Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyan na naming natapos ang magiging design ng labas. This is for fun only. It is their choice kung susundin nila ito or not.
Niluluto pa kasi ang sisig in hotpot na order ni Prickster kaya kailangan namin maghintay ng at least 30 minutes, I guess.
"Ilagay 'yang vase na 'yan sa tabi ng pinto. Then 'yong lamesa na good for five doon sa pinaka-gilid. Ayusin mo na rin 'yong counter para hindi childish tignan even the window para hindi siya patay." Ani ko habang itinuturo ang mga pwesto na tinutukoy ko sa tablet ko na siya na ang may hawak ngayon.
"Is this your hobby? Designing some things? or helping some poor structures?" tanong ni Prickster habang nakatingin sa akin. I felt awkward in his way of looking. Para niya akong hinuhubaran sa isip niya. tsk.
"No." Ngumiti ako sa kaniya bago tumingin sa tatlong taong busy sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. "I want them to hold all the aces, someday."
"You're preparing their way huh..." Nakangiti akong tumango. I can't wait for that day to happen.
"Pero alam mong—"
"Sorry to interupt you, here's your order. Enjoy!" Inilapag ng dalawang crew ang dalawang baso na puno ng beer at ang nakakapanubig labing pulutan.
"Thank you!" ani Pickster sa kanila bago sila tuluyang umalis. I want here, unlike in those big establishment. Their server is a robot. Everything is technology. Lack of naturalization. Nakakasawa na ang ganoong ambiance.
"Ano iyong dapat mong sabihin kanina?" tanong ko habang sumasandok ng sisig. This is made of meat at sobrang mahal niyon.
Mayaman lang talga itong si Prickster para bumili ng ganitong pulutan. Matapos kong sumubo ay agad naman akong humigop ng beer. Ramdam ko ang biglang pagdaan ng init sa dibdib ko. When was the last time na uminom ako? Hindi ko na matandaan because I am focus in my project.
"Ah 'yon ba?" Tumango lang ako. Pa-suspense din ang isang ito eh. "How can you witness the success of this business if the situation changes a week from now?"
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama siya dahil sa susunod na linggo na ang plano para i-implement ang bagong patakaran sa mundong ito.
"Hindi pa naman tayo sigurado sa talagang mangayari. So, why bother? Inom na nga lang tayo."
Tumango siya at inangat ang kaniyang baso. Ginaya ko naman siya at nagtossed kami.
"Look who's here. Dating in a cheap bar." Iyong pagiging matinis pa lang ng boses niya kilalang-kilala ko na.
"Who is the guy?" segunda ng isa sa kaibigan ni Clarissa.
Mula sa pwesto nila ay hindi nila kita ang mukha ni Prickster dahil nakatalikod ito sa kanila.
Unti-unti siyang lumingon sa tatlong isip-batang nakilala ko. Mukhang dadagdag siya dahil hindi koalam kung dala ba ng alak o sadya lang talaga siyang may bagyo?
The way he runs his finger in his hair while biting his lips. D*mn! That was hot. Kitang-kita rin ang pag-awang ng mga labi ng tatlo. Naiiling na lang akong uminom ng beer. Bagay na bagay sila magsama-sama.
Halos maibuga ko ang iniinom ko nang bigla rin silang magsikagat ng kanilang labi. Hindi seductive dahil nakakasuka. Oh gosh, my Perseians! Bakit ko ba nasasaksihan ang ganitong eksena?
Mabilis ang naging paglagok ko ng iniinom ko. Pakiramdam ko pa nga ay namanhid ang buo kong mukha dahil sa ginawa ko.
"Teka, I know you." Turo ni Clarissa ha ang naniningkit ang kaniyang mga mata. "Prickster? What the hell are you doing here? Don't tell me you are dating her?"
Napalingon ako kay Clarissa. So, magkakilala sila? What a small world? Pero kung makaakto siya kanina akala mo hindi sila magkakilala. Ano iyon? Acting lang?
"We're just drinking. Why you here? Wait you're tipsy, don't you?" Agad tumayo si Prickster at lumapit kay Clarissa. Hinawakan niya ito sa braso bago inalalayan itong umupo sa kaninang pwesto niya na kaharap ko. Gentlemen, my ass!
"We saw her." Turo niya sa akin sa akin. Napataas ang kilay ko nang umirap ito sa akin na agad namang sinundan ng dalawa niya pang kaibigan.
Pinanood ko lang sila. Teka... hindi ba't naroon si Prickster sa room ko nang magalit si Prof. Greene sa tatlong 'to? Hmm. Something is stinky here.
"Can you give me a ride? I am drunk..." Sumandal si Clarissa sa dibdib ni Prickster at kunwaring naglasing-lasingan ito.
Kahit kailan talaga ang babaeng ito. Hindi ko alam kung may kahihiyan pa ba siya sa katawan dahil sa inaakto niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila tsaka muling lumagok ng beer na iniinom ko.
Tignan natin kung ano ang magiging desisyon ni Prickster. Halata namang hindi lasing si Clarissa at mga kaibigan nito. I know her capacity in alcohol dahil minsan ko na siyang nakainuman. Iyon yung panahong nauuto pa nila ako. Sadyang may naiisip na naman silang kasamaan kaya ganoon na lamang sila kung umakto.
Inumpog-umpog pa ng mahina ni Clarissa ang ulo niya sa dibidib ni Prickster at pasimpleng inihawak ang kamay sa tyan nito. Ibang klase talaga. Pero matigas kaya iyon?
Gosh, Rhianna! Get your ass off! Kung ano-anong naiisip mo.
"Hmm..." Tumingin sa akin si Prickster at base sa tingin niya ay alam ko na ang sasabihin niya. Mas mabuti nga iyon dahil hindi ko na nagugustuhan ang takbo ng isip ko. Lumipat ang tingin ko kay Clarissa na ngayon ay nakangiti na ng pang-uuyam sa akin. Anong tingin niya sa akin? Interesado kay Prickster? Oh common, hindi ako makikiagaw sa kanila. That's purely inhumane.
Muli siyang umakto na masakit ang ulo at hinila pa ang damit ni Prickster. Ibang level na talaga ang babaeng ito. Daig niya pa ang vacuumm cleaner sa inaakto niya. Kulang na lang singhutin niya na ng tuluyan ang isa dahil sa ginagawa niya, tsk
"Ihatid mo na 'yan at baka dito pa magkalat. Tsaka baka sa halip na pabango mo lang ang maubos pati ikaw baka masinghot niyan." Inginuso ko pintuan at bahagyang winagayway ang kaliwang kamay tanda ng pagpapalayas ko sa kanila. "Ingat ka, Pricks."
Ngumisi ako kay Clarissa para insultuhin siya. Kitang-kita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata niya dahilan upang matawa ako ng bahagya. Lumingon si Prickster sa akin ng may nagtatakang tingin.
"Shoo! Get out of here now." Pagtaboy ko na tila ako ang may-ari n lugar. But who cares about them?
Nang tuluyan na silang lumabas ay nailing na lang ako. I guess I should hold some aces too, because someone is playing well.
"One large of beer please!" sigaw ko bago muling binuksan ang tabllet ko. Muli kong tinignan ang ginagawa namin kanina. Sa tingin ko ay wala naman ng kulang.
"One large beer and a free spicy ramen for our first customer who stayed 2 hours."
Dalawang oras na ako rito? Hindi ko man lang namalayan ang oras. Ngumiti ako sa babaeng naghatid ng order ko.
"Thank you! By the way can you ready the bill?" maayos kon tanong. Tumango ang babae at iniharap sa akin ang tablet na hawak niya. Naisahan yata ako ni Prickster, tsk.
Binayaran ko na iyon at nagbigay ako ng kaunting tip. Matapos kong magbayad ay agad ding bumalik sa counter ang babae. Mabilis kong inubos ang beer at paminsan-minsang humihigop ng sabaw ng ramen. Ang sarap sa lalamunan. Saktong-sakto iyong anghang niya.
Matapo kong maubos ang mga in-order ko ay muli akong tumawag sa kanila. This time iyong may-ari muli ang humarap sa akin.
Tulad kanina ay malawak pa rin ang ngiting ipinapakita nito. Inabot ko sa kaniya ang flashdrive kung saan naka-save iyong layout na ginawa namin kanina.
"Accept this as a gift. It's up to you whether you use it or not. Thank you for the free ramen." Tumayo ako at nakipagkamay sa lalaki. In fairness malambot ang kamay niya. Nahiya naman daw ang akin.
"Thank you so much, Ma'am. Take care and come again, soon." Itinaas ko lang ang kamay ko bago tuluyan ng lumabas.
Mabagal lang akong naglakad habang tumitingin sa maliwanag na paligid. Gabi na pero dahil sa mga ilaw ay maliwanag pa rin. Sa pagbalik kaya namin ay ganito pa rin? O tuluyan ng magbabago ang lahat?
Napatingin ako sa kanang braso ko nang umilaw bigla ng green ang suot kong relo. "Open." Pag-command ko.
Lumitaw roon ang pigura ni Prickster. Nag-aalalang nakatingin ito sa akin. "What do you want?" tanong ko habang patuloy na naglalakad.
"I'm sorry..." aniya bago yumuko at bahagyang lumuhod. Para ko na rin siyang kaharap dahil hanggang sa dibdib niya ang sakop ng camera at ganoon rin ang dating sa akin bilang isang hologram naman.
"Sorry for what?" tanong ko habang naka-focus ang tingin sa daan. Medyo nahihilo na ako pero hindi ko iyon ipinahalata.
"For leaving—"
"What? Are you kidding me?" tumatawa kong tanong. "I am not your responsibility and I surely can handle mysel— ouch!" Napahawak ako sa noo at ilong ko dahil nabunggo iyon sa poste ng ilaw. Why the hell is this post here?
Agad kong pinatay ang tawag dahil sa kahihiyang nangyari. Ang yabang ko pa nang sinabi kong I can handle myslef yet I am here. My gosh, Rhianna! You're such a shame!