Chapter 4

2239 Words
"THANK YOU!" ani ko kay Mr. Smith, bago kinuha ang card ng lagi kong inuukupang kwarto. Hindi ko siya pwedeng tawaging Dad kahit kami lang dalawa ang nasa lugar. The safest place to call him that is in his room. He has this signal and camera blocker. Cream white at gold rush lang ang makikitang kulay sa hallway na ito sa ground floor, maliban sa marble floor at decoration na gawa sa bakal. Mayroon din namang mga photo frame na nakadikit sa mga dingding. Iyon nga lang puro makina lang din iyon at famous na tao tulad nang dating pinaka-pinuno ng Council at ng mga itinanghal na TGIOPU o The Greatest Inventor of Perse Universe. Nang makapasok ako sa kwarto ko. Agad akong dumeretso sa CR para maglinis ng katawan. Mas relaxing pang tumambay rito sa CR ng Inn kaysa sa labas. The white wall and yellow incandescent light gives sedative effect. Isama mo pa ang malinis at well arranged na mga gamit. Hinubad ko na ang suot kong damit. Inilaglag ko na iyon sa laundry box at kusa na iyong lumubog. After a hour ko pa ulit iyon makikita, tuyo at malinis na. Lumusong na ako sa bath tub at hinayaan ang sarili kong yakapin ng tubig. By the smell of it, alam kong hindi lang purong tubig ito. Isinandal ko ang likod ko sa tub at huminga ng malalim. Bumalik sa alaala ko ang mukha ni Prickster, what a name, ang bantot pakinggan. Though, I find it unique. He has a oval shape face with fringe up hairstyle. Greek nose, thick eyebrow, clean white teeth and a hooded eye shape. Pinindot ko ang shower button na nasa tabi ko. Bumagsak ang malamig na tubig sa mukha ko which I needed the most. Para magising ako sa kahibangan ko. What the hell am I thinking right? Pati mga shapes ng pagmumukha niya alam ko? Is that even fine? Hinaplos ko ang buong katawan ko. Malambot at madulas na ang mga iyon. Umahon na ako at mabilis na nagbanlaw. 'See you at school, Partner.' Napahinto ako sa ginagawa ko. Hanggang sa pagligo ko talaga ginugulo ako ng lalaking iyon. Ano naman kung nasa Alpha team siya? My skills is considered in their line too. Ayoko lang talaga sa treatment na natatanggap nila. Tsaka, anong partner? May activity ba? Bakit hindi ako informed? Hinila ko ang kababang kulay puting roba na ngayon ay nakasampay na sa gilid ko. Isinuot ko iyon at tumapat sa dingding na may maliit na drawer. Itinulak ko iyon ng padiin tsaka ko hinila papuntang kaliwa. Bumungad sa harap ko ang Gemiries sign. It is the combination of Gemini and Aries according to Mr. Smith. Gamit ang cleanser na nasa drawer, binuhusan ko ang tali ng roba ko at iyon ang ginamit kong pamunas doon. Umilaw ang simbolong iyon at tumaas baba ang kulay green na ilaw sa mukha ko. Nang magbago ang iaw sa pula agad kong hinila ang pang-ibabang labi ko. Naroon ang isa pang susi para ma-unlock ang pintuan na iyon, ang simbulo ng Gemirgon. Gumalaw ang dingding at nahati sa dalawa. Mabilis akong pumasok doon at tinapik ang likod ng pinto. Kusa na iyong nagsara kaya ipinagpatuloy ko na ang paglalakad papuntang bahay ni Mr. Smith. Tunnel ang tawag niya sa binabaybay ko ngayon. Madilim at ang alam ko gawa ito sa stainless. PASALAMPAK akong umupo sa sofa, pagkarating na pagkarating ko sa kwarto ni Daddy. Nang maalala kong basa pa ang buhok ko na nakabalot sa tuwalya ay agad akong tumayo at dumiretso sa CR nang kwarto. Tinuyo ko ang buhok ko gamit ang blower. Pagkatapos ko ay agad na rin akong lumabas para harapin si Daddy. Hindi ako pwedeng magtagal dito dahil baka may makatunog siguradong madudurog kami. "You're here." Tumango ako at lumundag sa higaan niya. Nandoon siya sa sofa kaya sa higaan niya ako dumeretso. "Do you have foods, Dad? I'm hungry." Hinimas-himas ko ang tyan kong kumakalam bago hinanap ang mini refrigerator niya. Papalit-palit kasi ng pwesto ang mga gamit ni Dad, napaka-inconsistent. Iyong sa shop niya na dapat ayusin, ayaw ayusin. Myghad! Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Nagkibit balikat nalang ako at humiga. How I hate this situation. I have a father yet I need to act that I don't have. Magkikita kami ng palihim and that's our bonding. Mahal ko si Daddy, I am proud of him. But, I can't take risk. Narinig kong bumukas ang pinto. "How's school?" "It's fine, Dad. As usual, nothing's new. My project was always ruined, again and again and again. By the way, do you have any idea for tomorrow's event?" "Don't tell me it's Clarissa's fault, again?" Bumangon ako at lumapit sa pwesto ni Daddy. Napangiti ako nang makita kung ano iyong nasa plato. It is a macaroni salad and pesto carbonara. "Sad to say, yeah." Tumango-tango ako at kinuha ang tinidor na dala rin ni Dad. "Wow! Thank you for this food, Sir!" Sumaludo ako kay Dad at tsaka ko siya kinindatan. Sumandok agad ako ng carbonara at kinain kinain iyon. Napangiti ako nang makita ko ang pagtawa ni Dad. Ang genuine. How I hope I can stay here para makita ko palagi iyon. "Before I forget. The guy from the store... What's your relationship with him?" Hindi ko naituloy ng subo ang carbonara ko. Ibinaba ko ang hawak kong tinidor tsaka siya tinignan. He's looking intently at me at naka-flat line ang talukap ng kaniyang dalawang mata. "What? You mean that Prickster guy?" Nakangiwi kong tanong. Relationship? Hello, I'm to busy on my projects and exploring things so I can do more invention tapos makikipagrelasyon pa ako? It's a big, big, no! "Yes. I'm pertaining to James Prickster, son of Florence Guillen." Wow! I don't know that thing. "Oh, he has son, nice." Tumatango-tango ako at sumubo ulit ng pagkain. "I guess, I forget to tell you that. Now, answer my question, young lady." Napataas ang dalawang kilay ko at uminom ng tubig. "Uh. That..." Tumango si Daddy. Seryoso talaga siya sa tanong niya? Nag-iisip siguro ng masama ito. Malisyoso. "He is a schoolmate— I met him yesterday at school because he bumped into me. And, it happen that he's my seatmate in the train. He said sorry, he told me his name, and... That's it." "That's it?" Nagdududa ang tingin niya at tila ayaw maniwala sa sinabi ko. Ghad, and now he's being strict. "Yes, that's it Dad, do you expecting something?" Nakataas ang kanang kilay ko habang nakatingin sa kaniya. Itinaas ko ang isang paa ko sa upuan habang hindi pinuputol ang tingin ko kay Dad. "You should befriend him." "At bakit kailangan ko siyang kaibiganin, Dad?" Kanina pa ako na-wiwirduhan sa taong ito. Unang-una nagluto siya ng pagkain para sa akin na hindi niya naman talaga ginagawa. Madalas, pag sinabi kong nagugutom ako hinahagisan niya lang ako ng ready to cook na spicy noodles. "Hindi porke't magkaibigan kayo ni Mr. Florence ay dapat ganoon din kami ng anak niya. You don't know how jerk that Prickster was, Dad. You know me... I don't want a friend." "You need it, at least one..." Napakunot noo ako at naguguluhang tumingin kay Dad. Bakit ba namimilit siya? Bakit ko ba kailangan ng kaibigan? Para maloko ulit? "There is a new protocol..." Uminom siya ng alak bago tinitigan ang baso pagkatapos. Don't tell me... "Where your kind is the subject. You, and all the students will be their guinea pig for that f— game!" Nagulat ako nang makita ko ang mata ni Dad. Galit na galit iyon and for universe sake ngayon ko lang narinig na nagmura si Dad. "Anong mayro'n?" takang tanong ko. Tumayo ako at humarap sa kulay puting vanity table ni Dad. Naglagay ako ng kaunting serum sa mukha at minassage ko iyon ng kaunti. "It's more like a survival game, where you need one or more colleague. That's why I chose him to be your partner. He's the only person I trust, Rhianna, please do understand." Napalingon ako sa kaniya. What? Survival game? "Nahihibang na ba sila? Sana sinabi nalang nila na gusto nilang mawala ang kabataan, hindi iyong paglalaruan pa kami!" Padabog kong binitawan ang hawak kong eyeliner. Ano naman bang iniisip ng mga nasa taas? Napakuyom ako ng kamao. That stupid plan of Clarissa. At talagang sinuportahan pa ng nakatataas huh. "Not exactly like that, but, there's a chance. They'll give you a device that serve as your battery in that game. All physical wound you'll get is true, of course. If you're dead in the game, you'll be eliminated and back to life but already damaged. As you can see, it's a cycle game, you eliminated now, but sooner you'll be entering that place again to start over. It's a decade game, I don't know why they come up with this..." Napaisip ako sa sinabi ni Dad. Ano ang rason nila para gawin iyon? For fun? Akala ba nila masaya ang malagay sa alanganin? "They building another world huh..." Tumango-tango ako habang kagat ang pang ibabang labi ko. Sumosobra na sila sa pagiging manipulative nila. They want a game? Then I'll show them how to play. "This is to test your endurance not just physical but also emotional and mental." Napatawa ako ng pagak sa narinig. What? To test? Baliw na nga talaga sila. "I get it now, Dad. They want us to be monster don't they? Time will come that, that monster will be their worst enemy. Mark my word!" And I'm one of that untamable monster. I'm sorry Dad but I don't want to see the next generation to suffer because of their stupidity. Pilit kong isinasaksak sa utak ko ang mga mangyayari. Why this world has to be cruel? "Who plan this, Dad?" "The head of all heads. He's at your age, I think. His word has a power now, because Vasilias will pass his position tomorrow." Napairap ako sa ere. Kung kaedad ko at may kapangyarihan na ang salita niya, it means we're in a big trouble. Matitiris ko talaga siya kung sino man siya! "Ano namang mapapala namin doon? Magpapatayan lang?" Hindi ko na naitago pa ang kasarkastikuhan ko. Mabuti nalang pala naisipan kong umuwi kung hindi baka magulantang nalang ako sa mga mangyayari. "One hectare of land where there's a trees. 2 years supplies of grains, vegetable and meats—" "Wait!" Nakaharap kay Daddy ang dalawang kamay ko. Anong pinagsasabi niya? "Anong trees? Grains? Vegetable? What are those? Alam ko kung ano iyong meat but those thing, never heard those." Meat is the most expensive food we can buy. Around 500per ang presyo niyon para lang sa isang dangkal ang haba at lapad. Na-uh, ilang bakal at spicy noodles iyon. "I have pictures of that. Wait..." Tumayo ako at inayos ang leegan ng suot kong bathrobe habang may kinakalkal si Dad sa drawer niya. Gusto ko magbukas ng site pero baka ma-detect lang ang location ko. "Here." Inabot sa akin ni Dad ang dalawang glossy paper. Kinuha ko iyon at tinignan. 'Ang ganda!' "That's the tree." Itinuro ni Dad ang amg kulay green na naroon. May katawan iyon na kulay brown at parang mgaspang ang balat? May nakasabit din doong kulay pula at hugis bilog. "And that's the land, the brown one. It's a place where trees and plants grow. Wherein you can turn that place for living. I can say that is the big deal. Try to be on top, Rhianna, this prize is not the thing you can buy." Napasimangot ako, "strategy lang nila 'yan para marami ang lumaban. Masyadong nakaka-tempt ang prize nila." "I know. If you don't want James to catch you here, leave now." "Sinong James na naman Dad? Iyong totoo? Ilan kaming anak mo?" Kaloka. Kanina sobrang problemado ko sa magaganap tapos sisingitan niya ng James. "James Prickster Guillen. Obviously, he is not my son. If Perse Universe revolve upside-down, there will be a chance." Sinabayan niya iyon ng pagtawa kaya kinuha ko ang unan na sinasandalan ko at ibinato sa kaniya. "Come on Dad. I would rather die than to be with him. You see how cruel this world now. Kawawa lang ang magiging anak ko." "You said you rather die yet you visual having a baby." Humalakhak siya matapos niyang sabihin iyon kaya binato ko ulit siya ng unan. Ugh! Naikuyom ko ang kamao ko at inis na inis na tumalikod. Makaalis na nga lang. Nakakakilabot ang mga sinasabi ni Dad and that's unacceptable. "Alis na ako Mr. Smith." Nagdadabog akong tumapat sa nilabasan ko kanina. Akmang i-da-drawing ko na ang simbolo ng Gemiries nang tapikin ako sa balikat ni Dad. "Here. Belated happy birthday, my dear daughter." Napatingin ako sa plastic na inaabot niya. Kinuha ko iyon at ngumiti sa kanya. "Thank you Dad. Gotta g—" Nagulat ako nang bumukas biglang ang dingding sa harap ko at iniluwa niyon si Prickster. Nanlaki ang mata ko at nataranta. Mabilis akong dumaan sa gilid niya at pumasok na sa nakabukas na lagusan. "Wait—" Walang pag-aalinlangan kong tinapik ang dingding kaya mabilis na nagsara iyon. Napasandal ako roon at padausdos na umupo. Nang maging okey na ako ay agad ko ng binaybay ang daan pabalik sa kwarto ko. Akala ko ako lang ang may access sa pintuan na iyon. I should be careful next time. Mabilis akong pumasok ng kwarto at huli na nang mapansin kong hindi ko kwarto iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD