Chapter 2

1188 Words
NAPABUNTONG HININGA na lamang ako dahil sa labis na kaba. Kasalukuyan akong nasa harap ng bahay, nakatayo sa pinto habang kumukuha nang lakas ng loob na pumasok. Nang kumalma na ako, hinawakan ko ang seradora ng pinto at dahan-dahang pinihit. Ganoong na lang ang pagtataka ko ng makitang nasa salas sina Mom at Dad habang may mga bagahe sa mga tabi nito. Nagtatakang pinagmasdan ko sila. Naghihintay ako para ipaliwanag nila sa 'kin ang nangyayari dahil sa totoo lang, gulong-gulo na ako. Mukhang napansin naman iyon ni Mom. Huminga ito ng malalim bago ako harapin. "Kailangan naming umalis ng Papa mo Shanelle." Napakuyom ako ng kamao dahil sa narinig. May ideya na ako sa sasabihin ni Mom ngunit hindi na lamang ako kumibo at hinintay na matapos ang sasabihin nito. "May nangyaring aberya sa isang kumpanya ng Daddy mo sa France kaya kailangan naming manatili roon ng dalawang linggo, we have to go dahil mahuhuli na kami sa flight namin." ayun na lamang ang nasabi ni mom bago hawakan ang bagahe nila at t'saka lumabas ng pinto. Nakatayo pa rin ako, tulalang iniisip ang sinabi ni Mom. Nang pagkaraan ng ilang minuto ay doon lang ako nabalik sa ulirat at padaskong naupo sa sofa. Hindi ko maiwasang makadama ng galit sa kanila. Handa na sana akong humingi ng tawad sa kanila ngunit dahil sa nangyari ay bumalik ulit ang sama ng loob ko sa mga ito. Bumuntong hininga na lamang ako at mabigat sa kaloobang nagtungo siya sa kusina upang kumain. Hindi na ako nakakain pa ng agahan sa condo ni Loyd dahil sa pagmamadali kong umuwi na napunta lang sa wala. NAKATULALA LAMANG ako sa kisame at nasa malalim na pagiisip. Labis ang bagot ko dahil nasa kuwarto lang naman ako maghapon habang nakahiga. Tanging ako lang ang nasa bahay dahil wala kaming katulong. Hindi kumuha ng kahit isang kasambahay si Mom dahil dagdag lamang raw iyon sa gastusin. Nagmuni-muni pa ang ng ilang sandali ng maisipan kong tawagin ang pinaka matalik kong kaibigan upang papuntahin rito para naman may makasama ako kahit papaano. kinuha ko ang telepono sa bulsa at tinipa ang numero ni Loyd. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago nito sagutin ang tawag, "Ano na naman ang kailangan mo ganda?" tanong nito sa akin sa mababa na tono. Mukhang nagising ko ito sa mahimbing nitong pagkakatulog. "Puwede ka bang pumunta rito sa bahay para naman may kasama ako?" tanong ko rito. "Wala ba diyan sila tita?" napatungo ako dahil sa tanong ni Loyd. Syempre wala na naman sila mom, lagi naman. "Wala alam mo naman ugali ng mga 'yun," nasabi ko nalang dahil sa kawalan ng sasabihin. Nagantay pa ako ng ilang minuto bago ko marinig ang buntong hininga niya. "Sige pupunta na." aniya sa mahinahon na tono. Hindi ko maiwasang mapangiti. Napakaswerte ko talaga kay Loyd dahil hindi niya ako kayang tiisin. Tumayo ako sa 'king kinahigaan at naisipang pumunta sa kusina upang maghanda ng makakain. Paniguradong rito kakain si Loyd dahil sa pagmamadali nitong pumunta rito at balak ko ring ayain siya upang samahan akong matulog rito mamayang gabi. Nang makarating ako sa kusina ay sinimulan ko nang maghanda ang mga rekados sa lulutuin ko. Habang naghihiwa ng mga sangkap ay bigla na lamang tumunog ang doorbell kaya iniwan ko muna ang ginagawa at pinuntahan ang pintuan. Nakangiti kong binuksan ang pinto ngunit wala akong nakita ni anino ng tao. Baka guni-guni ko lang yung doorbell Isinarado kong muli ang pinto at akma na sana akong aalis ng tumunog ulit ang doorbell ngunit sa pagkakataong iyon ay sunod-sunod na. Nayayamot na binuksan ko ang pinto ngunit sa kasamaang palad ay walang tao roon. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid at nagbabakasakaling makita ko ang loko-lokong pumipindot ng doorbell ngunit wala akong nakita. Pabalibag kong sinara ang pinto dahil sa pagkayamot at muling naglakad patungong kusina ngunit ganoon na lamang ang inis ko ng bigla ulit iyong tumunog. Inis kong binuksan ang pinto at balak na sanang singhalan ang pangahas na nantitrip sa 'kin ng bumungad ang nagtatakang itsura ni Loyd, sa likod nito ang iba naming kaibigan na nakangangang nakatingin sa 'min. Napaayos ako ng tayo at napasuklay na lamang sa buhok gamit ang kamay at ngumiti ng matamis sa kanila nauwi lang rin sa ngiwi. "Anong itsura yan Shanelle?!" Tanong ni Loyd sa 'kin. Hindi ko ito magawang ngitian dahil na rin sa nangyari. Pinapasok ko na ang nga ito at ng ako na lamang ang nasa pinto ay nilibot kong muli ang paningin sa paligid, nagbabakasakaling makita kang taong kanina pa nantitrip sa 'kin. Nang wala akong makita ay pumasok na rin ako sa loob at dumiretso sa kusina. Naabutan ko silang nagkakagulo habang nagaagawan sa pagkain. Sina Loyd at Steve na parang bata na kung kumain at ang iba naman ay kung sumandok ng pagkain ay nilubos-lubos. Napailing na lamang ako sa mga asal nito bago ako lumapit sa kanila upang kumuha ng pagkain. Habang kumakain ako ay panay ang sulyap ko kay Loyd at Pamella na seryosong naguusap at dahil sa kuryosidad ko ay lumapit ako sa mga ito upang pakinggan ang pinaguusapan ng dalawa. "Sure ka bang puwede talaga tayo diyan tumambay? ba 'ka kasi mapagalitan tayo ni tita." "Sure na sure sis at besides nagpaalam naman na ako sa magulang ko kaya rest assured na hindi tayo mapapagalitan." rinig ko at nag ok sign si Pamella kay Loyd. Naguguluhan ako sa kanilang dalawa kaya, 'di ko maiwasang sumabat, "Anong pinaguusapan niyo?" tanong ko sa mga ito. Nagkatinginan pa ang dalawa ng humarap si Loyd sa 'kin. "Balak kasi ng barkada na mag out of town pero hindi na siguro kasi alam kong magagalit magulang mo, ayaw naman naming umalis na hindi ka kasama," mahabang litanya ng kaniyang kaibigan, nababakas ang lungkot sa mukha nito. Hinawakan ko ang kamay nito at ngumiti. "Ano ka ba naman Loyd syempre sasama ako kaya tuloy na natin," sabi ko rito sa mahinahon na tono. Labis ang galak sa 'king tono dahil gusto ko ring magbakasyon para naman makapag relax at panandaliang mawala ang inis sa magulang ko. Lumiwanag muli ang itsura ni Loyd at kita sa expression nito ang saya dahil sa sinabi ko. Masayang sinabi ni Loyd kay Pamella ang pagsang-ayon ko sa sinabi nila. Labis rin ang saya sa mukha nito. Nagplano na ulit sila para sa binabalak nilang bakasyon at ng matapos ng pagpaplano ay ibinalita nila sa mga kaibigan namin ang planong pag a-out of town. Labis ang galak ng mga ito dahil sa wakas ay makakagala na naman kami. "Makakapag beauty rest na naman ako babe," aniya ni Karen habang nakahawak sa braso ng kasintahang si Steve. Ngumiti na lamang ang binata rito. Si Sophia naman na ngumiti lang sa 'kin pero alam kong sa loob-loob nito ay masaya rin ito dahil sa sinabi ni Loyd. si Reinx na seryoso lang sa gilid at ang iba naman nagtatatalon dahil sa labis na excitement. Napagpasyahan naming matulog na dahil plano nilang mamili ng mga gagamitin para sa makalawa. Natulog kami ng may ngiti sa labi dahil sa wakas, makakapagbakasyon na naman kami ng sama-sama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD