Dalawang araw na rin ang nakalilipas simula nang uminom kami ni Prickster at sa mga araw na lumipas ay hindi muna ako nagpapakita sa kaniya. Nahihiya pa rin ako sa huli naming pag-uusap.
Inayos ko ang pagkakaupo ko sa aking swivel chair. Medyo nanagangawit na rin ako dahil ilang oras na rin ako sa aking pwesto. Inikot ko ang hitsura ng blueprint ng motor na kagaya ng kay Prof. Greene, gamit ang electronic sketchpad ko. I am planning to immitate that thing but of course with a twist.
Hinanap ko ang icon ni Prof. Greene sa suot kong relo. Nang makita ko iyon ay agad ko iyong pinindot. Lumbas ang hologram sa harap ko na naka-on call na.
Lumipas ang ilang minuto nang sa wakas ay sinagot niya na iyon. Nakasuot ito ng salamin at naka-white gown. Maybe he is in his laboratory.
"Hi, Prof.," pagbati ko tsaka sumaludo.
"What's up, Rhianna."
Ipinakita ko ang electronic sketchpad na hawak ko. "Can I immitate your motorcycle, Prof?"
Bahagya niyang ibinaba ang salamin niya habang nakatingin sa ipinapakita ko na nakaharap sa kaniya. Tumango-tango siya bago ngumiti.
"I was about to ask you that. Go, you have me on your back." Kumindat siya sa akin bago itinaas ang kanang kamay bago niya tuluyang pinatay ang tawag.
"Yes!" Lumundag ako sa kama ko at niyakap ang unan ko. Muli kong tinignan ang blueprint. Should I enhance it more? Mukhang kailangan ko bumalik ng Lipisanpi para sa mga gagamitin ko.
Pumikit muna ako dahil nakaramdam ako ng pagka-hapdi sa mata ko. Nang makaramdam ako ng comfort sa pagpikit ay agad akong dumiretso ng higa sa higaan ko para umidlip kahit isang oras lang. Kailangan ko pa maghanda ng pwede kong magamit nang hindi ako mahirapan sa pag-adjust sa mundong papasukin namin. Ano nga kayang mundo ang naghihintay sa amin?
Nagising ako sa tunog ng alarm na nakakabit sa tabi ng higaan ko. Walang tigil ang pagtunog niyon na ang ibig sabihin ay may tao sa harapan ng pintuan ko.
Tinignan ko ang suot kong relo para tignan ang oras. Saktong isang oras lang ang itinulog ko. Pero sino kaya ang naghihintay sa akin sa labas? Kinuha ko ang tablet ko sa side table at in-access ang application ng mga connected camera ng tinitirhan ko.
Nang makita ko kung sino iyong nasa labas ng pinto ay napataas ang kilay ko. Anong ginagawa niya rito? Naka-itim ulit siya ng jacket at suot-suot niya rin ang hood. May facemask rin siyang suot kaya hindi ganoong kita ang mukha niya pero ibahin niya ang gamit ko dahil kaya nitong tanggalin ang kung ano mang harang para lang makita ang mukha niya. Siyempre automatic blur ang private part, ayaw ko naman magkasala ng sobra. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago tinatamad na bumangon. Dire-diretso ako sa pinto not minding to fix myself first.
Nakataas ang kilay ni Prickster nang magtama ang mata namin. “What the hell happen to you?” tanong niya habang tinitignan ako ng mula ulo hanggang paa at uulitin niya na naman.
Akmang isasarado ko na ang pinto nang iharang niya ang kamay niya kaya naipit iyon. “Kahit kailan ka talaga wala kang puso!” aniya habang hinihimas-himas ang braso niyang naipit.
“Kung pumunta ka rito para manglait, bumalik ka na sa pinanggalingan mo. Busy ako masyado para magka-oras sa ‘yo!” Umirap ako sa kaniya bago siya tinalikuran. Bahala siya kung papasok siya o aalis. Automatic namang nagsasara iyon pagkatapos ng tatlumpung minuto na bukas, basta walang nadedetect na tao.
“Ang sungit mo talaga.” Ngumuso siya tsaka humiga sa kama ko.
Oo, sumunod siya kahit dito sa kwarto ko. Hindi ko alam kung sadyang makapal lang talaga ang mukha niya at feel at home na - feel at home siya. Hello, hindi porket nagka-inuman na kami close na kami.
Hindi ko siya pinansin at umupo ako sa itim na swivel chair ko. Binuksan ko rin ang physical computer ko para ilipat roon blueprint ng dinisenyo kong motor. Ilang minuto lang ay natapos na ang pagtransfer dahil maliit lang naman ang aloted space niyon at hindi ganoong mabigat sa system.
“So, anong project mo ngayon? Maybe I can help you…” alanganing aniya bago umupo sa kulay puti kong kama na kanina ay malinis, ewan ko na lang ngayong dumating siya. Hindi pa rin ako umiimik, dire-diretso lang ang pagtipa ko sa keyboard ko na may iba’t ibang kulay na ilaw. Sa tingin ko ay eighteen inches rin ito saktong-sakto lang para makakilos ang mga daliri ko ng mas flexible.
“Babawasan ko laman ng ref’ mo ah total ayaw mo naman ako kausapin.”
Nilingon ko siya nang marinig ko iyon kaso hindi pa ako nakasang-ayon nang may makuha na siya roon. Saktong lumingon siya nang isara niya pintuan ng refregirator ko, nakangiwi siya na tila ba may gustong sabihin. Tinaasan ko siya ng kilay at sinambot ang hinagis niyang beer in can.
“Kumakain ka pa ba? Puro beer at tubig ang laman ng ref mo.” Umiiling siyang binuksan ang hawak niya tsaka uminom niyon. Ang daldal talaga ng lalaking ito, noong una mahangin ngayon naman parang naka-program ang pagsasalita niya, tuloy-tuloy tapos ang dami niya pang-tanong.
“There is another refrigerator in the kitchen, wanna check?” nakataas ang kilay na tanong ko. Inilahad ko pa ang kamay ko sa pintuan baka kasi hindi niya alam ang daan palabas ng kwarto ko eh. Naiiling akong bumaling sa computer ko tsaka ko ni-run ang application na babasa sa blueprint na ginawa ko. Izinoom ko iyon upang i-check ang mga details niya baka kasi may nakaligtaan ako. Pero sa tingin ko naman ay 99% pulido na ang design. Kailangan ko lang hayaan muna ito ng ilang araw at muling balikan para i-check ulit bago ang process.
Naramdaman ko na lang ang pagsara ng pintuan ko. Mabuti naman kung umalis na siya, ilang araw pa lang naman noong nagkakilala kami para maging close kami ng sobra ano. Tsaka mukhang kaibigan pa siya ni Clarissa mamaya isa pala sa galamay niya itong si Prickster edi napahamak ako.
Pero kung ganoon man siya hindi siya nababagay sa first section kung saan nagsama ang magagaling, that’s absurd! Hindi hamak na taga-pangalawang section ang dapat magpasunod sa kaniya maliban na lang kung tatay ni Clarissa ang nagpapasunod sa kaniya.
“Damn!” Nag-glitch ang computer koi big sabihin niyon ay may sumusubok na pasukin ang system ko kaya mabilis kong in-open ang external drive na magsesecure ng mga files ko at upang pabagalin ang kilos ng attacker. This is a piece of pie though I should not complacent. Mamaya may iba silang way para mapasok ang system ko kaya kailangan kong mag-doble ingat.
“Hey! Baka gusto mon a ako kausapin kanina pa kao nagsasalita rito.” Hindi ko napansin ang pagpaok ni Prickster. Tinignan ko lang siya ng mabilis habang mabilis pa ring nagtitipa. Nang matapos kong i-input ang code ay agad kong pinindot ng malakas ang enter. At last natapos ko na rin ipasok sa system nila ang pinaka-paborito kong virus na ginawa ko rin. The one that can shut down a device. Itinaas ko ang kama ko para ma-stretch ko naman iyon dahil medyo nangalay ako. Teka… anong amoy iyon? Ang bango! Agad tumunog ang tyan ko at kumalam iyon dahil doon.
Nang maalala ko si Prickster ay nilingon ko siya. Nakataas na naman ang kilay niya. Problema nito?
“Anong kailangan mo?” nakataas kilay ko ring tanong. Ano at siya lang marunong magtaas ng kilay?
“Kanina pa kita tinatawag, Miss Franklin, mukhang busy’ng busy ka sa computer mo at hindi mo man lang ako magawang sagutin.” Mababakas ang ka-sarkastikuhan sa kaniya habang sinasabi iyon. Nagmake-face naman ako at umirap sa ere.
“Ba’t naman kita sasagutin eh hindi ka naman nanliligaw?”
Napalo na lang niya ang ulo dahil sa isinagot ko. Siguro nagtitimpi na lang siya ngayon dahil mula pagdating niya ay hindi ko sia kinakausap. Ultimo pagsagot lang sa mga tanong niya ay hindi ko ginagawa. Medyo nakonsensya naman ako dahil sia na nga ang lumalapit upang makipagkaibigan siguro ay ako pa ang malakas mang-snob.
“Whatever. Ano ba kasi ’yong sinasabi mo, Mr. Guiller?” tanong ko tsaka nag-cross arm.
“Sabi ko, tara doon sa kusina mo at kumain. Nagluto ako ng carbonara. And, I just wanna inform you that walang laman ang ref mo sa kusina.”
Napalunok ako. Walang laman iyon? Shocks! Ilang araw nga pala akong hindi nag-grocery. Nakagat ko na lang ang dila ko tsaka ngumiti ng naiilang. Tumayo na rin ako at dahan-dahang sumunod sa kaniya. Feeling ko ako ang dumayo sa bahay niya. My Perseians!
“Do you honestly eating?” tanong niya bago ako pinaghila ng upuan. Wow, gentlemen ang kuya. Napangiwi na lang ako at pilit na ngumiti sa kaniya para maitago ang ilang ko.
“Bakit ka pala nandito? Hindi naman siguro ang pagluto ang dahilan ‘di ba?” Itinukod ko ang kaliwang siko ko sa lamesa tsaka ang kanan naman ay ang ginamit ko pang-hawak sa tinidor na nakatabi sa plato.
Nagkibit-balikat siya at sumandal sa sandalan ng upuan. “Naisip ko lang pasyalan ka. Itatanong ko na rin sana ang kung ano ang plano mo para sa makalawang linggo. May naisip rin akong plano at balak kong magpatulong sa ‘yo. Iyon ay kung papayag ka.”
Tumango-tango ako habang inikot-ikot ang tinidor na hawak ko. “May ginagawa pa akong bagong project. So, I guess I need to decline your offer but thanks for considering me.”
“Uhm, maybe I can help you with your project.” Napaisip naman ako sa inalok niya. Should I trust him? Dad trusts him so I think I should too but I need to watch him closely. Pinilig ko ang ulo ko tsaka sumubo ng niluto niyang carbonara. Hmm, creamy! Who would have thought that he knows how to cook, that’s rare.
“Should I trust you?” Huli na bago ko mapigilan ang sarili ko. Pasimple kong kinurot ang hita ko. Napaka-impulsive ko talaga kahit kailan. Of course sasabihin niyang oo dahil sino bang siraulo ang sasagot ng hindi sila napagkakatiwalaan?
“Don’t. Try me first then decide. Take your time, Rhianna. I am not obliging you to do it.” Ngumiti siya at nagsalin ng tubig sa baso bago niya iyon inabot sa akin. Napahinto ako sa pag-ikot ng tinidor sa pasta habang nakatingin sa kaniya. Did I hear it right? Sa kaniya mismo nanggaling na huwag ko siya basta-bastang pagkatiwalaan.
Napalunok ako at mabilis na uminom ng tubig. Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko at gusto kong umubo. Sa dami ng nakasalamuha ko at tinanong ko ng katulad sa tanong ko sa kaniya siya lang ang naiiba ang sagot. Wala sa sarili akong napangiti, he is indeed interesting.
“Bakit?” natatawa kong tanong bago muling sumubo ng pagkain. Iyong boring na ambiance ng bahay biglang nagkaroon ng kakaibang aura dahil sa kaniya. I am starting to like his existence, but I can’t deny that I was irritated by him before.
“What do you mean?”
“I mean bakit ganoon ang sagot mo? Bakit hindi na lang oo, yes, of course, whatever word that support your opinion?” Napahawak siya sa batok tsaka tumingala. Ang manly niya tignan sa posisyon niyang iyon. Kitang-kita ang paggalaw ng adams apple niya which sent me some weird chills. Naiwas ko ang tingin sa kaniya at itinuon ang lahat ng atensyon ko sa pagkain. Palagay ko ay gutom lang itong nararamdaman ko.
“Because that’s what I wanted you to do.”
Tahimik na lang akong tumango tsaka nagkibit balikat. Tumayo na ako at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako muling humarap sa kaniya. Agad nagtagpo ang tingin namin, dahil palagay ko ay kanina niya pa pinapanuod ang kilos ko.
“After you eat, go to my room.” Agad akong naglakad palayo roon para ihanda muli ang computer ko.
Sa tingin ko kailangan ko ng makakatulong ngayon dahil kaunting oras na lang ang ilalagi namin dito. No one knows about the place though and no one knows kung makakabalik pa ulit kami rito.
Tsaka bukod sa pagiging magkaibigan nila ni Clarissa, wala pa naman akong napansing kaduda-duda maliban na lang sa pagiging close nito sa akin. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko muna siya bago ko siya tuluyang pagkatiwalaan.