"Since you are skilled in this field can you evaluate this design?" Turo ko sa monitor ng computer ko kung saan nakaharap sa amin ang 3D blueprint ng motorsiklong kailangan ko or I think the exact word need to use is 'namin' since he is my partner in this project daw.
Siya naman ngayon ang nakaupo sa gamit ko kaninang swivel chair at nakatayo naman ako sa gilid niya habang pinapakita sa kaniya ang mga dapat niyang tignan.
"And I think much better kung i-double check mo lahat ng details niya baka kasi may hindi ako napansin eh."
Nang masiguro ko nang nakuha niya ang mga itinuro ko ay tumapat agad ako sa bilog na nakaguhit or more like takip sa sahig. Iniluhod ko ang isang tuhod ko tsaka inilapat ang dalawang palad ko sa gitna niyon. Malamig ang unang pakiramdam pero uminit din iyon nang magsimula ng i-scan ang kamay ko. Nang ma-verified iyon ay agad nahati sa dalawa ang bilog at unti-unting umangat ang isa pang swivel chair. Well, masyado nang masikip ang space sa kwarto ko kung hahayaan ko lang iyon sa labas, that's why I came up with that compartment. Cool right?
Kusa nang nagsasara iyon matapos kong makuha ang kailangan ko. Saktong kakaupo ko pa lang nang biglang tumunog ng malakas ang computer ko na hawak ni Prickster.
"What was that for?" tanong niya habang nakatingin sa ilalim ng desk dahil doon galing ang ingay. Naiiling akong tumayo at lumapit sa kaniya. Binunot ko ang flashdrive na nakasuksok ngayon sa USB port at inilapag sa harap niya. Tumigil na rin ang nakaririnding tunog.
"Unknown drive or anything that is not exclusive for my personal computer is not allowed." Ngumiti ako kay Prickster tsaka bumalik sa pwesto ko kanina.
"Woah. That's so secure!" gulat na bulalas niya.
Nagkibit balikat lang ako tsaka humarap sa monitor na nasa harap ko. Kung ang keyboard na nasa kaniya ay nahahawakan, sa akin naman ay hindi. Isa itong hologram type pero same interface lang sila ng mga character ng tangible keyboard.
"This is not the first time, actually. It was made several times by Clarissa. Sending someone to sneak in here, or someone to befriend me, so they can get my trust and perform their real motive— to steal my works."
"What? They did that?" Nakaawang ang mga labing aniya. Tumaas ang kilay ko dahil dapat ay alam na alam na niya iyon. It's like history repeats itself.
Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at itinuloy ang ginagawa ko. Nang tingnan ko siya ay nakatutok na rin ito sa kanyang ginagawa. Nakakahanga rin ang talent niya sa panlilito ng tao. Hindi ko ma-determine kung magaling lang talaga siya sa pagtatago ng mga bagay-bagay o ano.
“Baka iniisip mong isa ako sa mga tao na tinutukoy mo but I assured you that I am not. I’ll prove you that.” Ngumiti siya sa akin, isang ngiting tunay at walang halong kasinungalingan... siguro.
Sana nga naiiba siya dahil sa totoo lang pagod na pagod na ako.
“Anong kailangan mo sa flashdrive?” pag-iiba ko ng tanong habang binubuksan ang drawer ko sa ilalim ng table. Nakatago rin iyon at kailangan pa ng finger print ko para mabuksan. Maliit lang din naman iyon saktong-sakto sa mga drives na ginagamit ko.
“I have my own printer.”
Napalingon agad ako sa pwesto niya. Saktong lumingon din siya kaya nagtama ang mata namin. Pero, what caught my attention is he has a printer and we badly need that. Lipisanpi is still far to travel unlike his house, mas malapit kung pagkukumparahin.
“Then when will I go there?”
Pinatong ko ang kanang binti ko sa kaliwang binti ko tsaka humarap sa kaniya. Hinagis ko rin sa kaniya ang bago kong flashdrive na sarili kong gawa. May inilalagay kasi ako roong tatak sa labas at loob dahil iyon ang nagsisilbing passcode para ma-determine ng computer ko.
Minsan naiinis na rin ako sa sarili kong kagagawan. Katulad na lang pag nagmamadali ako, ang dami pang kailangan gawin bago ko ma-access o makuha ang mga kailangan ko. I invest lot of patience kaya sa tuwing may gumagawa ng karumal-dumal sa mga system ko o gamit ko ay mabilis na nag-iinit ang ulo ko.
That is why I feel sorry for those who tried to hack my computer because I always send them some virus that makes their device shutdown. Am I that bad?
Though, I can remove it if I want with the use of my customized flash drive but of course not the one that I gave to Prickster. I still have doubts about him.
“We'll go now.”Tumayo na ako at dumiretso sa cabinet ko tsaka siya pinaalalahanan.“I'll go get change. Don't do something there.”
Nagsuot lang ako ng black pants at white v-neck shirt tsaka black boots. Iniyuko ko ang ulo ko tsaka itinali ang buhok ko into high ponytail.
Pagharap ko sa full body mirror sa comfort room ng kwarto ko ay satisfied naman ako sa outfit of the day ko. But my face is lil' bit disappointing. Too plain at feeling ko ay ang putla-putla ko. Ayos lang sana kung dito lang ako sa bahay at walang pupuntahan.
Naglagay ako ng face powder sa mukha ko at kaunting eyeliner sa mata. Dapat ay maglalagay na rin ako ng black lipstick nang maalala kong wala namang special occasion ngayon kaya lipbalm na lang ang ginamit ko instead of dark color.
"I'm done. Let's go."
Agad naman siyang tumayo nang makita niya ako. Naka-shutdown na ang mga computer ko at ang tanging bukas na lang ay iyong firewall. Hindi niya mapapansing bukas pa iyon dahil ako lang ang makaka-determine if it's still open or not.
Sabay na kaming lumabas ng bahay ko. Malapit lang ito sa Perse Academia Building halos walking distance lang at sigurado akong malapit lang din ang kaniya rito.
Makikita sa paligid ang mga kaedaran namin pero mas marami ang nakababata sa amin. Masaya silang nakasakay sa kani-kanilang mga skateboard habang nagpapaikot-ikot.
May pailan-ilang guar sa paligid, wala naman silang ginagawang aksyon sadyang nagmamasid lang sila. Which is good.
"Dumaan muna tayo sa grocery store dahil ubos na ang drinks ko sa bahay," aniya habang naglalakad.
Hindi na ako nag-abala pang sumagot. Amazed pa rin ako sa mga structures ng paligid lalo na iyong mga simpleng building lang pero one of the icing is the Perse Academia Building dahil sa spiral shape nito at mirror style ang dingding. Kaya hindi na bago sa paningin na may mga tao sa ground floor ng building para manalamin. I admit that I sometimes do that.
Especially pagnakasalubong ko na ang grupo nila Clarissa. Kahit madalas ko silang ignorahin sa mga ginagawa nila sa akin, I can't help but to feel little consciousness about my looks.
Mamaya kasi ang ganda ng yabang ko sa kanila tapos wala naman pala akong ibuibubuga.