“PAM ITO NA BA ang resthouse na sinasabi mo?” tanong ni Loyd kay Pam habang pinagmamasdan namin ang nasa harapan. Isang bahay na dalawa ang palapag at halatang hindi nalilinis dahil sa luma nitong itsura.
“Yes any problem?”
Nakataas ang kilay habang nakapamewang na nakaharap si Pam kay Loyd. Inirapan lang siya ni Loyd at nauna ng pumasok sa loob. Sumunod naman kami habang dala-dala ang mga gamit. Sa pagpasok namin ay mga nakatakip na gamit kaagad ang bumungad sa amin. Puno ng agiw ang buong paligid at mga nakasabit na frame na natatakpan ng tela.
“It’s like haunted house bebe Pam.” sabi ni Gret habang hinahawi ang mga agiw na dumadampi sa katawan niya. Sumangayon naman kami sa sinabi nito. Totoong papasa ang bahay na ‘to bilang haunted house sa itsura.
“Sorry naman mga sister wala pa kasi yung tagalinis talaga namin na si ate Joy. Sa makalawa pa ang punta ni ate Joy rito," mahabang litanya ni Pam. Napagpasyahan naming maghati-hati ng kuwarto habang hindi pa dumarating ang tagalinis. Kasalukuyan akong nagaayos ng gamit ko ng agawin ni Loyd ang atensyon ko, “Besh samahan mo naman ako magcr," pakiusap niya. Halata sa mukha nito ang pagpipigil ng ihi.
“Ano ba yan Loyd tanda mo na magpapasama ka pa rin!” sabi ko sa maarteng tono.
“Ang scary naman kasi ng house na ‘to like ayokong mamatay na virgin!” histerikal na aniya. Hindi ko maiwasang matawa dahil sa itsura nito na tila takot na takot sa iniimagine.
“At sa palagay mo talaga may papatol sa ‘yo?” nanunuksong ko rito ngunit inirapan lang ako at tumayo sa higaan. Napailing nalang ako.
Pikon talaga kahit kailan.
Umalis na rin ako sa paglalasalampak sa higaan at sinamahan siyang pagtungo sa cr. Habang naglalakad ay panay kuwentuhan naming dalawa tungkol sa bagay-bagay. Nang makarating sa palikuran ay nasa labas lang ako ng pinto habang pumasok naman si Loyd upang umihi. Nagmuni-muni muna ako para hindi mabagot ng mapadako ang paningin ko sa isang sulok malapit sa kinatatayuan ko. May kung anong dumaan na bagay sa gawing iyon. Kinusot ko ang magkabila kong mata at nagbabakasakaling imahinasyon ko lamang iyon ngunit ng pagmasdan kong maigi ang parteng iyon ay may tila gumagalaw pa rin.
Hindi ko alam kung anong iniisip ko pero basta na lamang ako naglakad papalapit roon dahil na rin sa kuryosidad. Sa bawat paglapit ko ay siya ring pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam pero iba ang nararamadaman ko rito. “Besh anong ginagawa mo?” napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Loyd na nakapamewang habang nakatingin sa ‘kin. Humarap ulit ako sa parting iyon ngunit bigla na lamang nawala ang anino roon. Nilingon kong muli si Loyd na takang nakatingin sa ’kin.
“Ano...wala naman tara na para makapagpahinga na tayo.” tanging nasabi ko rito at nauna ng lumakad.
Nadaanan namin ang sala at naabutan namin ang iba naming kaibigan habang nalasalampak sa isang sofa habang nagpapahinga. Tumungo ako sa gawi nila at umupo sa tabi ni Karen na may hawak-hawak na chips. Inalok ako nito ngunit tinanggihan ko rin dahil busog pa ako. Nasa tabi nito si Steve na may kung anong binubutingting sa cellphone nito. Si Sophia naman na as usual nagbabasa na naman ng libro.
“Nasaan sila Gret at Reinx?” takang tanong ko sa kanila ng hindi ko mahagilap ang dalawa rito. Nakipit-balikat lang sila. Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at naglakad patungo sa ikalawang palapag ng bahay para hanapin ang dalawa
“Hoy, saan ka pupunta Shanelle?”
Napalingon ako sa gawi ni Karen ng tawagin niya ako. “Hahanapin ko lang 'yong dalawa.” sabi ko rito at nagsimulang maglakad. Inuna ko muna ang bawat kuwarto dahil ba'ka nagsitulog lang sila. Habang naglalakad, pasimple ko ring pinagmamasdan ang paligid. Maraming nagkalat na lalagyan ng kandila sa paligid at halatang matagal na iyong nakalagay roon dahil sa anik-anik na nakapaligid roon.
“Nasaan na kaya ang mga 'yon,” nababahala kong aniya dahil hindi ko sila mahagilap kahit saan. Akma akong gagawi pababa ng hagdan ng makita ko ang dalawa sa isang sulok. Tatawagin ko na dapat sila dahil sa pagalala pero sa gulat ko ay niyakap ni Gret si Reinx. Napaatras ako.
Anong ginagawa nila roon?
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko ng gumanti ng yakap si Reinx kay Gret. Napakuyom ako ng kamao at tumalikod sa kanila. Tinago ko ang tunay kong nararamdaman at ibinalik ko ang ngiti sa labi ngunit sa loob-loob ko ay gusto ko ng p*umatay ng kaibigan. Humarap muli ako sa gawi nila Reinx, “Sa wakas nahanap ko na rin kayo,” sabi ko sa kanila habang nakangiti. Halata naman ang gulat sa mukha nila ng makita ako.
“Ano...bakit mo kami hinahanap Shanelle?” tanong ni Gret sa 'kin, may pangamba niya akong pinagmasda.
