Chapter 12

1233 Words
Umakyat kami sa spiral staircase nila. Wala bang mas high-tech dito? Nakakapagod kaya humakbang ng humakbang. Nang makarating kami sa taas ay walong pinto agad ang bumugad sa amin. Apat sa kaliwa at ganoon din sa kanan. Naglakad kami papunta sa pinaka-dulong pinto sa kaliwa. “I’ll give you a free lesson.” Binuksan ni Prickster ang pinto at agad bumungad sa amin ang maraming glass box at may mga laman iyong bagay na bagong-bago sa paningin ko. Nakapatong mga iyon sa glass table, pahaba iyon at tila ginawa lang para pag-patungan. Lumapit kami sa unang hilera. Maliit na kulay green at pataas iyon at may brown sa ibabang bahagi kung saan nakalubog iyong green. Sa tingin ko ay doon ang source of life niyon. Parang may nakita na akong ganoon pero hindi ko matandaan kung saan ko iyon nakita. “It’s a baby tree. Kung nagtataka ka bakit walang laman iyong pot na iyon.” Itinuro niya ang pinaka-unang glass bago pa itong kaharap naming. Purong brown lang ang laman niyon. “Eh ano iyong brown na iyan?” tanong ko dahil sobra na akong nagtataka. “It’s called soil o madalas tawaging lupa. Pero may iba’t ibang uri ‘yon tulad ng buhangin, putik, at marami pang iba. Actually, may buto ang lupa na iyon.” Mula sa gilid ng mata ko tila may inabot siya sa likod niya but I can’t let my eyes off the baby tree. Gusto kong matandaan iyon dahil bihira lang ang opportunity na ito. “Here.” Ibinuka niya ang palad niya at mayroon parang chip ang laki doon na kulay brown naman at elliptic shape iyon. “It’s called seed. It is where the tree came from pero mayroon din namang kahit iyong sanga lang ang ibabaon mo sa lupa.” Ngumiti siya at kumindat sa akin. “You’re so cute when you are amazed.” “Tigilan mo ako, Prickster. Who can’t be amazed with this object? It’s actually my first time seeing this thing, hello!” Feeling ko ay bumalik ako sa pagka-bata dahil sa dami ng pagkukulang ko pagdating sa kaalaman. Hindi kasi ito itinuturo ng mga professor ko. Bihira ko lang din naman makasama si Daddy kaya hindi ko alam ang mga tungkol dito. Speaking of Daddy, I remembered where I heard this tree thing. It will be the prize for that stupid game together with the hectares of land. “Joke lang masyado ka namang pikon. Tsaka, hindi na ako magtataka kung hindi mo alam ang mga ito dahil its risky. Pagnalaman ng council na may alam ka sa mga ganito ay malamang guar na ang susundo sa iyo.” Tumalim ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Walanghiya, ipapahamak pa yata ako. “Ganoon naman pala eh bakit mo pa ako dinala rito?” sarkastiko kong tanong. Kahit kailan talaga source ng danger ang taong ito. Kaunting-kaunti na lang talaga kakabitan ko na siya ng danger signage nang sa gayo’n ay wala ng mapahamak. “Ayaw mo ba? May nalaman ka ng bago oh at malalaman pa.” “Para namang may choice pa ako eh no?” Inirapan ko na lang siya at sinundan ang mga glass box. Palaki ng palaki iyong tree hanggang sa naging brown na yung ibang part niya. “Gusto mo ng files about diyan?” tanong niya na agad kong ikinalingon sa kaniya. I was about to speak nang ngumiti siya ng malapad. “Pero in one condition.” Sabi na e may kapalit, tsk. “No, thanks.” Tinalikuran ko siya at pumunta pa sa iba. Actually, there are lot of things na pwedeng makita, I just don’t know what is their name. “Bahala ka nandoon pa naman lahat ng information ng mga nakikita mo rito.” Napalunok ako, I want that files. Sheez, ano ba kasi ang ipapaga niya? Siguraduhin niya lang talagang hindi kalokohan iyon dahil kung hindi ako mismo ang magtatapon sa kaniya sa restricted places. “Aren’t you afraid?” kunot-noong tanong ko. “Afraid of what?” “What if they caught you having this room?” “So, nag-aalala ka na ngayon? Besides, hindi mo ba nakikita ang pader ng kwatong ‘to?” tanong niya habang kitang-kita ang maganda niyang ngipin. Pumikit ako at huminga ng malalim. My Perseians, bakit ko ba kasama itong taong ‘to? Tinignan ko ang paligid. Pure cement ang mga iyon na may pininturahan ng puti at sa tingin ko ay may hidden firewall siya at iba pang blocking devices. This is genius! White ceiling, wall and a light brown floor. “Whatever! Siguraduhin mo lang na hindi kalokohan iyang naiisip mo kung hindi lagot ka sa akin!” nagbabanta kong sabi. Total naman ay pinasok ko na ito, lulubusin ko na. I should learn some things that were hidden by the councils. “Don’t worry, ikaw lang ang bibigyan ko since I trust your security.” Ngumiti siya at ipinatong ang kaniyang braso sa balikat ko. Agad ko iyong tinanggal at muli na naman siyang sinamaan ng tingin. “I’m warning you!” matigas kong sabi. “Relax, okay? Parang akbay lang eh ang damot.” Ibinulong niya ang huli pero rinig ko pa rin. Kung pwede ko lang saktan ‘tong taong ‘to physically ginawa ko na. “Okay ka na rito? Tara sa gaming room naman.” Kahit gusto ko pang manatili doon ay sumunod na lang ako sa kaniya palabas. Gusto ko makita ang hitsura ng room niyang iyon. Parang gusto ko na tuloy tumira rito. There are lots of things you can do and watch. Hindi nakaka-bored tsaka ang linis ng paligid. Sa akin kasi parang basurahan talaga eh. Tama naman siya sa part na iyon pero tama ba naman kasing ipamukha pa. Sa katabing pinto lang ang gaming room niya. Pagpasok namin ay bumugad agad ang iba’t ibang kulay dahil sa mga system unit, keyboard, mouse at iba pang gamit niya sa loob, na sa tingin ko ay halos lahat may ilaw. “Feel free to try.” Itinuro ni Prickster ang upuan kung saan sa harap niyon ay may controller. “Let’s play.” Pagyaya ko sa kaniya. “Cool may maganda rin akong narinig sa iyo.” Tumawa na siya akala mo naman nakakatuwa ang sinabi niya, tsk. “What game do you have?” tanong ko bago naupo doon sa kulay asul niyang gaming chair. Ang relaxing umupo ditto, ang lambot at para kang minamasahe. “Try natin laruin iyong racing. I give you time to practice, gusto mo turuan kita?” ngiting may binabalak niyang tanong. Inirapan ko siya at dumiretso sa instruction section. Mabilis kong binasa at inintindi iyong mga nakalagay doon at sinubukan. Touchscreen naman iyon kaya madali na lang din. Pumili na ako ng gagamitin kong racing car tsaka iyon sinubukan. Sa kaliwang banda ng monitor na kaharap ko ang controller para sa paglilipat ng pwesto habang nasa kabila naman ang controller ng bilis at bagal habang nasa taas naman makikita ang fuel. This is a child game pero may twist naman ito. Nang okay na ako ay agad lumapad ang ngiti ni Prickster. I sense that something is wrong in that smile pero huli na nang ma-realize kong isinuot niya na sa akin ang helmet na kanina ay nasa likuran ng gaming chair. Fudge sabi na eh, walang matinong magagawa itong taong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD