Chapter 5

1118 Words
Nakaupo lang ako dito sa sofa sa kaniyang kwarto habang nakayuko. Bakit ba lagi nalang akong nakukulong sa kwarto, nakakainis. Binuksan ko nalang ang supot na inabot kanina ni Daddy. Wow! Hindi pa ako mag-i-instant noodles mamaya. May binigay si Dad na carbonara at salad. Mayroon pang isang lunchbox pero hindi ko pa nakikita ang laman niyon unlike sa dalawa na naka-disposable container lang. "You're still here." Napalingon ako sa nagsalita. Si Prickster. Nakasandal siya ngayon sa dingding habang naka-cross arm. Aminin ko man o sa hindi he is worth drooling. Totoong may ipagmamayabang siya when it comes to look. The way he stand and smile can make you feel something weird in your tummy. As a woman i feel those everytime he flash his smile. Plus the fact that I just met him yesterday, and yet he already has impact to me. This is so unusual! I never got attracted for some random guy but to him... He is the guy who can be qualified as perfect. Gwapo, matalino, pero iyon nga lang s***h natin ang pagiging mahangin niya. Tsaka hindi pa ako nasisiraan ng ulo para ipakita sa kaniya iyon. Wala akong mapapala kung i-e-entertain ko ang pakiramdam na ito. "Alam mo na ang tungkol sa bagong protocol hindi ba?" Inilapag niya ang baunan na bitbit niya sa lamesa at umupo sa kaniyang kama. Tumango ako bilang sagot sa kaniya. "Kaya ba tinawag mo akong partner?" tanong ko. "Parang gano'n na nga. Bakit? May squad ka na ba?" Nakangisi niya tugon. Tinitigan ko siya. Bakit pakiramdam ko iniinsulto ako ng taong 'to? Nakangiti siyang tumayo at naglakad palapit sa akin. "Paano kung sabihin kong meron?" Agad kong segunda. Kapal ng mukha niya. Ang dali lang manghila ng kung sino sa laro. Sa akin nga lang ang disadvantage dahil magbubuhat ako. Kung bakit naman kasi nila ibinawal ang solo. This man is full of himself, akala niya aasa ako sa kaniya, dream on. I can handle myself. "Then I'll join your squad. I'm sure they will gladly accept me." Kumindat pa siya nang sinabi niya iyon. Wow huh. Ang kapal-kapal talaga ng mukha niya. "Oh come on, Mr. Guillen. Ano namang mapapala ko sa 'yo?" Sarkastiko kong tanong bago ko pinatong ang kaliwang binti ko sa kanang binti ko. "And now you already know my surname. You see Ms. Franklin, my father and your father want me to watch you. How can I do that if you're always out of sight?" Napatayo ako at napalingon sa paligid. "You knew?" I blurted out. How come Dad trust this man so much. Kinakabahan ako baka mamaya may camera sa lugar o anything na makakapagpahamak sa amin. Kaya mabilis akong lumapit sa kaniya at nilagyan ng tape ang bunganga niya. "Shh! Huwag ka ngang maingay!" Pagsaway ko sa kaniya. Napaka-careless kasi ng taong ito kaya iyan ang napapala niya. Naiinis niyang tinanggal ang duct tape sa labi niya. "Aw! S—" Dumadaing niyang sambit habang dahan-dahang tinatanggal ang tape. Hindi ko alam kung maawa o matatawa ako sa reaksiyon niya. Halata kasing pikon na siya at idagdag mo pa ang balat niyang nadikitan kaya sobrang namumula iyon. "What the hell, Rhianna!" malakas na bulalas niya bago kinalikot ang relo niya. Mabilis ang pag-ikot niya doon at tila nagmamadali siya sa ginagawa niya. "Then keep your mouth shut!" Nagbabanta kong sabi. Halos mapasinghap ako nang maglabas iyon ng kulay puting lubid. Ngumisi siya sa akin at akmang huhulihin ako. Mabilis ko siyang nasipa at tumakbo palayo. Nandito ako ngayon sa kama habang hinahanda ang sarili. Pasimple akong nagdrawing ng Gemeries sign sa dingding, sa bandang uluhan ng kama niya. Nang bumukas iyon ay agad akong lumundag papasok. What the... pwersahan kong hinila ang paa kong pinuluputan pa rin ng lubid. Mabilis kong kinuha ang MK2 Paratrooper Switchblade ko na ginagamit ko rin sa laboratory ng school at agad pinutol iyon. This is fun! Buti nalang bitbit ko ang supot na galing kay Dad. Malawak ang ngiti kong bumalik sa kwarto ko. How I love that invention of Dad and Mom. Nasa head part pala ng higaan ang secret passage ng Room 044. KINABUKASAN maaga akong bumangon at nagligpit ng aking gamit. Madilim pa sa labas pero may train nang dumadaan pag ganitong oras. Habang naglalakad, gumawi ang tingin ko sa madalas upuan ni Mr. Smith. Nanlaki ang mata ko nang makita ro'n si Prickster. Kasalukuyan na niyang inaabot ang card kay Zethley, the female robot. Suot niya ang isang motorcycle jacket na kulay maroon at itim na pants. Her wig was on high ponytail. Ngumiti siya kay Prickster at bahagyang tumango. She has similarities with a friendly guar. Pero this one is design for being our companion. It is your choice kung anong gusto mong gawin nila, house chores, personal secretary, guard of the house and so on. But first thing you need to do is to train them. Because they were like toddler's, though there's a lot of installer for them to know the basics such as greeting and recognizing their owner. Huminto ako sa aking paglakad palapit sa kanila. Hindi pa rin sila aware sa existence ko kaya hindi muna ako lumalapit. Paalis na si Prickster nang lumingon sa akin si Zethley. Ngumiti siya at itinaas ang kaniyang kanang kamay. "Good morning, Rhianna," bati niya. Ngumiti nalang ako pabalik sa kaniya. Nakita ko sa peripheral vision kong lumingon si Prickster sa gawi ko. Naglakad na ako palapit sa counter at inabot ang card ng kwartong ginamit ko. Pinindot ko ang relo ko at bumungad sa akin ang kulay pink na ilaw ng hologram. Pinili ko ang pocket icon doon at agad inilagay ang amount ng renta ko para sa kwarto. Nagkakahalaga iyon ng 30per, hinawi ko iyon papunta kay Zethley at kusa na iyong pumasok bilog na magnet na naroon lang din sa counter katabi ng kaniyang computer. Umilaw iyon ng gold at nabuo ang halaga ng ibinayad ko. Tumango si Zethley habang nakangiti. "Thank you for trusting Smith's Inn. Have a nice day." Tumango nalang ako kay Zethley at naglakad na palabas ng lugar. Pag-apak na pag-apak ko palang sa labas ng pinto nang mapansin kong nakasandal si Prickster doon habang ang dalawa niyang kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa. Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako ng lakad. Naramdaman kong sumunod siya sa akin at maya-maya ay nasa tabi ko na siya. Suot na niya ngayon ang kaniyang black hooded jacket. Tahimik lang din naman akong sumunod sa kanya dahil ayaw niya naman akong imikin. Basta nakayuko lang siya kung maglakad at hindi ako nililingon. Should I approach him? Hinintay niya ako pero he did not say any words. Bahala siya sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD