Chapter 1

2019 Words
NAKATUON ang atensiyon ko kay mom habang pinapangaralan niya ako dahil sa nangyaring engkuwentro na kinasangkutan ko kasama ng mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang mairita sapagkat wala ng ginawa ang mga ito kung 'di ang sermunan ako at banggitin ang mga kapalpakan ko sa buhay. "Ano ba naman Shanelle hindi ka na ba magtitino?! Nagpapakasarap ka sa buhay mo samantalang kumakayod kami ng daddy mo para lang bigyan ka ng magandang buhay, aba mahiya ka naman sa amin!" Palihim na pinaikutan ko ito ng mata. Hindi na ito bago sa akin dahil paggising ko pa lang sa umaga ay sermon na ni mom ang bubungad sa 'kin. Minsan, isinasawalang kibo ko na lamang iyon ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. "Hindi naman kami ang nauna Ma, bakit ba lagi nalang ako ang mali sa paningin niyo?!" hindi ko maiwasang pagtaasan ng boses si mom. Mas lalong sumalubong ang kilay nito. Tanging pagmasahe sa noo na lamang ang nagawa nito dahil sa konsumisyon sa 'kin. "Alam mo Shanelle, hindi ka masisisi kung wala kang ginawa at wag na wag mo ako pagtataasan ng boses dahil ina mo pa rin ako, maliwanag?!" aniya ngunit hindi ako natinag. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad palayo kay mom. Tinawag pa niya ako pero hindi ko na siya nilingon at dire-diretso lang na umakyat sa hagdanan hanggang sa makarating ako sa kuwarto. Nang makarating ako sa kuwarto, Ang kanina pang pinipigilan na luha ay nagsibagsakan sa mata ko habang nakakuyom ang kamaong inaalala ang mga sinabi ni mom sa 'kin. Nag-iisang anak lang ako ng magulang ko na sina Rosa at Javier Jacinto. Marangya at masaga ang buhay ko sa piling ng mga ito pero kahit na mayroon akong mga materyal na bagay, hindi ko maiwasang makaramdam ng kalungkutan dahil mga lagi itong wala para asikasuhin ang kumpanya nila. At iyon ang hindi nila maintindihan. Ang tanging gusto ko lang naman ay ang mapansin ng mga magulang ko ang aking lumbay sa kanila ngunit lagi na lamang ang mga mali ko ang napapansin ng mga ito. Sa katagalan ng pagpapapansin ko ay napagod na rin ako at tumigil na sa ginagawa. Naging malungkot ang buhay ko ngunit nabago iyon ng makilala ko ang mga kaibigan ko. Sina Sophia, Karen, Loyd, Steve, Pamella, Reinx at Gretchen ang naging bago kong kasiyahan. Sa kanila ko ibinubuhos ang kalungkutan na nararamdaman ko sa mga magulang ko. Nagkaroon ako ng bagong buhay simula ng makilala ko ang mga ito. Pinahid ko ang natuyong luha sa 'king pisngi at kinuha ang telepono sa bulsa upang tawagan ang pinakamatalik kong kaibigan na si Loyd. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago sagutin ni Loyd ang tawag. "Ano ang kailangan ng pinakamaganda kong kaibigan sa lahat?" sarkastimong tanong ni Loyd sa 'kin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi nito. "Magtatanong sana ako kung may kasama ka sa condo mo ba 'ka puwedeng makitulog," malumanay na tanong ko kay Loyd. Natahimik ng sandali ang nasa kabilang linya ngunit pagkaraan rin ng ilang segundo, nakarinig ako ng buntong hininga. "Nagaway na naman ba kayo ni Tita?" tanong ni Loyd sa akin. Mistulang gribo ang luha ko na sunod-sunod na bumagsak sa mata. Hindi ko maiwasang humikbi habang nasa kabilang linya ang kaibigan ko. "B-Bakit lagi na lang ako ang mali Loyd! B-Bakit kasi hindi nila makita ang halaga ko, Bakit ba H-Hindi nila ako mahal?!" humihikbi na tanong ko rito. Nakikinig lang si Loyd sa akin ngunit alam kong dama niya ang sakit sa kalooban ko. Sa kabilang banda naman ay naaawa si Loyd sa kaniyang kaibigan dahil sa nangayayri rito ngunit wala siyang magawa upang mapagaan ang loob nito. Ang tanging magagawa lamang niya ay damayan si Shanelle. "Magiging maayos rin ang lahat, shh...tahan na," pagpapakalma ni Loyd sa 'kin. Paulit-ulit na pinunasan ko ang aking mga luha ngunit ayaw nitong tumigil. Kaya imbis na punasan pa ang mga ito, sa pagiyak ko inilabas ang sama ng loob habang nakikinig lang si Loyd sa kabilang linya, sumasabay sa sakit na nararamdaman