Chapter 7

1229 Words
UMIKOT ako sa kinauupuan ko, gamit ang upuan kong gawa sa bakal. Tanaw ko ang tanawin sa labas dahil nandito lang naman ako sa loob ng aking kwarto sa Perse Academia Building.  Mabuti na lang at handa na ako nang iniipon ko pa lang ang mga kagamitang gagamitin sa motorsiklo ni Prof. Greene. For how many decades na nakasama ko si Clarissa, alam ko na ang takbo ng utak niya. She is a childish who loves playing a child game. Tipong sisirain niya iyong mga bagay na hindi niya kayang makuha. "Need help?"  Napalingon ako sa likuran ko kung saan naka-pwesto iyong pintuan. Nandoon si Prickster, nakasandal roon habang naka-cross arm. Naka-hoodie jacket siya ng black at ang skateboard niya ay nandoon lang sa tabi niya.  "What are you doing here?" direkta kong tanong sa kaniya. Sa pagkakaalam ko kasi may sarili rin siyang kwarto dito dahil estudyante rin siya ng Perse Academia.  Ano na naman kayang pakay nito. Mang-aasar na naman ba siya? Sinilip ko ang labi niya na nabawasan na rin ang pamamaga. Masyado yatang napalakas ang paghila ko sa tape kaya ganoon na lang ang nangyari.  Naglakad siya papasok at umupo sa mahabang table ko. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to, nakakainis.  "Sana in-activate mo na lang iyong upuan kaysa diyan ka umupo!" pagsita ko sa kaniya. Nandoon lang naman sa ilalim ng lamesa ang button ng upuan at kusa na iyong aangat. "Gawin mo na lang ang ginagawa mo." Pag-uutos niya. Agad kong kinuha iyong sinirang sparkplug at ibinato sa kaniya. "You are not my boss!" Irap ko sa kaniya. Muli akong humarap sa motorsiklo at inayos ang makina niyon. Tapos na rin naman ako magprint ng flairings kaya sigurado akong matatapos ko ito ngayon. "Labas tayo mamaya, pagkatapos mo diyan."  Napalingon agad ako sa kaniya. Nakataas lang ang dalawang kilay niya kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. "Let's go get some drink." Simpleng aniya habang prente pa ring nakaupo sa lamesa ko. Ang gulo talaga ng pag-iisip ng taong ito. Iinom? Close ba kami? "Huwag ka mag-alala. Mag-uusap lang tayo. Masyadong maraming mangyayari sa mga susunod na araw. Who knows." Kibit-balikat na sabi niya.  Napaisip naman ako roon. May point naman siya besides kilala naman siya ni Dr. Smith at higit sa lahat pinagkakatiwalaan. I should stick with that. Befriend my ass. "Okay then. Let's bet. How many bottles?" Kumurba ang ngiti sa labi ko nang makita kong umawang ang labi niya.  Inilock ko na ang mga flairings tsaka pinulot ang basahan sa lapag upang punasan ang dalawang kamay ko.  "You're unbelievable! Akala ko naman ay hindi ka umiinom." Natawa ako sa isinagot niya. Inaya niya akong uminom daw tapos ngayon magugulat siya. Ang gulo niya rin.  "Why not? I am at my legal age, besides alcoholic drink is not probihited as long as you afford it." Tumayo ako at lumapit sa bag ko. Kinuha ko ang alcohol doon at agad binuhusan ang dalawang kamay ko para maging malinis naman iyon. Nang matapos ko ang ginagawa ko ay agad kong isinukbit sa balikat ko ang bag ko na sa palagay ko ay design na lang.  "Let's go." Pagyayaya ko, tumango lang siya bilang sagot bago naunang lumabas  ng room ko. Agad ko namang ni-lock iyon at sumabay sa kaniya sa paglalakad.  "So, how's life?" tanong ko habang kinakalikot ko ang mga kuko ko sa kamay. nang hindi siya sumagot ay mabilis ko siyang sinulyapan.  Naka-half smile siya at nagkibit-balikat. Weird. Anong gusto niyang iparating. Tumaas ang kanang kilay ko sa inakto niya.  "You don't have to—" naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang humarang sa harapan ko. Napahakbang naman ako ng paatras.  "Hmm... about that?" Humawak pa siya sa baba niya parang mukha talaga siyang nag-iisip. "It was boring... before, not until now because it is becoming interesting." Nakangiti siyang kumindat at agad akong tinalikuran.  "What's interesting? It's between life and death, now." Umiiling na lang akong sumunod sa kaniya. Sana lang talaga matagalan ko siya. NAKARATING kami sa isang street kung saan doon makikita ang iba't ibang stall ng mga pagkain at inumin. Makulay ang paligid ng market dito sa centre pero mas masarap pa rin mamili sa Lipisanpi dahil sa preskong lamig ng paligid. "May bagong bukas ritong street bar, doon na lang tayo." Hinawakan ako ni Prickster sa kaliwang braso dahilan ng pagtingin ko sa kamay niya at sa kaniya. "Nag-e-enjoy ka yatang hawakan ako...' pagbibiro ko sa kaniya dahilan upang bawiin niya ang kamay niyang makasalanan. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kaniyang adams apple at paglikot ng mata niya. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. This guy is something weird. Gagawa-gawa ng bagay na hindi niya kayang panindigan. "'Andito na tayo."  Itinuro niya ang isang two story building na hindi naman ganoong kalakihan, hindi katulad ng ibang establishment na makikita mong umaani na ng limpak-limpak na kita. May kasikipan ang pwesto at hindi rin attractive. Pero kaunting design lang dito ay tiyak na pipilahan ito. Nakangiting sumalubong sa amin an may-ari.  Matangkad siyang lalaki at clean cut ang gupit niya. Maganda ang ngipin niya at  pantay-pantay na bumabagay sa kaniya tuwing ngumi-ngiti siya. Hindi man attractive ang lugar pero bawi naman sa approach ng owner. Good point. "Welcome to C Restobar. Thank you for choosing us." Sabay na sabi ng dalawa pa na sa tingin ko ay kasama nitong taong kaharap namin.  Ngumiti ako at nauna ng umupo sa pang-dalawahang table. Hindi rin ganoong ka-improvize ang paligid. Feeling ko nasa mundo ako ng panahon ng lolo ng lolo ko, base na rin sa kwento niya. Less technology.  "Two large size of beer." Order ni Prickster habang nakatingin sa tablet na hawak niya. No wonder why women keep chasing this man. He has the looks. "And sisig in hotpot. Thank you." Ibinalik niya ang tablet tsaka umupo sa harap ko. "May gusto ka pang idagdag? My threat."  Umiling ako. "I'm fine. Thanks for asking." Tahimik lang kaming nakatingin sa interior design ng lugar. Pareho kaming nagpapakiramdaman dahil walang unang gustong magsalita sa amin. Tinanggal ko ang isang hikaw ko at ipinatong sa lamesa.  Inikot ko iyon at nagform itong tablet. Kinuha ko naman ang anklet ko at itinuwid iyon.  Napansin kong nakatingin lang si Prickster sa ginagawa ko. "Wanna help?" tanong ko. "New project?" balik tanong niya. Umiling naman ako at ngumiti.  "I need only yes or no, as an answer." Hindi naman ako bossy 'di ba? Slight lang. "Give me some idea about the thing first." "Interior design." Maikli kong sambit bago nag-umpisa nang maglayout. "Oh. I have pre-made design. Ang kailangan mo na lang gawin ay i-drag sila sa designated area na gusto mo. Here." Inabot niya ang flashdrive at agad ko namang kinuha iyon.  Napaawang ang labi ko sa dami ng file niya at naka-sort out pa ang mga iyon. Ang linis at daling hanapin ng mga kakailanganin ko.  "Cool!" "I love sorting out my things," aniya bago ngumiti. "I can say that." Samantalang sa akin minsan naliligaw na ako kung saan ko isine-save ang mga files ko dahil hindi naman exact filename ng system ko ang ginagamit ko. I am using some keyword na ako lang din ang nakakaalam.  Bukod pa roon, every file may password akong inilalagay and two attempt of wrong input will lead on virus leaking that cause of device lockdown. Kaya ganoon na lang ang galit ni Clarissa sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD