"Is that really your house?" I ask for the second time around. Ilang minuto na rin kaming nakatayo sa labas ng malaking bahay. Buti na lang bukas ang gate kaya kahit papaano ay kitang-kita ang loob.
Malay ko ba kung kaninong bahay 'tong nasa harapan namin. Masyado kasing malaki for him. May tatlong palapag iyon at kulay white with black details. Elegante ang pagkakagawa, terrace ang pinaka-third floor at sa tingin ko ay naroon din ang gym niya base sa nakikita ko sa slightly tinted glass na dingding niya.
Kung ang bahay ko ay puro underground ang spare spaces, kabaliktaran nito ang sa kaniya.
"What do you think of me?" naiinis niyang sagot sa akin na tinawanan ko lang.
"Malay ko ba..."
"Hindi ako magpapakapagod na magsinungaling. Your choice, either you come inside or not."
Nauna na siyang naglakad at talagang iniwan niya na ako.
Naiiling akong humakbang pasunod sa kaniya. Kung hindi lang dahil sa printer niya, hindi talaga ako susunod sa kaniya.
“You have an amazing space,” puna ko sa paligid niya nang makapasok na ako sa loob ng gate niya.
There are plenty of junk car in the right side while on the left is a pure space. Maayos naman ang pagkaka-bunton ng mga sasakyan at sa tingin ko ay inayos niya talaga iyon dahil may pintuan pa ang gitnang bahagi ng tambak na iyon.
“Plano mo bang mag-stay na lang dyan sa labas?”
Napalingon ako kay Prickster na ngayon ay nakasandal sa pinto ng bahay niya. Maybe he is preventing it not to close dahil hindi ako makakapasok. Though glass door naman iyon.
“Anong meron doon?” Inginuso ko ang bunton ng mga sasakyan. I felt an urge to go in that place, para kasing may something doon.
“Just a little space. Dadalhin kita diyan mamaya but for now baka gusto mong pumasok muna.”
Naiiling na lang akong sumunod sa kaniya. Iyong printer niya ang ipinunta ko rito bonus na lang iyong tour house. Pagpasok pa lang ng bahay niya ay makukumpirma mo na agad kung gaano siya ka-organize sa mga bagay-bagay.
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga picture frame sa kulay puti niyang pader. Bagay na bagay iyon doon para bang ginawa iyon para lang doon.
“Upo ka muna, aayusin ko lang ‘tong mga pinamili natin.”
Itinuro niya ang sala kung saan mayroong mahabang sofa at kaharap niyon ay isang clear glass round table. Mayroong single sit sofa kaya doon ako pumuwesto habang naghihintay kay Prickster.
May hagdan siyang katulad nang building ng aming school. Kulay itim naman iyon at may kombinasyon ng gold. Napaka-engrande ng bahay niya. Masyadong malawak at marami rin ang makikitang pinto sa bahay niya. Visible ang mga iyon unlike sa ibang lugar dito sa Centre na madalas convertible dahil ipina-pareho nila ang disenyo ng kanilang pinto sa mismong dingding.
“Saan mo gustong unahin natin? Sa taas o dito?” tanong niya habang nakatayo sa harap ko.
Nagkibit-balikat ako.
“Kung saan nakalagay iyong printer mo.”
Naiiling siyang humiga sa mahabang sofa bago pumikit. Tumaas ang kanang kilay ko bakit feeling ko hindi niya nagustuhan ang isinagot ko? Inayos ko ang pagkakaupo ko.
“Did you invite me just to watch you sleep?” tanong ko habang nakatingin sa nakapikit niyang mukha.
In fairness, makinis ang mukha niya tila ayaw dapuan ng kahit maliit na tigyawat. Samantalang sa akin ay halos ayaw nilang iwan. Naiiling na lang akong tumayo. Wala naman yata siyang balak kausapin pa ako kaya mas mabuting umalis na lang ako.
“I guessed I should take my leave now. I don’t have time to babysit you, Mr. Guillen.”
Tumalikod na ako sa kaniya at naglakad palapit sa pintuan. Nang matapat ako doon ay agad naman iyong bumukas kaya sinamantala ko na ang paglabas.
Hindi pa ako umaabot sa gate nang tawagin niya ako.
“Hey, Rhinna wait!” sigaw niya mula sa pintuan.
Humarap ako sa kaniya tsaka ko pinagkrus ang braso ko sa dibdib ko.
“Sasamahan na kita, actually gusto ko lang kasing ilibot ka muna sa buong space ng bahay ko but I fell asleep while pretending.”
Tama bang tulugan ako? Kahit kailan talaga ‘tong lalaking ‘to. Naglakad siya palapit sa tambak ng sasakyan at binuksan ang pintuan niyon.
“Come in, Rhianna.”
Sumunod ako sa kaniya roon at ang masasabi ko lang. How the hell did he organize it? It is not what I expected. I thought it would be that messy but no, it’s like somewhere else outside this universe.
Walang masyadong gamit sa loob. Malinis siya at ang tanging makikita lang doon ay ang white highland counter tops na bubungad sa ‘yo pagkapasok pa lang ng pinto at nasa dulong parte naman ang printer niya. Wala akong makitang upuan sa paligid baka natago iyon.
“Welcome to my workplace, Rhianna. Pasensya ka na kung medyo makalat—”
Agad kong pinutol ang gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng pagtaas ko ng kamay ko paharap sa kaniya.
“Are you kidding me? Kung makalat na ‘to para sa’yo, ano pa iyong sa kin?” sarkastiko kong tanong.
“A junk?” Agad tumalim ang tingin ko sa kaniya. Walanghiya, wala bang preno ang bibig niya? Pasmado ‘to ah.
“What did you just say?”
“Parang basurahan ang kwarto mo.”
Binato ko siya ng napulot kong massage ball na agad niya rin naming nasambot.
“Don’t ask me again dahil iyon pa rin ang isasagot ko.”
Inirapan ko lang siya at agad nag-ikot-ikot. Ang daming magaganda at napaka-useful na gamit dito. Crystalize ang istilo ng dingding sa paligid at may tatlong main color lang mayroon ang loob, iyon ang violet, black at white.
Lumapit ako sa dingding niya. Gawa iyon sa iba’t ibang metal at nadala niya sa pagpaint ang mga iyon. The supremacy of art, I love that. How I wish to have that talent. You can create an out of world creation.
“Ilang taon ang iginugol ko para buoin ito. Worth it naman ‘di ba?”
Sumandal siya sa dingding na nasa harap ko, tuloy ay mukha niya ang nakabalandra ngayon sa mukha ko. Well art din naman iyon at sa tingin ko ay nag-mana siya sa tatay niyang magaling gumawa ng mga bagay-bagay.
Napalo ko na lang ang ulo ko sa kalokohang naiisip ko. My Perseians!
“You okay?”
Lumapit si Prickster sa akin at agad humawak sa noo ko. Mabilis ko naman iyong tinabig kasi para akong na-kuryente.
“Ayos lang ako,” ani ko tsaka tumalikod sa kaniya.
Pumunta na lang ako sa pakay ko rito, ang printer. Sa tingin ko ay seven inches ang taas niyon at square shape. May monitor sa harapan kung saan doon i-ta-type kung ilang kopya ang gagawin. Sa likod niyon ay may mahabang hugis rectangle karugtong ng box glass na walang laman. Ang itsura ng machine na nasa harapan ko ay parang typical na printer ng mga papel, pero kung iyon ay plastic ang surface, ito naman ay hindi. Sa tingin ko ay gawa ang balot nito sa aluminum.
Ipinasok ko na ang flashdrive sa saksakan nito na katabi lang ng monitor. Una kong gagawin ay ang mga flairings niya. Mabuti na lang ay planado na ang mga gagamiting material combination kaya madali na lang ang pag-enter ng mga code. Ganoon kasi ang printer na ito, kailangan muna ilagay ang mga code at kung tig-iilang porsyento bago pa ma-process.
Ang proseso nito ay parang sa pagluluto lang, may mga ingredients’ na dapat ilagay at timplang dapat hulihin.
“Matagal pang matatapos ‘yan. Umupo ka muna.”
Napalingon ako sa pwesto ni Prickster. He is sitting in a stool while drinking some beer in can. Kailan pa nagkaroon ng upuan doon? Kanina ay wala lang iyon. May mini fridge na rin akong nakita roon.
“You can sleep here just go with that side.”
Itinuro niya ang pinakadulo ng counter top kaya lumapit ako doon. May touch button doon kung saan may maraming icon katulad ng stool na inuupuan ngayon ni Prickster. Sinubukan kong pindutin iyon and his shout filled the room bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig.
“What the hell, that’s hurt!”
“I’m sorry…” nakangiwing kong sabi habang naka-piece sign.
Umupo na lang din ako at binuksan ang kaniyang mini-fridge. Limang beer in can ang laman niyon at tatlong bote ng tubig. Kumuha ako ng tubig at ininom iyon.
Lumipas ang ilang minuto nang umilaw ng violet ang glass square na katabi ng mismong printer. Mabilis akong lumapit doon at halos mamangha ako nang makita ko iyong printed flairings kahit pa pang-head pa lang iyon ng gagawing motorcycle.
“Are you sure about the color?” tanong ni Prickster na ngayon ay nasa tabi ko na. Katulad ko nakatukod din ang kamay niya sa tuhod niya at sa tuwing lumilingon siya sa akin ay ramdam ko na ang hininga niya.
“What’s wrong with the color? I like green, it’s cool.”
“Okay sabi mo eh.” Tumatangong aniya. “Automatic naman iyang printer so should I tour you around the house?”
“What is interesting? Mas gusto ko pang humiga na lang,” sagot ko.
“Ikaw bahala may antique room pa naman sana ako sa loob.”
Pa-simple akong tumayo at tinignan ang mga hinihintay ko. Ayokong ipahalata na interesado ako pero paano? I want to see some old stuff because I find it cool just like prof. Greene motorcycle.
“‘Wag ka na pa-cool, tara na kasi!”
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila palabas. At ano raw? Pa-cool ako? I am born cool, hindi niya ba alam iyon?