I rode my hover board going to Mr. Smith shop. He is the one I trust when it comes to re-transforming of things, depends on the design I want.
"Yow. Rain, what's up."
Napatingin ako sa lalaking nakasakay ngayon sa kaniyang skateboard. He is a schoolmate, I guess. Isa kasi iyon sa uniform namin, every student have their own skateboard.
Sa tingin ko ay lower ito sa akin. Himala at kilala niya ako, kasi ako hindi ko siya kilala. Did I met him before?
May inihagis siyang bubble gum. Nice. Agad ko iyong simabot at binuksan para kainin.
"Thanks." Ngumiti ako sa kaniya kahit na peke iyon. Hindi naman ako mahilig makipag-socialize. I'm an introvert s***h explorer.
"What brings you here?— woah cool, did you make it?" Turo niya sa hoverboard ko. Bakit ba masyado siyang curious? He talked as if we're friends. Kalalaking tao pero ang daldal.
"I have someone to meet so if you'll excuse me. . . I need to go."
Mabilis kong kinontrol ang bilis niyon gamit ang kamay ko. May inilagay akong maliit na chip sa ilalim ng relo to control the hoverboard using my hand motion. Well, that's the power of technology.
The satisfaction filled my entire body matapos kong bumaba sa bago kong laruan. Nandito ako ngayon sa harap ng isang two story house. Gawa sa crystal glass ang pintuan niyon.
Agad na akong pumasok at baka masundan pa ako ng batang makulit. Dere-deretso lang ang lakad ko, kung gaano kasi ito kaganda sa labas ay siya namang kitid sa loob dahil sa mga display. Iba't ibang uri ng bakal iyon at may sukat din.
"Da— oh, you're here."
So, pumunta siya ng Lipisanpi para kitain din si Mr. Smith. What a coincidence. Prente akong umupo sa harap niya, I even cross my legs. Naka-leggings naman ako ng black at high cut boots. Nothing to ashamed of.
Tsaka sino bang may pake sa opinyon niya? Isipin niya kung anong gusto niyang isipin, I don't care.
"Hi." Simpleng bati niya na siyang tinanguan ko lang naman.
"Magkakilala kayo?" Obvious na tanong ni Mr. Smith. Sa way ng pagtingin niya, alam kong may ibig sabihin agad iyon. Pati ang pagtapik ng mga daliri niya sa lamesa, he is damn serious.
Tumango ako sa kaniya. "Kahapon."
Wala na rin naman siyang ginawang komento at tumango-tango lang. May katandaan na rin siya at ngayon ay suot niya ang paborito niyang bilog na salamin. Nakasalamin na nga gumagamit pa ng magnifying glass.
Kung siguro hindi ko pa nasusubukang magpagawa sa kaniya ay iisipin kong wala na siyang abilidad na gawin pa ang ilang bagay dahil sa kaniyang katandaan.
Kaya ko rin naman ang ginagawa niya dahil tinuruan niya ako pero nag-aaral pa ako at tinatamad ako para gawin iyon. Minsan pag inabutan ako ng konsensya ako na ang gumagawa nang mga ginagawa niya kaso minsan madalas akong may sapok dahil minamaliit ko raw siya porket kulubot na ang balat niya.
'Di ba? Ang taas ng pride niyang tatay ko. Kami lang ang nakakaalam na biological father ko siya. Itinatago namin ang relasyon namin dahil isa siya sa council. Pag nalaman ng ibang anak niya ako, manganganib ako.
That's why I practice myself calling him Mister.
A jealous person can do everything even if it means killing. Kung matalino ang mga robot, mas tuso ang nasa posisyon.
Good thing, my mother let her brother adopt me. Dahil noong nanganak siya, no one knows even my father, Mr. Smith.
Sakto naman nang hapon, nanganak ang asawa ni Tito but sad to say the baby was dead. Kaya ang pinalabas na patay ang anak ay si Mommy which is not. Mom and Tito only knows the story and when Mom died she confess it to us, me and Dad. Last two months, Tito told me the same story and the day after he died, following his wife and mom on the afterlife.
That's why I own house maliban sa bahay na 'to. Masyadong malayo sa school. Tuwing pumupunta naman ako rito, walang magdududa sa akin dahil bukod sa shop niya may pinaparentahan din siyang Inn. Kunwaring doon ako sa Inn pero may secret door kami kaya nagkikita pa rin naman kami.
Ang Daddy ko at si Mr. Florence lang ang magkakampi sa loob ng council, marami sa kanila ang sakim sa kapangyarihan.
Tulad ni Clarissa Yven na anak ng kasalukuyang "The Greatest Inventor of Persé Universe", kung walang sinasanto ang mga council she is nowhere to be found by now kahit anak pa siya ng isa sa mataas na tao. Sa dami ng kinasangkutan niyang pagnanakaw at biglaang pagkawala ng mga victim, ni isa walang nagtagumpay na ipakulong siya.
I'm hundred percent sure na siya ang nasa likod ng pagkawala ng mga lower year nang school. Pero binalaan ako ni Daddy na huwag akong makikisali sa gulo. Dahil ako ang dehado sa dulo.
Luckily, nakatakas ako sa kaniya. Hindi madali pero nakayanan ko naman. Pinili kong manahimik dahil balang-araw darating din ang oras ng pagbagsak niya.
I'm being pathetic like an scardy cat but I'm tough with this. I'm more than strong for my conscience.
Trust no one, ika nga. Even, Professor Greene, he is one of the inline council for next decades. Ako lang ang may alam ng sekretong iyon ni Prof. pero hindi niya alam na alam ko.
Kilala ko na lahat ng council at tatakbo palang because of Dad.
"Check your item inside, you know where it was, Rhianna," ani Mr. Smith habang nakatutok pa rin sa ginagawa niya.
Inilagay ko ang dalawang palad ko sa binti ko, pinalobo ko rin muna ang bubble gum ko at pinapaputok iyon bago tumayo. "Okey."
Lumakad na ako papuntang kaliwa. Puro estante ang madadaanan. Ewan ko ba sa matandang iyon nagsuggest na ako ng paraan para hindi masikip e kaso ayaw magpapilit, let it be raw.
"How about mine?" narinig kong tanong ni Prickster ba iyon?
Inalis ko nalang ang atensyon ko sa mga bakal na nasa estante at dumeretso na ng pasok sa kulay black na pinto.
Kinuha ko na iyong brake shoe, sprocket kit, gearshift lever at start lever na ipinagawa ko noong nakaraan pang linggo.
"What's that for?" Napalingon ako para tignan kung sino iyong nagsalita. Nakatingin lang siya sa hawak ko.
Ngumisi ako habang nakabaling ang atensyon sa mga ipinagawa ko. "For that antique of Professor Greene."
"Hmm." Tumango-tango siya. "So you'll gonna fix it again after they ruined it. . . interesting," nakahawak lang siya sa baba niya, na aakalain mong nag-aanalyze lang siya ng isang math problem.
Naging tahimik ang paligid kaya muli kong pinalobo ang bubblegum ko bago pinaputok iyon.
"Gotta go." Tinalikuran ko na siya at naglakad na palabas ng kwartong iyon.
"Wait!"
Huminto ako isang dipa pa ang layo sa pinto. Inilingon ko ang ulo ko para tignan siya. Nakangiti siya at kitang-kita ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin.
"See you at school, Partner." Mabilis ko siyang sinundan ng tingin na nauna pang nakalabas sa akin. Ilang minuto pa akong natulala sa pintuan bago naguguluhang lumabas. Partner? Saan?