“Hindi ko kasi kayo makita nagaalala lang ako sa inyo.” sabi ko rito at bumaling ng tingin kay Reinx na nakapamulsang nakatingin sa 'kin. Nginitian ko ito. “Hello Reinx!” bati ko rito. Tinanguan lang niya ako at nauna ng naglakad.
“Hoy! Anong ginagawa niyo doon?” tanong ko rito na tila wala akong nakita kanina. Namula naman ang pisngi nito dahil sa tanong ko.
“WALA!” biglang sigaw niya na kinagulat ko. Napalingon rin si Reinx sa gawi namin.
“May nangyari ba Gret?” nagaalalang tanong niya rito. Umiling ito at tinakpan ang mukga gamit ang dalawang kamay. “Hay*p ka Shanelle humanda ka sa 'kin mamaya.” banta nito ngunit dinilaan ko lang siya at patakbong bumaba sa hagdanan papuntang sala kung nasaan ang iba.
“Nangyayari sa 'yo sis?” tanong ni Pam habang tinitingnan niya akong sumagap ng hangin.
Hiningal ako roon.
Tinuro ko ang gawi nila Gret na papalapit sa puwesto namin habang sumasagap ng hangin. Tatawa-tawa namang lumingon si Gret sa 'kin. “Takbo pa!” sabi nito habang tumtawa kaya nakisabay na rin ang iba.
“Oo nalang sa dalawang nagmomoment kanina kaya pala nawala,” pagpaparinig ko kay Gret na kinapula ng pisngi nito. Napansin naman ng iba. Sinimulan na nilang tuksihin ang dalawa habang ako naman na nasa isang gilid na nagngingitngit sa inggit.
Ilang minuto pa ang nakalilipas ng mapagpasyahan naming magpahinga na sa kaniya-kaniya naming kuwarto upang makapagpahinga ng sa gayon ay maaga kaming makagayak bukas. Mayroong anim na kuwarto ang buong second floor ngunit sa kasamaang palad ay nakalock ang isa kaya lima nalang natitira. Hindi rin puwedeng gamitin ang isang kuwarto dahil ginawa na iyong imbakan ng mga hindi ginagamit na gamit kaya tatlong kuwarto nalang muna ang inokyupahan namin ng sa gayon ay hindi kami mahirapan sa paglilinis. Kasama ko si Loyd sa kuwarto samantalang magkakasama naman sina Reinx, Steve sa isa pang kuwarto habang ang isa naman ay para sa iba naming kasama na babae.
Nakahiga ako sa higaan habang sa kabilang parte naman ng kuwarto si Loyd na tulog na sa mga oras na ito. Nakatingin lang ako sa kisame dahil kahit anong gawin ko ay 'di ako dinadalaw ng antok. Kumusta na kaya sina Mommy at Daddy? Namimiss kaya nila ako? Dalawang araw ka rin simula ng lumipad sila papuntang France pero hanggang ngayon hindi pa rin sila tumatawag para manlang kumustahin ako.
Siguro nakalimutan na nila ang pasaway nilang anak.
Pero hindi ko naman kasalanan na ganito ako. Kung siguro binigyan lang nila ako ng sapat na atensyon hindi sana ako magkakaganito. Kung nasa tabi ko sila 'di sana masaya ako ngayon. Sa malalim kong pagiisip, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nilibot ko ang panigin, nagbabakasakaling malaman ko kung nasaan ako. Puno....tanging puno lang ang nakikita ko sa buong paligid. Gabi na sa mga oras na ito at ang tanging liwanag lamang na nagsisilbing mata ko ay ang buwan. Hindi ko alam kung anong mayroon sa lugar na ito pero tila nakarating na ako rito. Napagpasyahan kong maglakad-lakad para mahanap ang daan pauwi sa resthouse nila Pam. Sa bawat paglakad ko ay siya ring pagbigat ng pakiramdam ko. Na para bang hindi ako ligtas rito.
Patuloy lang ako sa paglalakad pero wala manlang ako makita ni kahit ano liban na lamang sa mga nagtataasang puno. Biglang humangin ng malakas na siyang pagtikwas ng mga buhok ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lamig. Akma ko sanang aayusin ang natikwas na buhok ng may napansin akong liwanag sa 'di kalayuan. May pagtitipon 'atang nagaganap dahil na rin sa malaking sakop ng liwanag sa paligid. Hindi ko maiwasang macurious sa nangyayari kaya naglakad ako papunta roon. Sa bawat lakad ko ay pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Parang may naguudyok na huwag na lamang ako lumapit roon ngunit may isang bahagi sa utak ko na gustong malaman ang nangyayari roon at para magawa ko iyon ay kailangan kong pumunta roon. Kahit na may kaba sa loob ko ay tumuloy a rin ako sa paglalakad. Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Nang malapit na ako roon ay may napansin ako. Isang babae malapit roon at nakatayo lamang sa isang puno na animo'y pinagmamasdan ang nangyayari roon. Hindi mapakali ang mga kamay ko. Gusto ko kong iharap sa 'kin ang babae ng sa gayon ay makita ko ang itsura nito ngunit bago ko pa iyon nagawa ay unti-unti na siyang humaharap patungo sa direksyon ko...
Napabalikwas ako ng bangon at naghahabol na huminga. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero tila nagkakarerahan ang puso ko sa sobrang bilis. Nanginginig ang mga kamay ko sa 'di malamang dahilan. Sinubukan ko iyong patigilin ngunit ayaw nitong huminto sa panginginig. Luminga-linga ako sa buong paligid. Hindi ko alam ang nangyayari sa 'kin pero tila balisa ako sa 'di malamang dahilan.
Pero bakit?