Chapter 5

2036 Words
"WHAT IS that I heard about you, Francis?! Nakabuntis ka raw, totoo ba 'yon?" nakapamulsa na nakatingin lang si Francis sa mommy niya. Umuusok ang ilong nito sa sobrang galit sa kanya. Hindi niya alam kung saan nakuha ng mommy niya ang balitang 'yon. Talagang sadyang may pakpak ang balita at nauna pa ang mommy niya na malaman iyon. Wala pa naman siyang nasasabihan kahit na sa mga kaibigan niya. Madilim ang tingin ni Francine sa anak na naghihintay ng sagot mula rito. "Mom, where did you get about that news?" balik na tanong ni Francis sa ina. Hindi niya malaman kung paano nakalabas ang balitang iyon. Tatlong araw pa lang siguro noong magkausap sila ni Macy. Alam na kaagad ito ng kanyang ina. Paano? Puno talaga siya nang pagtataka sa utak niya. "Ang tanong ko ang sagutin mo. Totoo ba na nakabuntis ka?" tanong ni Francine. Hindi siya makapaniwalang ang anak na doktor ay makakabuntis ng hindi nila kilalang babae. Ang taas ng pangarap nilang mag asawa sa kanilang mga anak. Si Fresco ay mag aasawa na at sa anak ng isang pulitiko. Maganda ang magiging kinabukasan nilang mag asawa dahil sa pareho silang may sinasabi sa buhay. Si Francis na anak niyang panganay ang sakit sa ulo, kahit kailan. Naturingang magaling na doktor pero napakapasaway. "That is what the woman told me. Pero hindi ako kumbinsido na sa akin nga ang ipinagbubuntis niya. Alam niyo naman po ang panahon ngayon, may mga babaeng gagawin ang lahat. Makuha lamang ang lalaking gusto nila," kibit balikat na sabi ni Francis. Hindi naman siya sigurado kung nagsasabi si Macy nang totoo. Besides, gumamit siya sa proteksyon noong may nangyari sa kanila. "What?! Iyon lamang ang sasabihin mo sa akin. Then what did you say to that woman? Paano mo nalaman na hindi nga sa 'yo ang batang dinadala niya? Francis, you are twenty eight. Bakit hindi ka magseryoso sa buhay mo?" naggagalaiti na si Francine sa kalokohan ng anak. Paano ito nagawa ng anak niyang panganay? Ganito lang kakaswal ang reaksiyon nito. Kahit na alam niyang magkakaroon na ito ng anak. A child on wedlock. Napabuntong-hininga si Francine. Sumasakit talaga ang ulo niya kay Francis. "Mom, can you calm down. Please," pakiusap awat ni Francis. Sinuklay ni Francis ang kanyang buhok. Saka marahan na bumuntong-hininga. "How can I calm down, Francis Licauco? Kung nakabuntis ka ng hindi pa ikinakasal doon sa babae. Ano na lamang ang sasabihin ng iba tungkol sa pamilya natin? Malaking kahihiyan ang dala ng balitang ito sa ating pamilya! And here you are in front of me. Telling me that child is not yours and you're not doing anything to know the truth. How you just be so calm? After what you heard from that woman!" naghe-hysterical na si Francine sa sinasabi ng anak niya. Hindi na matatakasan ni Francis ang galit ng kanyang ina. Kasalanan ito ni Macy. Siya ang puno't dulo ng pagkabalisa ng mommy niya. At panenermon sa kanya. "I don't know that woman, mom. Nakilala ko lang siya sa stag party ni Edmund. At wala akong balak na seryosohin siya. Isa pa hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang anak ko ang ipinagbubuntis niya. I just know it, mom." Mariing napatiim ng labi si Francine sa pagtitimpi sa galit sa anak. Paano nasasabi ni Francis ang ganitong bagay sa kanya? "Where is that woman? I want to meet her. Dalhin mo siya r'to sa akin, Francis. Ayoko na may naririnig akong anak sa labas ng mga anak ko. Ayokong madungisan ang ating iniingatang pangalan. Bring that woman to me." Gusto niyang makilala ang babaeng nagsabing apo niya ang dinadala nito. Siya na lamang ang gagawa ng paraan para malaman kung nagsisinungaling ito. Parang naalarma si Francis sa gustong mangyari ng ina. Hindi niya kayang akuin ang batang hindi naman kanya. At lalong hindi naman niya mahal. Kung ano man ang nangyari sa kanila ay dala lamang iyon ng init ay hindi pagmamahal. "No, mom! Hindi ko siya dadalhin sa inyo. Kahit pa sabihin niyang ako ang ama ng batang dinadala niya. Hindi pa rin ako matitinag sa paninindigan ko. Ako ang nakasama ng babaeng iyon noong gabing may mangyari sa aming dal'wa. So, alam ko sa sarili ko na hindi ko anak ang ipinagbubuntis niya! And that's final," mariing mga tanggi ni Francis. "Pero, paano? Bakit niya sinabing anak mo ang dinadala niya?" mga tanong ni Francine. Gusto niya talagang malaman kung si Francis nga ba ang ama ng bata. "Mom, just leave it to me. Hayaan ninyong ako ang lumutas sa problema ko." "Then, what you will do? You're so reckless, Francis!" hindi niya malaman kung anong tumatakbo sa isip ng anak niya. Pinabayaan ni Francis na nagkaroon siya ng anak sa labas. Paano kapag nalaman ito ng daddy niya? Huminga ng malalim si Francis. "Malilipat ako sa Antique. Kaya ako nagpunta rito para magpaalam sa inyo. At hindi para sabihin ang sinasabing anak ko raw sa babaeng 'yon." "Ngayon, gusto mong takasan ang problema mo r'to. Paano kapag nalaman ng daddy mo ito? Better marry that girl, Francis. Before you go to Antique," giit na alam ni Francine na solusyon sa problema. Walang ibang choice but to marry that woman as soon as possible. Hangga't hindi pa nababalita ang tungkol dito. Maliligtas sa iskandalo ang anak niya, maging ang buong pamilya nila. "Mom, I said that child is not mine! I will not marry her. Kahit hindi niyo sabihin. Ayokong makasal sa babaeng desperada na kung sino sino na ang nakasiping. Basta alam ko na hindi sa akin ang batang iyon. Please, let me. Do what I want to do. And about Daddy. Kahit malaman niya pa na may nagke-claim na anak ko raw. I will stand na hindi ko anak iyon. End of discussion, mom," maririing pagtanggi ni Francis. Hindi naman makapaniwala si Francine sa desisyon ng anak. Ipagpipilitan pa rin nito na hindi niya anak ang dinadala nang babaeng sinasabing nabuntis siya ng anak. What he will gonna do to Francis? Nangungunsumi na siya sa panganay niya at ang ikinakatakot niya ay ang asawa niya. Tiyak na malaking gulo ito. Mas maganda na pakasalan niya ang babaeng iyon para makaiwas sa scandal. At sa galit ng asawa niya. "Okay, do what you want. I will do what is best for that child. Ayoko naman na parang kawawa ang magiging apo ko. Tapos tatayo lang ako rito at maghihintay sa gagawin mo para patunayang anak mo nga ang batang 'yon. At kahit na ayaw mong tanggapin ang bata. Tatanggapin ko, Francis. And I will take that girl here in our house. Hanggang sa mapa-DNA ko at malaman ko ang totoo. Kung anak mo ba ang ipinagbubuntis niya?" Hindi talaga titigil ang mommy niya na malaman ang totoo. Pero para kay Francis aksaya lang ng panahon. Alam niya sa sarili niya na hindi niya anak iyon. "Bahala po kayo sa gusto ninyong gawin. I'm leaving the next day, mom. Uuwi rin po ako sa condo ko mamaya para ayusin ang mga gamit ko. I just came here para sana makasama ko kayo na pamilya ko. Before I leave for work. Pero hindi mangyayari," sabi ni Francis. Tumayo si Francis at pumunta sa kuwarto niya sa mansyon nila. Dismayado siyang ito pa ang pagtatalunan nilang mag ina. He just wished na sana hindi na niya dinala sa condo niya ang babaeng 'yon. Ngunit huli na para magsisi. Bumuga ng hangin si Francine at napapailing ng ulo. Tinatanaw ang anak na pataas ng kuwarto nito. Dumiretso si Francis sa banyo niya para maligo. Nang makarating sa kuwarto niya. Itinapat ang ulo sa dutsa ng shower. Hinayaan na bumuhos ang malakas na tubig galing sa shower. "May mga babae talagang desperado. Makuha lang ang gusto nila. Ipapapaako na lang basta ang anak sa hindi naman ama," nausal ni Francis habang nakapikit ang mga mata. INAAYOS na ni Cory ang mga gamit nilang magiina. Paalis na sila. Sasama sila kay Glenda sa Antique. Gusto niyang subukan ang bahay na malayo sa kapatid at sa asawa niya. Ayaw niya sanang gawin ito pero kailangan. Hindi na niya kaya ang palagi na lamang nasasaktan. "Tapos mo na bang ayusin ang lahat ng mga gamit niyo, Cory?" tanong ni Glenda sa kaibigan niya. "Oo, ito na at nilagay ko na sa bag ang mga damit ni Calli." tumayo si Cory at nilapitan ang kaibigan. "Salamat talaga sa pagpapatuloy mo sa amin. Sobrang na abala na kita. Kargo mo pa kami papunta nang Antique." "Magkasama tayong bubuo sa Antique nang bago nating buhay. Gusto kong matupad ang pangarap ko na makapagpatayo nang sarili kong restaurant doon. Madami daw turista doon. At sigurado akong papatok ang negosyo ko." sabi ni Glenda. "Tutulong ako sa 'yo. Kahit hindi mo na ako swelduhan." Ningitian ni Glenda ang kaibigan niya. "Hindi puwede ang gusto mo, Cory. Buntis ka pa. Paano na lang ang panganganak mo? Kaya ang maganda magtrabaho ka sa kainan ko. Nang makaipon ka para sa panganganak mo. Pero bago mo gawin ang mga gawain dito, check mo muna ang baby sa tiyan mo. Ayokong mapano naman kayo ng batang dinadala mo." Hulog ng langit si Glenda sa kanilang mag iina. Sa lahat ng tao sa buong mundo, bukod tangi siyang nakatagpo ng isang napakabait na kaibigan. Hindi siya makakaalis at makakapagtago kung hindi sa tulong ni Glenda. Ang laki ng utang na loob sa kaibigan. "Okay, ikaw ang bahala. Sa 'yo na lamang ako umaasa, Glenda. Wala na akong maisip na ibang tao na tutulong sa aming mag ina. Kun'di ikaw lamang. Ngayon palang ay nagpapasalamat na ako agad sa 'yo. Hindi ka nagdalawang isip na tumulong sa amin ni Calli. Hindi ko na tuloy malaman kung paano ako makakaganti sa lahat ng naitulong mo," nanubig ang mata ni Cory. Nagbabadya na bumagsak ang luha niya sa mata. Nilapitan ni Glenda si Cory saka inakbayan. "Kahit na hindi pa naman tayo ganoong magkakilala ay naramdaman ko nang magiging magkaibigan tayo. At saka 'wag mo ng isipin ang gumanti sa mga naitulong ko o bayaran ako. Tulong ko iyon, kusang loob kong ibinigay sa 'yo." Mas lalong napaiyak si Cory na agad na pinunasan ni Glenda ang mga luha sa mata nito. "Nakakainis ka naman. Pinaiiyak mo ako," natatawang biro ni Cory. Malakas din na natawa si Glenda sa tinuran ng kaibigan. "Tama na 'yan. Ituloy na nating magligpit ng mga gamit natin. Madaling araw ang alis natin, Cory. Bibili pa tayo ng ticket sa pier kaya kailangang agahan natin." Tinanguan ni Cory si Glenda at itinuloy na nila ang pag iimpake. Sana ay maging maganda ang kapalaran nila sa paglipat ng lugar. Matagumpayan nila ang negosyo nilang napili na magtatawid sa pang araw araw nilang pangangailangan. Pagkaraan ng dalawang oras ay natapos din nila ang mag impake. Handa na silang aalis mamayang madaling araw. "Ayan tapos na. Puwede na tayong magpahinga," masayang bulalas ni Cory. Saka binalingan ng tingin ang anak. Napangiti siya nang makita si Calli na mahimbing ng natutulog. "Nakatulog na ang makulit." "Sige na, Cory. Ako na ang bahalang maglagay ng mga maleta natin sa sala. Matulog ka na at bawal sa 'yo ang mapuyat." "Opo, 'nay." Tudyong tugon ni Cory sa kaibigan. Para kasi itong nanay niya kung magpaalala sa kanya ng lahat ng gagawin. Hinawakan ni Glenda sa handle ang maleta at inilabas ng kuwarto nina Cory. Habang si Cory ay pumunta ng banyo. Nang mailagay sa sala ni Glenda ang isang maleta ay binalikan niya pa ang isa sa loob ng kuwarto ng kaibigan. Nang makompleto niya ang mga maleta nila ay inilinga niya ang tingin sa buong bahay nila. "Sorry po, mama. Iiwan ko po muna ang bahay natin. 'Wag po kayong mag alala, wala po akong balak na ibenta ito. Sandali lang po kami sa Antique. Uuwi rin po ako r'to. Miss na po kita," ang usal ni Glenda sa isip. Sa tagal nilang naninirahan sa bahay na ito ay ngayon lang siya mapapalayo ng matagal dito. Dito siya isinilang ng mama niya. Nagkaisip at natuto sa buhay. Hindi man naging maganda ang pagsasama ng mga magulang niya, mananatili pa rin ang magagandang alaala ng mama niya sa buong bahay nila. Napaiyak si Glenda nang maalala ang mama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD