Chapter 4

2087 Words
DALAWANG buwan ang matulin na lumipas. Hindi pa man nawawala sa isip ni Glenda ang pagkawala ng mama niya ay pilit siyang lumalaban na mag isa. "Anong ginagawa mo dito, Cory?" nagtataka si Glenda ng makita ang kaibigan. Nabugaran niya ang mag ina malapit sa pinto, sa may exit. Kasama ang anak nitong si Calli. Umiiyak ito at hinihintay siya sa likod na bahagi ng restaurant. "Glenda," umiiyak na tawag ni Cory sa kanya. Nagtaka si Glenda ng bigla siyang yakapin ng kaibigan. "Tahan na," hagod ni Glenda sa likod ng kaibigan. Kumalas si Cory sa yakap ni Glenda at humarap sa kaibigan. Pinunasan ni Cory ang mga luha niya. "Nahuli kong may babae ang asawa ko. Umalis kami sa bahay nila at umuwi ni Calli sa Samar. Pero nasundan kami ni Ely doon." Iginiya niya si Cory na maupo sandali. "E, anong plano mo?" "Hindi ko pa alam. Pero buntis ako ngayon. Iniisip ko pa ang dinadala ko. Sobra ang ginawa ng asawa ko sa akin. Akala ko wala na sila ng ex girlfriend niya 'yon pala. Plano na niyang lumapit sa akin para makuha si Calli. Anak ko lang pala ang habol niya at hindi ako kasama r'on." Ang lalaki nga naman. Pagkatapos pakasalan ganito ang gagawin sa asawa nila. Ang kawawa ay ang mga bata, hindi nila naiisip 'yon. "Malaking problema nga 'yan, Cory. Mas maganda na sa bahay ko na muna kayo tumuloy na mag ina," mungkahi ni Glenda sa kaibigan. Sumang ayon si Cory dahil wala naman silang pupuntahang mag-ina. "Tara na," aya pa ni Glenda sa kaibigan. Naglakad lang sila pauwi nng bahay ni Glenda. Walking distance lamang ng bahay ni Glenda mula sa restaurant. Hawak ni Cory sa isang kamay si Calli habang si Glenda ay dala ng ibang bag ni Cory. Nakakaawa tingnan ang kaibigan niya. Isinusumpa niyang hindi niya sasapitan ang katulad nang nangyari sa kaibigan niya. Kaya magiging maingat siya sa lalaking unang mamahalin. Pagkarating sa bahay ay agad na pinatuloy no Glenda sina Cory at anak nitong si Calli. "Cory, diyan na kayo sa kabilang kuwarto. At dito naman ako sa katabi ninyong kuwarto. Huwag ka ng mag alala sa panggastos niyo. Ako na ang bahala r'on." Higit na kailangan ng kaibigan niya ng tulong. Saka buntis ito para pagtrabahuhin niya sa ganoong kalagayan. "Hindi ba nakakahiya sa 'yo, Glenda? Pinatuloy mo na kami ng libre pati ba naman sa pagkain," ang sabi ni Cory. "Ano ka ba! Kaibigan kita. Kaya dapat lang na tulungan kita. Maigi nga andito kayo. Para may kasama naman ako. Sige na, magpahinga na muna kayo. Ihahanda ko lang ang kakainin natin." "Salamat, Glenda. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka," hawak ni Cory ang dalawang kamay ng kaibigan. "Ay sus! Magdadrama pa tayo. Maiwan ko na kayo rito," ngumiti at tumango ng ulo si Cory. Saka pumunta nang kuwarto niya si Glenda. Matapos na makaligo ni Glenda ay agad niyang inasikaso ang pagkain nila ni Cory. Iniisip niya pa din ang magiging kalagayan ni Cory. Paano na ang bagong magiging anak niya? Walang amang makakagisnan. Katulad niya na nagloko din ang papa niya noon at iniwan sila. Saktong tapos nang ayusin ni Glenda ang pagkain nila ng dumating ang mag ina. Mukhang kagigising lang din ni Calli. Dahil pupungas pungas pa ito ng mga mata. "Kumain na tayo," masayang aya ni Glenda sa mag ina. Malungkot lang ang mga ito na tumingin sa kanya. Pinauna ni Cory na mupo ang anak bago siya naupo sa tabi ni Calli. Nakatingin lang si Glenda sa kaibigan. "Cory, okay lang naman sa akin kung ihihinga mo sa akin lahat ng sama ng loob mo. Huwag mong kimkimin diyan sa loob mo. Makakasama pa 'yan sa dinadala mo." Nag aalala siya sa kaibigan niya at sa batang nasa sinapupunan nito. Kung patuloy na mastress si Cory ay baka malaki ang maging epekto nito sa batang nasa kanyang tiyan. "Pasensiya ka na, Glenda. Alam mo kasi napakasakit ng nangyaro. Hindi pa kami tanggap ng mommy ni Ely. Pati si Calli nasisigawan ng biyenan kong babae. Naawa na rin ako sa anak ko," hindi napigilan ni Cory na umiyak. "Kung sa akin din nangyari 'yan. Ganyan din ang gagawin ko. Pero sa ngayon kumain na tayo. Hayaan na muna natin ang mga masasamang isipin natin. Maigi nang busog tayo," pilit na ngumiting sabi ni Glenda saka binalingan si Calli. Saka binalingan ang bata. "Kumain ka lng ng marami, Calli." Tumango naman ang bata sa kanya. At nagsimula na silang kumain na tatlo. Khit na hirap lumulon si Cory ay pinilit pa rin nito. Dahil sa kaibigan niya at sa anak niyang nasa tiyan niya. KINABUKASAN ng umaga ay pumasok na si Glenda sa trabaho. Naiwan ang mag ina sa bahay niya. Masigla siyang papasok sa trabaho ng biglang may aksidente na nangyari sa kanyang harapan. May nabundol. Napatigil si Glenda at nakita ang nasugatang bata. "Tulong!" sigaw ng ina 'nong bata na nabundol. Walang gustong tumulong. Tumakbo na din ang kotseng nakasagasa dito. Dinaluhan ni Glenda ang mag ina at agad na binuhat ang bata. Pumara siya nang tricycle. "Saan po tayo?" tanong ng Mamang driver. "Sa Gallardo Hospital po, manong. Paki bilisan po," sagot ni Glenda habang buhat ang batang walang malay. Mabilis na pinatakbo ng driver ang tricycle niya. Nangakarating sa ospital ay bumaba ng tricycle si Glenda. "Stretcher po!" malakas na sigaw nito. May lumapit sa kanila na porter ng ospital. Tulak ang stretcher. Binuhat ni Glenda ang bata ay inihiga sa stretcher. Ipinasok ang bata sa loob ng ospital at binalingan si Glenda nang Nanay ng bata. "Salamat sa 'yo, Ineng. Ikaw lang ang tumulong sa aming mag ina." "Okay lng po iyon, 'nay. Ang mahalaga ay ligtas ang anak niyo," sagot ni Glenda. "Oh siya, ineng. Pupuntahan ko na ang anak ko sa loob. Maraming salamat ulit," nakangiti itong nagpaalam ang Nanay nang bata kay Glenda. Gumanti din siya nang ngiti ar tumngi ng ulo. Naiwan si Glenda sa labas ospital. May mantsa nang dugo sa kanyang damit. Kinuha niya ang panyo sa loob ng kanyang bag at pinunasan ang mga dugo sa uniform niya. "Paano pa kaya ako makakapasok sa trabaho nito? Hindi ko matatanggal ito sa pagpunas lang ng panyo ko," usal niyang tanong. Habang pinupunasan pa din ang mga dugo sa kanyang uniform. Napadako ang tingin ni Glenda sa, kabilang gawi ng puwesto niya. Narinig niya na nagtatalo ang dalawang tao doon. Napansin niya ang isang lalaki na parang doktor pa ata ng ospital at isang babaeng sobrang seksi ng suot na damit. Maganda ang katawan at matangkad. Kaya tama lang ang suot nito. Mukhang nakakaangat sa buhay sa klase ng damit nito. Dahan dahan na tumagilid si Glenda para madinig pa ang pag uusap ng dalawa. Hindi niya maintindihan kung bakit naging interesado siya sa pinag uusapan 'nong dalawa. Hindi naman niya kilala ang dalawang taong iyon. At alam niyang masama ang makinig sa usapan ng iba. "Francis, buntis ako," umiiyak na sabi ni Macy. Nanlaki ang mga mata ni Francis. Paano nangyari iyon? Maingat siya sa mga babaeng naikakama niya. Ito pa lamang ang pangalawang beses na nagkita sila ng babaeng naikama niya. "Isang beses lang may nangyari sa atin, Macy. How is that possible na buntis ka ngayon?" "Francis, I'm so sure. Ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko," bulalas na pagdidiin ni Macy. "No! That's not true! Hindi pa ako handang maging ama, Macy. At lalong hindi ako ang ama ng dinadala mo. Malay ko bang may ibang lalaki ka pa," maririing tanggi ni Francis. Hindi puwedeng basta na lang iako ni Macy sa kanya ang ipinagbubuntis. Malakas ng kutob niya na hindi sa kanya ang ipinagbubuntis nito. "Ikaw! Ikaw ang ama ng batang dinadala ko." umiiyak pa ring pilit ni Macy. Umiling iling ng ulo si Francis. "That is cannot be happen, Macy! Maingat ako sa bawat galaw ko. I am a gynecologist. I know na mabun-buntis kita kapag hindi ako nag ingat," he always make sure na hindi pumapasok ang semilya niya sa loob ng babae. So, how can she is so sure na siya nga ama. Malaking kalokohan! Hinawakan ni Macy sa braso si Francis. "Please, Francis. Pakinggan mo muna sana ako, oh. Nagmamakaawa ako. Ayokong mawalan ng ama ang anak ko," pagsusumamo ni Macy. Napabuga ng hangin si Francis. "Sinabi ng hindi ko anak ang batang iyan! Kung gusto mo susuportahan ko ang anak mo. Pero hindi ko kikilalanin na anak ang batang 'yan!" Napabitaw si Macy sa pagkakahawak niya sa braso ni Francis. "Hindi mo ba talaga kayang panagutan ang batang ito, Francis?! Gusto mo bang mawala ito at ako? Gusto mo bang sa harapan mo mismo?!" Nagulat si Francis. "Are you serious?" nakapameywang itong harap kay Macy. Hindi siya dapat magpadala sa pananakit nito sa kanya. "Yes, I am! Kaya sige lang. Huwag mong panagutan ang batang ito. Kung hindi pareho kaming mamatay na dalawa. Puwede kang makasuhan. At mawalan ng lisensiya!" Biglang nag iba ang aura ni Francis. "What do you mean? Tinatakot mo ba ako, Macy? Gusto mong panagutan ko ang batang iyan! Now, you're threating me! Gagawin mo ang pananakot mo para makuha mo ang loob ko. Para ano? Para makuha ang gusto mo. Ang pakasalan ka, di ba? Tama ako, di ba?" "Napakatigas ng puso mo, Francis! Wala ka man lang pakialam sa batang dinadala ko. Naturingan ka pa namang nag aalaga ng mga buntis na nanay at mga sanggol. Pero ikaw ngayon ang tumatalikod sa responsibilidad mo." Napasabunot si Francis sa buhok niya. "Hindi ko tinatalikuran ang responsibilidad ko. Kung alam kung akin ang batang 'yan, Macy. Ang lakas ng kutob kong hindi akin 'yan. Hindi ako ama ng batang iyan! Ipinipilit mo sa akin para pakasalan ka. Alam ko kung gaano ka desperadang babae para habulin ako. Do you think I'm stupid? Susundin ko ang lahat ng gusto mo." Sinampal ni Macy si Francis. Sapo ni Francis ang pisnging nasampal ni Macy. "Kung ayaw mong maniwala. Do a DNA test para maniwala ka! If ayaw mo pa rin. Gagawin ko ang lahat para mapabagsak ka Doc. Francis Licauco," Ang huling kataga na tumatak kay Francis. Umalis na si Macy at iniwan si Francis. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Another desperate woman!" usal ni Francis sa sarili. Napatingin si Francis sa gawi ng isang babae sa gilid. Napailing siya ng ulo. Mukhang nakikinig ito sa pinag-usapan nila ni Macy. Umalis na lamang siya at hindi na pinansin ang babae. Napaharap si Glenda. Nagulat siya ng wala nang tao doon. Mabilis siyang nagpara ng tricycle para pumasok sa restaurant. Magdadahilan na lamang siya na uuwi muna siya sa bahay para magpalit ng uniform. Lulan na si Glenda nang tricycle at malapit na siya sa restaurant. Agad siyang bumaba nng tricycle pagkabayad niya ng pamasahe. Napansin nang guard ang uniform niya. "Anong nangyari sa 'yo, Glenda?" "May aksidente po kanina. Kaya tinulungan kong dalhin sa ospital. At ganito nga po ang nangyari sa damit ko." "E, bakit pumasok ka pa na ganyan ang suot mo?" 'Magpapaalam lang po ako na uuwi muna. Baka magalit si Manager at ma-AWOL ako," sagot ni Glenda. Tumango ng ulo si manong guard. Pumasok na sa loob ng restaurant si Glenda at diretso sa opisina ng amo nila. Ilang sandali pa ay lumabas na din siya kaagad. Agad siyang sumakay sa tricycle na naarkila na niya. Pauwi sa bahay. Nagpapalit nang uniform si Glenda. Sandali lang ang paalam niya sa amo niya. Kaya kailangan na niya kaagad na bumalik sa restaurant. "Glenda, gusto ko sanang bumalik sa restaurant. Puwede pa kaya ako?" tanong ni Cory. "Hindi ka ba masusundan ng asawa mo sa restaurant? Kung hindi ka masusundan. Puwede kang bumalik sa restaurant, Cory. Pero kung ang magiging problema n'yong mag ina ang asawa mo. Dumito ka na lang sa bahay," sagot ni Glenda. "Gusto ko kasing mgtrabaho man lang. Para sa amin ni Calli. Nahihiya rin ako sa 'yo na hayaan kitang magprovide ng pangangailangan namin, gayong kaya ko naman. Saka masyado na kitang naabala." "Hindi 'yon naabala. Saka sino pa bang magtutulungan kundi tayo tayo lang. Kaya huwag ka nang mag isip ng kung ano. Okay?" pilit na pinapasigla ni Glenda ang boses. Nakangiting tumango ng ulo si Cory. Pabalik na muli si Glenda sa restaurant. Nag iisip siya ng magandang paraan para matulungan ang kaibigan si Cory. Naawa siya sa anak nitong si Calli. Mabait naman na kaibigan si Cory. Tanging ang kaibigan lang ang nakagaanan niya ng loob sa mga kasamahan niya sa restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD