Chapter 4

1014 Words
PAGKATAPOS NAMING mamili ay naisipan naming kumain muna sa isang Restaurant. Nakatingin lang ako sa glass wall sa gilid ko habang hinihintay namin ang order namin. Nasa isa kaming high class Restaurant. Halata ang pagka elegante nito dahil sa mga Chandelier na nakasabit sa mga kisame ng restaurant. Mga palamuti na halatang gawa sa tunay na silver at gold at mga mamahalin nitong upuan. Nakita ko si Karen sa gilid ko na panay ang kuha ng litrato at si Loyd naman na wagas kung magpost. Napukaw. lang ang atensyon ko dahil sa ginang na naglalakad. Kulay itim ang kasuotan at natatakpan ang mukha nito. Hindi ko alam kung anong sumapi sa 'kin pero gusto kong makita ang itsura ng ginang kaya nilapitan ko ito. Babatiim ko palang ito ng tawagin ako ni Loyd, "Anong ginagawa mo Shanelle?" tanong niya sa 'kin. Nilingon ko ang ginang para ituro ito ngunit wala na ito sa tabi ko. Napaurong ako. Kani-kanina lang nasa harapan ko pa siya pero nawala kaagad. Sinubukan kong ilibot ang paningin sa buong paligid pero wala na akong nakita kung hindi ang mga taong masayang kumakain. Lugong-lugo akong bumalik sa upuan ko. "Anyare sayo besh?" nilingon ko ito. Bakas sa mukha ni Loyd ang pagtataka sa inaasal ko. Sino ba kasi iyong matandang iyon? bakit parang napakainteresante ako sa kaniya? Parang biglang naalog ang utak ko ng may maalala. SIYA NGA! Siya yung ginang na iyon. Ang nakita ko nang nakaraang araw. Siya yung nakakatakot na ginang. Hindi maiwasang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Bakit ko nga ba nakalimutan ang ginang na'yun? Guni-guni ko lang ba siya o talagang totoo ang nakita ko? Nabalik ang sa ulirat ng may maglapag ng pagkain sa lamesa namin. Nakita ko si Loyd na kinuha ang kutsara sa plato niya at sinimulan ng kainin ang inorder niyang cake. Si Karen naman na iniinom na ang milkshake na hawak niya. Hindi ko napansing kasama pa pala namin si Sophia. Nasa isang gilid lang ito habang kumakain ng inorder niya. Binalingan ko ang plato ko na may laman na cake. Kinuha ko ang kutsara sa gilid nito at sinimulan na ring kumain. Wala kaming imik ng sandaling iyon hanggang sa matapos na kaming kumain. Si Loyd na ang nagbayad ng kinain namin at naisipan naming umuwi na. Habang naglalakad kami sa parking lot ng mall ay nakita kong muli ang ginang na may itim na kasuotan ngunit ang kinaibahan ay nakatapat sa direksyon ko ang katawan niya. Nilingon ko sina Loyd na nagkukuwentuhan at hindi napansing huminto na pala ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa isip ko pero naglakad ako sa puwesto ng ginang. Para akong kinokontrol dahil hindi ko manlang magalaw ang katawan ko na tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad. Nang nasa harap na ako ng ginang ay huminto na sa paglakad ang mga paa ko. Hindi ko makita ang mukha nito kaya hinawi ko ang tela sa mukha nito na hindi ko na lamang sana ginawa, "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" tili ko habang nakatutok sa mukha nito. Walang mata ultimo ilong. Hindi ko maiwasang matakot. Binitawan ko na ang tela ang nagmamadaling umatras rito. "S-Sino k-ka ba talaga!" sigaw ko rito ngunit wala akong nakuhang sagot. Nilingon ko ang gawi ni Loyd upang manghingi ng tulong pero kataka-taka dahil nakatingin lang sila sa 'kin ng may pagtataka sa mukha. "LOYD TULUNGAN NIYO AKO!" sigaw ko sa kanila. Lumapit naman sila sa 'kin, "Anong nangyayari sa 'yo Shanelle?" tanong nito. "Y-Yung babae Loyd!" nanginginig kong sabi rito at hinarap ang ginang upang ituro. Ngunit kagaya rin ng nangyari kanina ay nawala ito ng parang bula. Napayuko ako. "Y-Yung babae Loyd.." sabi ko rito sa mababa na tono. Napahinga siya ng malalim at hinarap ako. "Shanelle walang babae. Kanina ka pa namin tinatawag pero nandidito ka lang at para kang walang naririnig tapos bigla ka nalang sumigaw, ano bang nangyayari sayo besh?" mahabang litanya nito sa mababang tono. Ano nga bang nangyayari sa 'kin. Kani-kanina lang, biglang nagpakita sa 'kin ang babaeng iyon pero bigla na lang nawala tapos nagpakita ulit sa 'kin? ghad Shanelle nababaliw ka na ba? ba 'ka guni-guni ko lang talaga o ba 'ka naman totoo talaga ang nakita ko. Hindi na lamang ako umimik at sumunod nalamg sa kanila na naglakad ngunit bago iyon ay nilingon ko muli ang direksyon ng ginang at hayun siya, nakamasid lang sa bawat galaw ko. Iniwas ko nalang ang paningin ko roon at sa harap na lang tumingin. NAKARATING KAMI sa amin ng matiwasay. Ilang minuto lang nagtagal sila Loyd rito sa bahay bago magpaalam para umuwi. Kailangan rin nilang magayos dahil bukas na ang alis namin. Nang makaalis sila ay magisa na lamang ako sa bahay namin. Madilim sa taas at kaya tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at naisipan kong umakyat upang buksan ang ilaw. Tanging tunog lang ng yabag ko ang maririnig sa buong kabahayan. Wala akong makita na kahit na ano pagkarating ko sa second floor kaya kinuha ko ang phone ko sa bulsa at binuksan ang flashlight. Nagmamadali akong pumunta sa switch ng ilaw at pinagana iyon. Nakahinga ako ng maluwag ng lumiwanag ang buong paligid. Hindi ko alam kung bakit ako takot na takot ngayon sa dilim. Siguro dahil sa nakita ko kanina. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa ginang na iyon. Sana imagination lang ang lahat ng iyon dahil hindi ko maiwasang matakot sa ginang na 'yun. Pumanhik na ako sa kuwarto ko. Nang makapasok, kumuha kaagad ako ng damit at naligo. Ilang minuto lang ang tinagal ko dahil sa pagod ko at lumabas na. Kinuha ko ang skin care ko at nagsimula ng magpahid. Hindi ko maiwasang maexcite. Bukas na ang alis namin para sa bakasyon. Ang huling bakasyon namin ng sama-sama ay 2 years ago. Napagalitan kasi kami ng mga magulang namin dahil isang buwan kaming nawala at ngayon, nakakapagrelax na naman ako. Tinapos ko na ang ginagawa ko at humiga na sa higaan ko. Nagisip-isip pa ako ng ibang bagay at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD