Chapter 6

1241 Words
"You okay?" tanong ko nang hindi ako nakatiis. Nakayuko lang kasi siya at naka-facemask ng black. I feel weird about him today. Hindi kasi siya nangungulit o nagtatanong ng kung ano-ano. Napaatras ako sa gulat nang samaan niya ako ng tingin. Ano na naman kayang problema niya? Nagtataka man ay hindi ko na lang din siya pinansin. Huminto siya sa paglalakad dahilan kaya napahinto rin ako. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang facemask habang seryosong-seryoso ang kaniyang mukha. Natutop ko ang sariling labi ko dahil sa gulat.  Namamaga ang labi niya at namumula iyon. Hindi ko alam pero sobrang nakonsensya ako. Taranta kong kinalikot ang suot kong singsing. May kakapalan iyon pero hindi mabigat. Inikot-ikot ko iyon at maya-maya'y kusa na siyang gumalaw. It transform as hand gloves pero ang kaibahan ay purong stainless iyon. Pinindot ko ang kulay blue na button at ramdam ko ang biglang paglamig ng kabuan niyon.  Dahan-dahan kong inilapit sa kaniya ang kamay ko. Hindi ko magawang tumingin sa mata niya dahil sobrang nahihiya ako.  Malakas ang pagkabog ng dibdib ko habang ang mata ko ay nasa namumula't namamagang labi niya. Malapit na ang hintuturo ko nang umawang iyon kaya marahan kong dinampian ang kaniyang pang-ibabang labi.  Humakbang siya paatras at agad akong tinalikuran. "Don't bother. We're going to be late."  Napatingin ako sa kamay ko may lumalabas na doong usok dahil sa lamig. Muli akong napatingin sa likod niya habang dire-diretso sa paglakad, kung ayaw niya edi huwag niya. Kibit-balikat  na lang akong sumunod sa kaniya habang ino-off ang glohco ko. Bumalik iyon sa pagiging singsing kaya napaunat ako ng mga braso. Medyo nakaramdam ako ng antok dahil sa panahon. Malamig sa balat ang lugar hindi katulad sa center, mainit dahil sa mga naglalakihang makina. Marami rin silang itinatayong bagong mga structures dito. Sayang ang peaceful ng lugar muli lang na naman nilang sisirain. Umupo ako sa isang smart solar bench.  Bilog ang shape niyon at may ilaw na kulay puti. Habang ang inuupuan naman ni Prickster ay rectangle shape which is good for 3 person.  Tahimik kaming sumakay ng train nang huminto ito sa harap namin. Mabuti  na lang at hindi na naghintay pa ng iba. Mabilis ang naging biyahe at habang palapit kami ng palapit ang siya namang paglamig ng mga kamay ko.  Weird. Kailan pa ako nakaramdam ng ganito? Mabilis at mabigat ang ginagawang pagkabog ng dibdib ko. Don't tell me I'm sick? I tilt my head and slightly slap my face. Ipinagsawalang bahala ko  na lang iyon at nauna ng bumaba pagkahintong-pagkahinto ng sasakyan. "You ready?" Napalingon ako kay Prickster na ngayon ay kasabay ko na naman. Hirap na hirap talaga siya sa pagsasalita kung bakit naman kasi sa dami ng tape iyong duct tape pa ang napili ko. Nakakainis! Tumango  na lang ako ng marahan at binigyan siya ng tipid na ngiti.   Napatingin ako sa nag pop-up na green hologram sa harap ko. "Meeting Room, Rhianna." Pagpasok ko pa lang ng Perse Academia Building ay marami ng mga kapwa ko estudyante ang naroon. Pinagtitinginan nila kami dahil halos magkasabay kaming pumasok ni Prickster.  "Perseian's, every body's presence is important today. All proceed to arena." Dalawang beses pa iyong naulit bago tuluyang tumigil.  Nag-umpisa nang tumakbo  ang iba kaya binilisan ko rin ang ginawang paglakad papuntang Meeting Room para kitain si Prof. Greene.  Nang matapat ako sa pinto or more likely pader na itim ay mabilis kong inayos ang naging pagtayo ko at diretsong tinignan pader. Kusa iyong bumukas kaya agad din akong pumasok.  Malawak ang lugar. Walang kagamit-gamit. Ang itim na dingding at puting floor lang naroon. Sa pinakagitnang bahagi ng kwarto ay nandoon ang pakay ko.  "Good morning Prof." Bati ko sa lalaking kasalukuyang nakatalikod sa akin. May suot siyang kulay puting laboratory gown habang tinatanaw ang kaniyang kulay dilaw na motorsiklo. Nilingon niya ako at saglit pa siyang tumanaw sa kaniyang sasakyan bago tuluyang humarap sa akin. Hawak niya ang isang transparent glass at isang kulay puting digital ballpen. "About your last time project..." Napatingin ako sa kaniya nang banggitin niya iyon. Pero mukhang may idea na ako sa sasabihin niya.   He want me to fix— "Can you fix it again?" aniya kaya natawa ako.  Great!  Nakangiti akong tumango. "Okey, Prof. No need to worry. And about the item, I got them."  "That's good to hear. Thank you, Ms. Franklin." Malawak ang ngiti niya at nawala ang bakas ng pagod doon.  "Is there anything you want to add, Sir?" I politely ask bago ipinasok ang kamay ko sa bulsa ng suot kong jacket. "No, no, that's all. Proceed to arena now. That is a important matter."  Marahan akong tumango. "I should go then. See you soon Prof."  Tumalikod na ako at nag-umpisa ng maglakad palabas ng lugar. Malapit na ako sa pinto nang tawagin ako ni Prof.  "Rhianna, catch." Mabilis kong sinambot ang ibinato niya. Kunot noo ko iyong tinignan, isang dangkal ang taas at ganoon din ang lapad.  "What is this?" tanong ko habang ininspeksyon ang inihagis niya. Ngayon ko lang ito nakita. I'm sure it is also a transformer. Doon siya mahilig e, small to large and large to small, vice versa. "My new invention. You can use that on the event. I will email you the controls even though you don't need it. Good luck, Rhianna." "EVERYONE we are introducing you the new protocol for every students like you."  Pumitik ang robot na si Shaina ang parating emcee namin dito sa school.  Lumabas ang iba't ibang pictures sa tabi niya. Tinulak niya ang isa paharap at lumaki iyon. Napakunot noo ang mga katabi ko. Who is not? The photo they shown is one of the forbidden place here in Perse Universe.  "You will be transfer to this place. This is designed exclusive for all of you. You including your guild will be the conqueror in this place; you kill or the AI monster will hunt you down for you to be killed." "It is a battle of endurance. You choose between having a group with maximum of 10 person and minimum of 5 person. Or..."  Naglakad siya sa stage habang nakatingin sa dagat ng estudyante.  "You can choose duo. Strictly no solo player. Player who will be detect by our system will accept a punishment." Tumaas ng kamay ang isa sa mga puppet ni Clarissa. "What if we died in the game?" "Then you will be dead... forever." Nagkaroon ng komosyon pagkatapos sabihin iyon ni Shaina. Tinulak niyang muli ang isa pang imahe na nasa gilid niya at agad lumaki iyon.  "This will be the prize of your hardwork. One hectare of land where trees are existing and there's a surprise for you all." Malawak ang lugar na ipinapakita niya at masasabi kong napakaganda niyon. The surrounding is full of green color.  Rinig ko ang bulungan ng mga kapwa ko estudyante. They are all amazed just like how I feel when I hear about it. The excitement of the students were overflowing. Kung alam lang nilang paglalaruan lang kami sa loob.  "Other benefits will be in your guide book after you enter the game. Lauriel will explain you the rules and regulations inside. Are you ready to conquer, Perseian?"  Walang sumagot ni isa o tumango man lang sa mga kasamahan ko. Ngumiti ang pigura ni Shaina.  "You have 6 months to ready yourself." Biglang nawala ang mga tao sa harap. Kaya nag-umpisa na rin ang mga bulungan. Kaniya-kaniyang bigayan ng haka-haka tungkol sa bagong protocol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD