Chapter 3

2120 Words
INILIBING na ang mama ni Glenda. Natanggap na din niya ang bagong asawa ng papa niya at ng anak nilang si Gio. Bale, magkapatid sila sa ama. "Anak, sumama ka na sa amin ng Tita Susan mo. Hindi naman natin pababayaan itong bahay ng mama mo. Alam kong mahalaga ito sa 'yo. Ang iniisip ko lang ay mag isa ka na lamang sa bahay na ito. Wala na ang mama mo. Sana naman ay hayaan mong makabawi ako sa sa 'yo" kumbinsi ni Billy sa anak. "Pa, okay lang po ako rito. Andito po ang alaala ni mama sa bahay. Hindi ko po puwedeng iwanan ang bahay na ito," paliwanag na sagot ni Glenda. "Papa, puwede naman siguro ako dumalaw dito kay Ate Glenda. Para may makasama din siya minsan," singit na sabat ni Gio. "Oo nga, papa. Okay na po sa akin na pumasyal dito si Gio," pangungumbinsi ni Glenda sa ama. Sanay na siyang mag isa. May sarili nang pamilya ang Papa niya. Kahit pa gusto nilang tumira siya sa bahay nila. Mas gusto pa din niyang maging independent. Hindi siya pinalaki ng Mama niya na umaasa. Kung kani kanino. Mas gusto niya na nagtatrabaho siya para sa sarili niya. "Oh, siya. Kung iyan na ang desisyon mo. Wala na akong magagawa. Basta kung kailangan mo ang tulong namin. Huwag kang mahiyang lumapit. At kung maisipan mo, Glenda, na tumira na sa bahay welcome na welcome ka. Sobrang matutuwa kami ng Tita Susan mo kapag ginawa mo 'yon," ani ng papa niya. "Hayaan niyo po. Kapag kailangan ko po ng tulong niyo. Kayo po agad ang pupuntahan ko," sabi ni Glenda. "Maiwan ka na namin. Iyong bilin ko, Glenda. Mag iingat ka rito," paalam ng papa niya. Hinawakan naman si Glenda ng Tita Susan niya sa kamay niya. "Patawarin mo ako, Glenda. Kung ako ang naging dahilan ng pagkakahiwalay ng papa mo at mama mo." "Kalimutan na po natin iyon, tita. Okay na po ako. Huwag po kayong mag alala. Napatawad ka na po namin ni mama," matamis ang ngiti na sabi ni Glenda sa step mother niya. Nawala man ang mama niya ay may nadagdagan naman ang mga taong nagmamahal sa kanya. May kapatid na din. Lumipas ang dalawang linggo. Bumalik sa normal ang buhay ni Glenda. Bagama't malungkot pa rin sa pagkawala ina ay patuloy na bumabangon at lumalabas. Nasanay na din siya na ang karamay lamang ay ang ina. Naging maayos naman ang pagsasama nila ng kanyang papa at Tita Susan niya na asawa na ngayon ng papa niya. Pati na din kay Gio ay napalapit na din siya. Palagi din siyang dinadalaw ng kapatid at nagpapalipas ng ilang araw sa bahay niya. Naibsan ang pangungulila ni Glenda sa kanyang mama dahil sa pagdating ng mga bagong miyembro ng pamilya. Nagpatuloy ang buhay ni Glenda. Araw araw bahay, restaurant. Restaurant at bahay lamang siya. Iginugol niya ang kanyang buong oras sa pagtatrabaho. Nagsusubok na din siyang magluto. Gusto niyang magkaroon ng malawak ng kaalaman sa pagluluto. Katulad ng mama niya ay mahilig siyang magluto ng iba't ibang putahe. "Wow! Glenda ang sarap. Bakit hindi ka mag enrol sa cooking class? Mahahasa pa ang ang galing mo sa pagluluto," komento ni Gio sa kapatid. Weekends at dinalaw si Glenda sa bahay. Every Weekends ay umuuwi si Gio sa bahay ni Glenda. "Pag-iisipan ko, Gio. Alam mo naman na nagtatrabaho ako. Paano ko mahahati ang oras ko sa pag-aaral at pagtatrabaho?" "Time management lang iyan, Ate Glenda. At saka hindi mo naman kailangan na magtrabaho. Sabihin mo lang kay papa ang gusto mo. Susuportahan ka niyon paniyak," turang sagot ni Gio. "Susubukan kong magsabi kay papa. Baka sakaling matulungan niya akong makapasok sa cooking class. Gusto kong magkaroon ng sariling restaurant, balang araw. Siyempre, ikaw Gio ang taga tikim ng mga pagkain na iluluto ko." "Aasahan ko iyan, Ate Glenda. Puwede tayong maging business partner. Diyan sa restaurant mo," sabi naman ni Gio. Napangiti si Glenda. Ito na siguro ang way pra makamtan niya ang mga pangarap niya. Ang magkaroon ng sariling restaurant. Muling binalingan ni Glenda ang niluluto at hinalo. Nasa tabi niya ang kapatid na pinanood ang ginagawa niya. MEANWHILE... "Francis, when did we see you settling down?" tanong ng daddy niya. They have a dinner family gathering dahil pag uusapan nila ang nalalapit na kasal ng kapatid niyang si Frisco sa girlfriend nito. "Dad, I'm just coming on my 30's. At hindi pa ako sawa sa buhay binata ko." "Kailan ka magsasawa, Francis? Kapag isa sa amin ng mommy mo ang mawala. Hind na kami bumabata ng mommy mo. And you're in the right age of settling down. Look at Frisco. Naunahan ka pa ng bunso," tanong ni Mr. Steve Licauco. Hinawakan ni Francine ang kamay ng asawa. Nilingon ni Steve ang asawa sa tabi niya at tinanguan siya nito. "Hayaan mo na muna ang anak mo. Kung ayaw pa niyang mag asawa. Gusto pa siguro ienjoy ni Francis ang buhay niya being single. Before settling down. I know, kapag dumating ang araw na iyon. May ipapakilala na siyang babae sa atin. Tiyak, she is the right woman for our son," ani ng ginang. "Thanks, mom for saving me," nakangiting sabi ni Francis. Gumanti ng ngiti pabalik si Francine sa anak. "Yeah, dad. Tama si mommy. Let us Kuya enjoy his life now. Kung ayaw pa niyang mag asawa. And I think nag eenjoy siya sa pagiging single niya ngayon," segunda ni Frisco. "Alright. Huwag niyo akong pagkaisahan. Ang gusto ko lang ay makatagpo na ng mamahalin na babae ang panganay ko. Masama ba 'yon?" giit ni Steve. "I understand, dad. Don' t worry. Hindi po ako galit sa inyo. Mahahanap rin po ako ng babaeng mamahalin," singit na sabi ni Francis. Tumango na lamang ng ulo si Steve. Sumang ayon na rin sa sinabi ng panganay na anak. Francis is a well known gynecologist doctor. A bachelor at galing sa isang prohimenteng pamilya. May sarili ring negosyo ang pamilya nila. Pero mas pinili niyang maging isang doktor. Unlike his brother na mas piniling mamahala ng negosyo ng pamilya nila. He is two years older than Frisco. But Frisco looks more mature than Francis. Hindi naman sila napagkukumpara dahil sa magkaiba naman ang hilig nilang magkapatid. Maging sa propesyon. At nahihilera ang pangalan ni Francis sa magagaling na doktor sa bansa. Pagkatapos ng hapunan ay umuwi kaagad si Francis sa condo niya. Naligo at nagbihis lang siya ng damit niya. Umalis din siya kaagad sa condo niya. Sakay ng kanyang bugatti. Papunta siya sa bar kung saan niya nakilala si Macy. Night life na hindi niya puwedeng alisin sa kanya. Pagkapasok ni Francis sa bar ay hinanap na kaagad niya ang mga kaibigan niya. Edmund got married and already on his honeymoon. Si Edmund pa lang ang nag aasawa sa kanilang magkakaibigan. "Dude, kumusta?" bating tanong ni Aries. Kaagad na binigyan siya ng baso at nilagyan ng alak. Ininom kaagad ni Francis ang alak na nasa baso. "I'm good, dude..." Saka umupo ito sa katabi ni Aries. Napansin niya ang isang kaibigan na tahimik. "Anong nangyari kay Walter?" "Broken hearted. Kaya iyan nagsesenti," bulong na sagot ni Aries. Natawa naman ng mahina si Francis at tinapik sa balikat ang kaibigan. "Walter, remember the golden rule. Kung may umalis, palitan agad 'yan!" Hirit ni Francis saka binalingan si Aries. "Di ba, Aries?" At nakipag apir pa kay Aries. "Yes. Maraming isda sa dagat. Tumingin ka lang sa paligid and let's go fishing!" segunda pa ni Aries. Napailing na lamang ng ulo si Walter sa mga tinuran ng kanyang mga kaibigan. "You both don't know what I feel. Dude, iniwan ako ng girlfriend ko. f**k! Sana ganoon lang kadali ang humanap ng iba!" kinuha ang bote ng alak at tinungga iyon. "Hey!" awat ni Aries sa kaibigan nila. Kinuha naman ni Francis ang bite ng alak. "Seriously, the great Walter De Guzman. Umiiyak sa isang babae. Dude, huwag ka ngang ganyan. Sinisira mo ang reputasyon nating mga lalaki," bulalas ni Francis. "Sana lang hindi mangyari sa inyong dalawa ng nangyari sa akin. Para hindi niyo maramdaman ang sakit ng dibdib ko!" umiiyak na si Walter. "No, Walter. I will not be a crying baby like you. Kapag nagmahal na ako. It will not gonna happen to me," ani Francis. Nagsalita ng tapos si Francis. Sana lang hindi niya kainin ang sinabi niya. Lasing na lasing si Francis nang iuwi nina Waltee at Aries. Si Walter ang dapat na mlalasing. Pero si Francis ang nalasing. Umaga na ng magising si Francis. Bumalikwas siya ng bangon. Late na siya sa ospital. Agad siyang pumunta ng banyo at naligo. Nang makapagbihis ay agad siyang lumabas ng kuwarto niya. Nadatnan ang dalawang kaibigan na mahimbing ang tulog sa sopa. Napailing ng ulo si Francis. Kaagad na nilapitan sina Aries at Walter. "Dude, wake up! Aries, aalis na ako. May trabaho pa ako. Pakilock na lamang ang pintuan kapag umalis kayo ni Walter. May pagkain diyan sa ref na puwede niyo iinit. Kayo na ang bahala rito," bilin ni Francis. Ungol lang ang isinagot ni Aries sa kanya. At muling bumalik sa pagtulog. Lulan si Francis ng kotse niyang Bugatti. Pagkadating sa ospital ay kaagad siyang sinalubong ng kanyang nurse assistant. "Doc. may problema po tayo. Kailangan po kayo sa opisina ng head. Kanina pa po kayo ipinapatawag," imporma nito kay Francis. "Okay, salamat. I need the report of Mrs. Magdalena. And iyong bagong panganak sa room no. 57. I want their file, Ulyses." "Noted, Doc. Dadalhin ko na lang po sa opisina niyo," tumango si Francis at iniwan si Ulyses para pumunta sa opisina ng Head ng ospital. Papunta na si Francis ng masalubong niya si Macy. "Hi, Francis," bati nito sa kanya. "Anong ginagawa mo dito sa ospital?" "Wala. Nagpacheck up lang. Dito ka pala nagtatrabaho?" "Oo. Maiwan na kita. Hinihintay na ako ng head ng ospital," paalam ni Francis kay Macy. Naiwan si Macy na sinusundan ng tingin si Francis. Hindi talaga siya mapapansin ni Francis. Kahit pa may nangyari na sa kanila. Siya lang itong umaasa na magkakagusto si Francis sa kanya. Kapag naibigay niya ang lahat. Agad na kumatok si Francis nang makarating sa tapat ng opisina ni Mr. Gallardo. Ang may ari at head ng Gallardo Hospital. "Tuloy," hudyat na pumapasok na siya sa loob. Sumilip si Francis at nakita si Mr. Gallardo na busy sa kanyang laptop. "Sit down, Dr. Francis Licauco." Tumalima si Francis. Nakipagkamay at naupo sa katapat na upuan ni Mr. Gallardo. "Ipinatawag niyo raw po ako," "Yes," tumango ng ulo si Mr. Gallardo. "I want to send you to Antique. Kulang ng doktor ang isang barangay doon. At kailangan na kailangan nila ng isang magaling na doktor sa center." "What? A government center? Bakit naman po?" hindi niya linya ang mga center. "Dahil nakiusap ang kaibigan kong official doon. Baka may irecommend daw akong doktor para sa kanyang nasasakupan. Naawa ako sa lugar nila. They need doctors to help them. They need us. Maraming mga ang ina ang hindi nabibigyan tamang atensyon. Dahil sa layo ng lugar ay umaasa lang sila sa mga komadrona. Which is they are not giving a proper health care. Napapabayaan ang mga bagong silang na sanggol. And I want you to introduce family planning to rural people. Don't worry, may makakasama ka sa pagpunta doon," mahabang litanya ni Dr. Gallardo. Napabuga ng hangin si Francis. May magagawa pa ba siya? Ito ang sinumpaan niyang tungkulin. Ang maglingkod sa mga tao. Tungkulin din niyang sumagip ng buhay. "Kailan kami pupunta r'on?" tanong ni Francis na ikinangiti ni Dr. Gallardo. "After two months, Dr. Licauco. Do you accept your new job?" "Yes, sir. Kung para po sa mga sanggol at ina. Papayag po ako." "Thank you, Francis. Ang mga katulad mo ang kailangan natin sa ating propesyon. Handang tumulong sa mga nangangailangan," komentong papuri ni Dr. Gallardo kay Francis. Ngumiti si Francis. At pagkatapos nang kanyang pakikipag usap kay Dr. Gallardo ay muli niyang itinuloy ang kanyang trabaho. "Doc. nabalitaan ko na ipapadala ka sa Antique," sabi ni Ulyses. "Kailangan, kaya pumayag na ako." "Kasama ako r'on, doc. Gusto kong maranasan tumira sa probinsiya. Tamang tama na malapit pa sa Boracay," ani Ulyses. "Puro pagsasaya ang nasa utak mo. Ituloy mo na lang ang trabaho mo," untag ni Francis at inaral ang kanyang hawak na report. Gabi na ng umwuwi si Francis sa bahay nila. Umuwi siya sa mansyon nila dahil gusto niyang ipaalam ang nalalapit na pag alis niya papunta sa Antique. Alam niyang malulungkot na naman ang mommy niya sa ibabalita niya. Ngunit wala siyang magagawa. Tawag ng tungkulin at hindi niya puwedeng tanggihan ang kanyang isinumpang tungkulin nang maging isang ganap na doktor siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD