ALAS SINGKO pa lang ng umaga ay gising na ako. Sino ba naman kasi ang hindi magigising kung bigla nalang tumunog ang doorbell at bubungad sayo ang mukha ng mga kaibigan mo.
"Good morning besh!" masayang bati ni Loyd sa 'kin. Nilingon ko naman ang likod niya at bumungad sa 'kin ang mukha ng mga kaibigan ko at ayos na ayos.
Sh*t maaga nga pala kami ngayon.
Inayos ko ang magulo kong buhok at pinunasan ang laway na nagkalat sa gilid ng bibig ko. Napansin naman iyon ni Pam. Nandidiri niya akong binalingan ng tingin, "Hindi ka ba marunong maghilamos muna Shanelle bago bumangon at pagbuksan kami ng pinto?" tanong nito at nauna ng pumasok sa loob. Sumunod naman sila Loyd na patawa-tawa pa habang nakatingin sa 'kin.
Inirapan ko nalang sila at pumasok na rin sa loob. Dumiretso kaagad ako sa kuwarto at naghilamos ng mukha pagkatapos ay nagpalit na rin ng damit. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba. Dumiretso kaagad ako sa kusina at naabutan ko silang nagluluto.
"Akin na ang itlog Pam."
Napalingon ako sa may-ari ng boses at bumungad sa 'kin si Gretchen na nagluluto.
"Gret!" masayang tawag ko rito at patakbong pumunta sa gawi niya. Sinalubong niya ako ng yakap na siyang mas kinangiti ko. Dalawang linggo matapos mawala ni Gret dahil may ginawang fasion show ang magulang niya at kailangan niyang sumama. Both model sa isang malaking agency ang magulang ni Gret sa Paris kaya hindi na kataka-takang matangkad at maganda siya.
"I miss you too Shanelle kumusta?" tanong niya habang nakayakap pa rin sa 'kin. "Ayos lang ako talagang nagulat lang dahil hindi ko alam na makakasama ka sa vacation." kumalas kami sa pagkakayakap at tinuloy na nito ang ginagawa. Ako naman ay pumunta sa dining area upang tulungan ang ibang magayos ng lamesa.
"Parang mas nagglow pa si Gret pansin mo ba besh?" tanong ni Loyd sa 'kin na sinangayunan ko. Mas lalo pang pumuti ang balat ni Gret. Dati na siyang maputi pero kapansin-pansin talaga ngayon ang kaputian na mas bumagay sa kaniya.
"Kainggit talaga ng bebe Gret natin." sabat ni Karen na nagpupunas ng kutsara. Ilang sandali pa ay pumasok sa dining sina Reinx, Gret, Pam at Steve habang dala ang mga pinggan na may pagkain na niluto nila. Sa gilid naman ay si Sophia habang nagbabasa pa rin ng hawak niyang libro and speaking of Sophia, "Sop!" tawag pansin ko sa kaniya. Humarap naman siya sa gawi ko.
"Bakit Shanelle?" tanong nito sa malumanay na tono.
"Kain na tayo tama na yang pagbabasa mo." aya ko rito at naupo na sa upuan ko. Tumango naman siya at nilapag sa isang gilid ang libro niya at lumapit sa lamesa at umupo sa tabi ni Gret na masayang nakikipag kuwentuhan kina Reinx at Pam. Nagusal lang kami ng saglit na panalangin bago kumain. Habang kumakain ay masaya kaming nagkukuwentuhan ng kung ano-anong bagay.
"Mas lalo kang gumanda ngayon Gret." puri ni Reinx kay Gret. Namula naman ang babae dahil sa sinabi nito. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara ko. Alam kong may gusto rin si Gret kay Reinx kaya hindi na ako magtataka sa reaksyon nito. I just feel jelous. Matagal na akong may gusto kay Reinx pero kahit kailan hindi niya manlang ako pinuri kahit minsan.
Palihim kong tinaliman ng tingin si Gret habang kausap niya si Reinx.
B*tch.
Hindi nalang ako tumingin sa gawi nila at tinapos na ang pagkain. Pagkatapos ko pa lang ay nagpaalam ba akong magaayos. Pumunta na ako sa kuwarto. Nang makarating ako ay kumuha kaagad ako ng tuwalya at pumasok sa loob ng cr upang maligo. Tatlompung minuto ang inabot ko bago matapos maligo. Suot ko ang puting hanging blouse at isang kulay kremang short. Naglagay ako ng light makeup sa mukha para mas bumagay sa suot ko pagkatapos ay kinuha ko na ang bag na naglalaman ng gamit ko sa out of town at lumabas na ng kuwarto.
Pagkatapak ko sa sala ay naabutan ko silang nagtatawanan habang nagkukuwentuhan. Inagaw ko ang atensyon nila sa isang tikhim. "Tara na guys para makarating tayo bago maghapon." sabi ko sa kanila at nauna ng lumabas. Nang makalabas ay nakita ko ang Van na pagmamayari ni Sophia. Pumunta ako roon at binuksan ang pinto sa harapan at doon pumuwesto.
Madalas talaga ako sa harapan umuupo lalo na kung mahabang biyahe dahil masyado akong nahihilo pag maraming katabi. Sumunod naman ang iba na sa likod umupo. Nagulat na lang ako na umupo si Reinx sa tabi ko. "Akala ko si Sop ang magdadrive dahil sa kaniya itong van na 'to?" tanong ko rito ng sumingit si Sophia sa usapan, "Hindi ko kayang magdrive ng van Shanelle. Si Reinx talaga ang nagmaneho niyan para sa iisang sasakyan na tayo." sabi niya at tumutok ulit sa hawak niyang libro. Tumango nalang ako dahil sa kawalan ng sasabihin.
Nagsimula ng umandar ang van. Masayang nagkukuwentuhan ang nasa likod habang kami namang dalawa ni Reinx ay tahimik lang sa isang banda. Sa resthouse nila Pamella ang destinasyon namin. Hindi ko alam kung saang lugar iyon dahil hindi ko pa napupuntahan iyon. Tanging sa labas lang ang paningin ko habang pinagmamasdan ang tanawin sa paligid namin. Hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Nang magising ako ay nakita kong natutulog na rin ang iba pa naming kaibigan at tanging si Reinx lamang ang gising dahil nagmamaneho ito. Sinilip ko ang bintana kung nasaan na kami ngunit tanging nagtataasang puno lang ang nakikita ko. Mukhang liblib rin ang lugar dahil sa itsura nito.
"Reinx tama ba ang dinadaan natin?" tanong ko rito labis ang pangamba.
"Oo naman." sabi nito habang sa harap pa rin ang tingin. Tumingin muli ako sa labas para tingnan pa ang paligid. Halos walang kabahayan sa paligid at tanging nagtataasan lang na talahiban ang nakikita ko. Hindi rin mukhang kalsada ang dinadaanan namin dahil na rin sa lubak. Ilang minuto pa ng madaanan namin ang isang maliit na baryo. Mukhang malapit na kami sa kalsada ngunit ang napansin ko ang masinsinang tingin ng mga tao sa sasakyan namin na kinataka ko. I feel strange ngunit sinawalang bahala ko na lamang iyon.