ko. NAGSILID ako ng ilang damit sa bag bago humarap sa salamin at pinagmasdan ang namamaga kong mata. Pagkatapos ng paguusap namin ni Loyd, napagpasyahan kong roon muna ako makikitulog ngayong gabi. Hindi ko kayang sikmurahin na matulog sa rito ngayon kaya, pagagaanin ko muna ang pakiramdam ko bago bumalik bukas rito. Kinuha ko ang make-up kit sa isang tokador at sinimulan kong tapalan ang namamagang mata. Ayaw kong makita ni Loyd na namamaga ang mga ito dahil alam kong magaalala lang 'yun sa 'kin. Nang matapos ako, kinuha ko ang bag na naglalaman ng mga damit ko at pumunta sa bintana ng kuwarto ko. Binuksan ko iyon ng sagad. Huminga muna ako ng malalim at walang pagdadalawang isip na tumalon rito. Hindi na bago sa akin ang gawaing ito dahil lagi ko itong ginagawa sa tuwing gusto kong umalis sa bahay namin. Nang makababa ako, walang ingay akong naglakad papalabas ng gate at ng makalabas ako, nakita ko ang sasakyan ni Loyd na nakapark sa 'di kalayuan sa bahay namin. Naglakad ako papunta roon habang may ngiti sa labi. "Ang bilis mo naman kakatapos pa lang natin na mag-usap," may nanunudyong ngiti ko ito habang siya naman ay inirapan lang ako. "Oo. hiyang-hiya kasi ako sayo, Oh siya pumasok ka na para makapagpahinga na tayo pare-parehas!" Napatawa na lang ako rito at akmang bubuksan na ang pinto ng kotse ng makita ko si Sophia at Pamella na nasa loob rin at tahimik na naguusap. "Anong ginagawa niyo ritong dalawa?" tanong ko sa mga ito. Humarap ang mga ito sa akin at ngumiti. Inirapan ko nalang ang at pumasok na sa loob. "Bakit nandirito ang mga ito Loyd?" tanong ko kay Loyd na busy sa pagmamaneho. "Matutulog na sana kami ng bigla ka na lang tumawag. Ayaw naman nila magpaiwan at ba 'ka may multo raw na magpakita, Oh taray di 'ba!" Hindi ko maiwasang matawa dahil sa tono ng pagsasalita ni Loyd. Napatango-tango naman ako sa sinabi nito. Dati pa lamang ay may takot na sa mga multo sina Pamella at Sophia. Ayaw na ayaw ng mga ito sa madilim na lugar dahil doon daw madalas nagpapakita ang mga multo na ikinaiiling na lang niya. Hindi ko alam kung bakit takot na takot ang mga ito sa bagay na iyon na wala namang katotohanan ngunit nirerespeto ko nalang ang paniniwala ng mga ito. Sa labas lamang ang tingin ko habang hindi pa rin tumitigil sa pagkukuwentuhan sina Pam at Sophia sa back seat. Nasa malalim ako pagiisip habang tinatanaw ang tanawin sa labas ng may mahagip ang mata ko. Isang babaeng nakaitim na bestida habang naglalakad sa kalsada. medyo madilim sa lugar na dinadaan namin sapagkat sira ang poste ng ilaw roon at hindi pa naipapaayos. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit naglalakad ang ginang na iyon sa dis oras ng gabi. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at tumingin na lang ulit sa tanawin ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay nadaan na naman namin ang ginang na nakaitim na bestida. Hindi ko maiwasang kilabutan sapagkat imposible namang madaan namin iyon dahil nakakotse kami. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at umaasang wala na roon ang ginang ngunit ng silipin ko ulit ang bintana, nagulat na lamang ako ng nasa bintana na ang ginang habang umaandar ang kotse. kinilabutan ako at hindi maiwasang mapaatras sa 'king kinauupuan. "Ayos ka lang Shanelle?" tanong ni Loyd sa akin ng mapansing hindi ako mapakali sa puwesto ko. tumango na lamang ako rito at hindi na muling tumingin sa bintana. Na sa isip ko ay guni-guni lamang ang nakita. NASA HIGAAN na ako habang malalim ang iniisip. Bandang alas onse na rin ng gabi kaya paniguradong tulog na rin sina Loyd sa kani-kanilang kuwarto. Hindi ako makatulog sapagkat naiisip ko pa rin ang mga salitang binitawan ni mom sa 'kin. Sakit ba talaga ako sa ulo? medyo nakokonsensiya na rin ako dahil sa ginawa kong pagtalikod rito. Kahit na ganoon naman ang magulang ko ay mahal na mahal ko pa rin ang mga iyon at ayaw kong nasasaktan ang mga ito ng dahil sa akin kaya, napagisipan kong hihingi ako bukas ng tawad sa kanila pagkauwi pa lang niya. Hindi oo rin maiwasang isipin ang nangyari kanina. Hindi ko makalimutan ang babaeng nakaitim na bestida sapagkat nakakapanginig ng katawan ang nangyari kanina. Masyado lamang siguro ako nadala sa sinabi ni Loyd tungkol sa multo kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon ko sa walang kamuwang-muwang na ginang. Nakadama ako ng uhaw kaya napagpasiyahan kong lumabas sa aking kuwarto upang pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Sa paglabas ko, kadiliman ang bumungad sa 'kin. Bigla kong naalala ang sinabi nila Sophia at Pamella kaya hindi ko maiwasang kilabutan ngunit napatawa rin sa huli. Sino naman kasi ang hangal ang maniniwala sa isang multo o kaluluwa na haka-haka lamang. Napakamot na lamang ako sa ulo at lumakad papuntang kusina. Pagkarating ko, dumiretso ako papuntang ref upang kumuha ng tubig. Habang umiinom ako, may kung anong dumaan sa gilid ng mata ko. Tumigil muna ako sa paginom at niilibot ko ang paningin sa buong paligid ngunit tanging dilim lang ang nakita ko sapagkat hindi ako nagbukas ng kahit isang ilaw. Hindi ko maiwasang kilabutan kaya nagmadali na akong uminom ng tubig at ng matapos ako, malalaki ang hakbang na bumalik ako sa aking kuwarto. Nagtalukbong kaagad ako ng kumot pagkarating pa ko pa lang ng kuwarto at pinilit ang sariling makatulong kaagad. HINDI KO ALAM kung nasaan ako. Mga nagtataasang puno lang ang nasa paligid ko kaya hindi naiwasang matakot. Hindi ko alam ang nangyayari o bakit ako napunta sa lugar na ito ngunit isa lang ang nakapukaw ng atensiyon ko, may isang kubo sa harapan ko. Halatang matagal na iyong nakatirik sa lugar na iyon dahil na rin sa itsura nito na mukhang pinaglipasan na ng panahon. Pinagmasdan ko ang kubo ng lumabas sa pinto ang Isang babaeng nakaitim na bestida at halatang matanda na habang may hawak na kandila. Dumiretso ang ginang sa isang gilid at mukhang nananalangin. Bumubulong ito sa kakaibang lengguwahe na hindi ko maintindihan. Napaatras na lamang ako ng naglabas ang ginang ng isang kutsilyo at walang pagdadalawang-isip na hiniwa nito ang pulsuhan at umusal ng salita. Hindi ko maiwasang matakot. Gulong-gulo na ako sa nangyayari ng may biglang dumating na mga taong nakaitim at may kung anong buhat-buhat ang mga ito. Inilapag ng mga ito ang akay at sinimulan na ring umusal ng salita. Hindi ko alam ang gagawin kaya dahan-dahan akong umatras upang hindi makagawa ng ingay ngunit nabigo rin ng makaapak ako ng isang sanga. Lumingon silang lahat sa gawi ako at dahil sa taranta, kusang gumalaw ang mga paa ko upang tumakbo. Takbo lang ako ng takbo at hindi na pinapansin kung saan man ako mapapadpad basta ang nasa isip ko lang, makalayo ako sa mga taong iyon. Napadpad ako sa isang kagubatan. Hindi ko alam kung nasaan ako ngunit ang nagpapakaba sa akin ay ang nakita ko kanina. Maaring may ginagawa ang mga iyon at mukhang naistorbo niya. Hindi ko maiwasang makadama ng takot para sa akingsarili. Tumingin-tingin ako sa buong paligid, nagbabakasakaling makahingi ng tulong ngunit mukha yatang malabo dahil na rin sa kinatitirikan ko. Nililibot ko ang paningin sa buong paligid ng may napansin akong rebulto ng isang tao sa puno 'di kalayuan sa puwesto ako. Ang ginang! Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa labis na takot. Palapit ng palapit ito sa akin ngunit wala akong magawa kung hindi ang titigan lamang ito at ikurap ang aking mata. Nanginginig na ako dahil sa labis na takot. Gustong-gusto kung tumakbo ngunit ayaw makisama ng katawan ko. Nang makalapit ito, Halos mawalan na ako sa ulirat ng makita ko ang itsura nito. HINGAL NA HINGAL na napabalikwas ako sa higaan. Naghahabol ako ng hininga habang pinalilibot ko ang paningin sa buong paligid, hindi ko maiwasang matakot. Madilim na paligid lang ang nakita ko sa buong sulok ng kuwarto ko na kinaginhawa ng katawan ko. Isang panaginip lang pala, sa isip ko habang pinapakalma pa rin ang sarili dahil sa isang bangungot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD