KINABUKASAN ay maagang nagsiuwian sila Loyd. Kailangan nilang ihanda lahat ng kani-kanilang gamit kaya naisipan nilang magkita-kita na makapananghali upang mamili ng mga pagkain. Nagsilid ako ng tig-sampong parehas ng damit at short sa bag ko at nagdala na rin ako ng essential upang may magamit.
Pagkatapos ay itinabi ko iyon sa 'king kabinet at lumabas sa silid ko. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang hagdanan ng biglang tumunog ang telepono ko. Bumungad sa screen ang Pangalan ni Reinx, hindi ko maiwasang mapangiti. May gusto ako rito pero natatakot akong umamin dahil ayokong masira ang samahan na mayroon kami.
Sinagot ko ito at hindi maiwasang mapangiti ng magsalita ito, "Tapos ka na ba magayos ng gamit mo Ell?" tanong niya sa 'kin. Hindi ko maiwasang pamulaan ng pisngi dahil sa baritonong boses nito.
"Tapos na akong magayos hinihintay ko na lang sila loyd na bumalik rito."
"Wait....i have to go may gagawin pa kasi ako." ayun na lamang ang nadinig ko bago mamatay ang linya. Nakasimangot akong bumaba ng hagdanan at lupaypay na sumalampak sa upuan. Ilang oras rin akong nagayos ng gamit kaya hindi ko maiwasang mapagod. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
"BESH gising!" naalimpungatan ako ng maramdaman kong may tila yumuyugyog sa balikat ko. Minulat ko ang mata ko at bumungad sa 'kin ang nakasimangot na mukha ni Loyd. Napaayos naman ako ng upo.
"Kanina ka pa ba rito?" tanong ko rito
"Kararating ko lang rito and magbihis kana at mamimili na tayo gosh!"
Natawa ako dahil sa itsura niya. Halatang diring-diri sa itsura ko. Pumanhik ako papuntang silid ko at ng makarating ay dumiretso kaagad sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis kaagad ako at nagmadaling lumabas ng kuwarto papuntang sala.
Pagkarating ko sa sala ay naabutan ko si Sophia na nakaupo habang may kung anong binabasa na libro. Hindi ko na lamang iyon pinagtuunan ng pansin at dumiretso sa kusina. Pagkarating ko palang ay naaburan ko sina Loyd, Pamella at Karen na may kung anong hinahalungkat sa ref namin. Napatampal nalang ako sa noo
Mga patay gutom
"Hoy mga punyemas naman 'to, anong ginagawa niyo diyan sa ref namin?!" sigaw ko na nagpagulat sa kanila. Dahan-dahan naman silang tumingin sa direksyon ko habang nangungusap ang mga mata, "Sorry besh gutom na gutom na talaga ako." sabi ni Loyd habang ngumunguya. Si Pamella naman na hindi na magkandaugaga sa paghahanap ng tubig habang punong-puno ang bibig at si Karen naman na walang pakialam sa mundo at nanghahalungkat pa rin ng pagkain sa ref.
Napailang na lamang ako dahil sa asal nila. Pinabayaan ko nalang sila sa kusina at bumalik sa sala. Umupo ako sa tabi ni Sophia na wala pa ring imik habang nagbabasa. Tiningnan ko kung anong binabasa niya ngunit naguluhan rin dahil sa kakaiba nitong mga letra.
"Sop, ano yang binabasa mo?" tanong ko rito. Napahinto siya sa paglilipat ng pahina at humarap sa gawi ko, "Nothing." iyon na lamang ang sinabi niya at binalik ang atensyon sa libro. Nakipit-balikat na lamang ako at kinuha ang telepono ko upang maglaro. Naghintay pa ako ng ilang bago lumabas sila Loyd sa kusina.
Posturang-postura na ang mga itsura nito hindi gaya kanina na akala mo'y hindi pinakain ng isang linggo.
"Alam ko ang iniisip mo Shanelle kaya umayos ka kung ayaw mong sabunutan kitang babaita ka!" sigaw ni Loyd habang nanlilisik ang matang nakatingin sa 'kin. Nginisihan ko lang siya at tumayo, "Alis na tayo guys anong oras na." sabi ko nalang at nauna ng maglakad palabas. Nakasunod naman sila sa likuran ko habang naguusap-usap
Nang makalabas kami ay dumiretso kami sa sasakyan ni Loyd. Apat lang kami na mamimila dahil may gagawin pa raw ang iba. Sa unahan ako habang nasa driver seat naman si Loyd. Sa likod naman sina Sophia at Karen. Pinaandar na ni Loyd ang sasakyan papuntang mall. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan at walang kibuan. Si Sop na nagbabasa pa rin ng libro habang si Karen naman na panay ang tipa sa telepono at mukhang may kausap. Kitang-kita ang ngiti sa kaniyang mukha na kinataka ko. Halata kasing kinikilig ang g*g*.
"Karen sino yang kausap mo at ngiting-ngiti tayo?" tanong ni Loyd sa kaniya. Napansin rin niya siguro si Karen.
"W-Wala, wag niyi na lang ako pansinin." yun na lamang at humarap na ulit siya sa phone niya. Nagkatinginan naman kami ni Loyd, Bakas ang pagtataka sa mukha namin.
Weird
Nang makarating kami sa mall ay sabay-sabay kaming bumaba ng sasakyan. Kita ko ang paglingon ng tao sa gawi namin. Sino nga bang hindi mapapatingin samin kung anak kami ng pinaka mayaman sa lugar namin. Si Sophia na anak ng pinakasikat na aktor at aktress. Si Pamella na anak ng mayor sa lugar namin. Si Karen na anak ng Vice Mayor at ako naman ang anak ng pinaka pinagkakaguluhan na kumpanya sa Pilipinas.
Taas noo kaming naglakad papunta sa botique shop na lagi naming pinupuntahan. Habang naglalakad ay panay bulungan ng mga tao sa paligid namin.
'Gosh sis ang gaganda talaga nila'
'Oo nga lalo na si Shanelle'
'Yeah gurl. Gusto ko rin mapasama sa grupo nila'
'Asa ka naman'
Napatawa ako dahil sa narinig. Nang makarating kami sa botique ay kaagad kaming inasikaso ng mga staff. Tingin lang kami ng tingin ng damit ng inagaw ni Pamella ang atensyon namin.
"Guys i need to go may gagawin pa kami ni Steve." aniya habang napapakamot nalang ng ulo habang nakatingin samin. Tinaasan naman siya ng kilay ni Loyd, "Gurl kakarating pa lang natin rito aalis ka na kaagad?! singhal ni Loyd rito. Ngumiti na lamang si Pam samin at nangungusap ang matang bumaling siya sa 'kin .
"I need to go na talaga guys kasi balak naming lumabas ngayon ni Steve, sorry." yun na lamang ang sinabi niya bago magpaalam na aalis na siya. Nakabusangot naman ang mukha ni Loyd na binalingan kami ng tingin.
"May aalis pa ba kung meron alis na!" aniya. bakas ang inis sa tono. Nilapitan ko ito at inakbayan. "Chill Loyd, Pabayaan na lang natin si Pam ok?" pagpapakalma ko rito. Tumango siya at tumingin-tingin na rin ng damit.
Sure akong magiging mahaba ang araw na'to para samin.