphone. Umiilaw ito at may unknown number ang tumatawag. Naiinis niyang binalingan ang kaibigan na nanlalaki ang mga mata. “Sa ‘yo ’to?” inis niyang tanong. Kumurap-kurap ang kaibigan bago tumango. “O-Oo,” mahina nitong sagot. “Bakit ganito ang ringtone mo?” Namutla ang kausap at hindi ito kaagad na nakasagot. “Uhm, eh, kasi.” “Tss. Pareho tayong namatay sa takot kapag nagkataon. Bakit naman kasi ganiyan ‘yan? Natakot tayo ng wala sa oras. Tss. Sino ba kasi ang tumatawag?” inis pa ring tanong ni Selestina. Umiling ang kaibigan. “Hindi ko alam. Sorry. Akala ko kasi magandang pakinggan, eh,” paliwanag ni Jordan. Hindi naman ganito ang ring tone niya. Hindi niya maalalang nagpalit siya ng ringtone. “Magandang pakinggan? Sumigaw ka nga pagkarinig mo. Saang banda ang maganda roon? Yung ring tone mo o ‘yong sigaw mo? Bakla ka. Na-stress ako dahil sa ‘yo, tss.” “Sorry. Papalitan ko na—” Nabitawan ni Jordan ang kanyang cellphone nang abutin niya ito mula kay Selestina dahil muli itong tumunog. Pinandilatan siya ni Selestina. “Ayan! Maganda nga. Sa sobrang ganda ng ringtone mo, ramdam ko rito ang kaba mo,” pang-aasar ni Selestina. “Psh! Kinakabahan ako, eh,” nakasimangot na sagot ni Jordan. Kaagad niyang pinulot ang cellphone at tiningnan ang tawag. “Sasagutin ko ba?” natatakot niyang tanong. “Puwede namang hindi.” “Natatakot ako.” “Alam ko. Pati ako natakot dahil diyan sa lintik na ringtone na ‘yan, tss.” Napanguso si Jordan sabay tiningnan ang tumatawag. Dahan-dahan niyang pinindot ang accept button ng tawag.aingat niyang inilapit sa sariling tainga ang cellphone at pinakinggan ang kabilang linya. Naririnig niya ang banayad na paghinga ng kung sinomang tumawag. “H-Hello?” Nanginig ang kanyang boses. Kinagat niya ang kanyang labi dahil sa sobrang kaba. “Walang sumasagot?” pabulong na tanong ni Selestina. Tumango si Jordan at huminga ng malalim bago nagsalita ulit. “Hello? Sino ‘to?” naiinis nang tanong ni Jordan. “Sino ba ‘to?” “Ako ‘to.” “Jude?” nagugulat na bulalas ni Jordan sabay ang panlalaki ng kanyang mga mata. “Oo. It’s me. Why?” “Bwisit ka!” Umalingawngaw sa buong sala ang singhal na iyon ni Jordan. Maging si Selestina ay nagulat dahil sa biglaang pagsigaw ng kaibigan. “Bwisit ka talaga!” dagdag pang sigaw ng dalaga. “Ikaw lang pala ‘to! Nakakabwisit ka! Alam mo bang muntik na kaming mahimatay sa takot? Tapos ikaw lang pala itong tumatawag? Gusto kitang kalbuhin, alam mo ba ‘yon?” Malakas na tumawa ang nasa kabilang linya. ”Sorry, Sis. Gusto ko lang malaman kung ano ang naging reaksyon mo sa tawag ko,” humahagikgik pa nitong sagot. “Natakot ka ba?” sunod nitong tanong. Natigilan si Jordan bago nakapagsalita. “Ikaw ang nagpalit ng ring tone ko, no?” Nasagot ang kanyang tanong nang tumawa nang malakas ang kanyang kapatid. Halos mailayo niya ang cellphone sa tainga sa sobrang lakas gntawa nito. “P*nyeta ka! Kakalbuhin talaga kita!” “Sino ‘yan?” takang tanong ni Selestina. Bumaling sa kanya si Jordan at nandidilat ang mga matang sumagot sa kanya. “Ang magaling kong kapatid. Si Jude!” “Ha?” hindi makapaniwala niyang tanong. Tumango ito. Ibinalik nito ang atensyon sa kausap. “Ha! Siguraduhin mo lang na hindi tayo magkikita dahil talagang kakalbuhin kita! Kumukulo ang dugo ko dahil sa ‘yo! Talaga pinagtripan mo kami?” “Hey, trip lang naman ‘yon. Anong kalbuhin? Nagjo-joke lang naman ako.” “Letcheng joke ‘yan! Muntik na kaming mahimatay sa takot tapos joke lang sa ‘yo? Eh, kung putulin ko ‘yang leeg ko tapos sasabihin kong joke lang? Nakakainis ka.” “S-Sorry. Hindi na mauulit.” “Talaga! Dahil kapag nakita kita, humanda ka talaga sa akin,” nagbabanta na sabi ni Jordan. Bumaling ito kay Selestina. “Siya ang nagpalit ng ring tone ko. Tulungan mo akong kalbuhin ‘to kapag nakita natin,” anito sa kanya kaya siya natawa. “Sige,” tumatawa niyang sagot kahit ang totoo ay hindi pa rin mawala ang kaba sa kanyang dibdib. Napalingon siya sa pinto. Malakas ang kutob niyang may nakatayo roon at nakikinig sa usapan nila. Hindi mawala sa isip niyang nagkataon lang na may tumawag at si Jude iyon. Hindi niya alam ang gagawin kung hindi nabasag ng tawag ang katahimikan kanina na nagbigay sa kanila nang matinding kaba. Pakiramdam niya ay blessing in disguise ang tawag na natanggap ni Jordan dahil hindi na naulit ang pagkatok sa pinto. “Kinikilabutan pa rin ako,” rinig niyang anas ng kaibigan. Tapos na pala itong makipag-usap sa kapatid. “Nabubuwisit ako sa kanya.” “Akala ko naman kung sino. Tss. Pero kinabahan ako roon.” “Sino naman kasi ang hindi kabahan? Alam ko kasong hindi ako nagpapalit ng ring tone tapos biglang ganoon? Akala ko naman aksidente kong napalitan. Nakakatakot pa naman ang boses, Psh! Bwisit na Jude!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD