Chapter 13

1402 Words
Nakatayo ako ngayon sa malapad na racing field. May nakikita akong building pero malayo ang mga iyon. Ibang-iba ito sa gaming room ni Prickster na kanina lang ay kinauupuan ko. Sa tingin ko ay nasa loob ako ng virtual world dahil wala naman akong matandaang umalis kami doon tsaka iyong view ng paligid parang may something na hindi ko ma-explain. Kasi naman walang hiya ang lalaking iyon, ni hindi man lang ako sinabihan kung paanong gawin ‘to. Naiinis kong tinignan ng maigi ang paligid. Napansin kong parang may button sa gilid ng mata ko kaya I tried tapping it. May lumabas sa harap kong hologram nandoon lahat ng info ko dito sa loob at editable iyon. I set up my character profile. Level 1 pa lang iyon at hindi ko talaga alam ang ginagawa ko. Nawala ang focus ko nang may humintong magarang sasakyan sa tabi ko. Sports car iyon na kulay black at may lining na cyan color. Masyadong makintab iyon na nakadagdag angas. Nang bumaba ang wind shield niyon ay bumungad ang taong nasa pinaka-unahan ng listahan kong gusto kong ipadampot sa guar. “Welcome to the city game.” “Welcome mo mukha mo.” Sumakay na lang ako sa sasakyan niya kahit wala siyang pahintulot. I am not in the mood to drive. Baka sa halip na racing ang mangyari ay magbanggaan lang kami. “Oh, akala ko ba maglalaro tayo?” tumatawa niyang tanong. “How can I play? I don’t even know how to get out here.” Natatawa niyang pinaandar ang sasakyan. I am still thankful dahil virtual lang ito dahil tiyak na kung hindi guar ang sasalubong sa amin kamatayan naman. Almost 200 kilometer per hour ang patakbo niya at hindi ko alam kung bakit parang totoo ang lahat. Ramdam ko ang malamig na pakiramdam sa mukha ko katulad lang din sa tuwing sasakay ako ng train at bukas ang bintana. “Pindutin mo lang iyong button sa likod ng leeg mo then poof mawawala ka na rito sa city game.” Mabilis niyang nahuli ang kamay ko nang dapat ay pipindutin ko na ang sinasabi niya. “Pero mamaya mo na gawin iyan. Ikot-ikot muna tayo rito.” Iniliko niya ang manibela ng kotse at maya-maya ay nakikita ko na ang mga naglalakihang building. “How did you create this? I mean this idea is common but this city of yours is good compared to some virtual games.” Ilan na rin ang na-encounter kong ganitong concept pero marami ang kulang. Karamihan sa iba ay bagsak sa graphics at iba naman ay boring lang talaga. Unlike this place everything felt surreal. “Years of trial and error. It’s a real city for me. No guar or council to think. Just live and enjoy because you’re free here.” Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. There’s tree here at may mga tao rin. Mas maganda pa rito kaysa sa tunay naming mundo. No flying car or object here just the white thing I don’t know if its cotton but they have similarities and it is big. Mayroon ding building dito na may nakalagay na Mall. I guess iyon ang pangalan niyon. Lahat ng taong nakikita kong pumapasok at lumalabas doon ay nakangiti at masayang-masayang nakikipag-usap sa kasama nila. "Those people are player, right?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa paligid. This place is a real fantasy and I want to stay here forever. "No, I can't let others use this because it's like imposing the world before. My grandfather helped me build this city but as far as I know this century is already relying on technology, not just how advanced the Perse Universe is." Napanganga ako sa nalaman. This is how beautiful the universe before? "This is genius. May napala rin pala ang pagsama ko sa iyo. I learned a lot, wait..." Naningkit ang mata kong tumingin sa kaniya. Tumaas lang naman ang kilay niya at nagtatakang tumingin sa akin. "Paanong ang dami mong alam tungkol dito? Don't tell me you're old and have an immortal life?" Nang maalala kong isang malaking kalokohan iyon ay inumpog-umpog ko ang ulo ko sa windshield ng sasakyan. Kung may immortal life siya edi sana nasa laboratory na siya ng council. Those greedy monsters will not let it slip pag nalaman nila ang about doon. "Funny. Unlike you nakasama ko ang lolo ko at dad ko simula nang bata ako and they teach me secretly including the things council hiding from us." Maka-council siya eh member din naman mga tatay namin. Of course they did research for some things since his father has access to the library and other stuff but it is not easy. You know life and death. “Edi swerte mo kung gano’n.” Lumaki na akong mag-isa eh for safety na rin dahil iba ang takbo ng mga higher council. Mabuti nga at may permission nilang pwede ko ng gawin iyong mga bagay na hindi pa pwede sa edad ko. “Ikaw lang naman ang hindi.” Hinampas ko ang braso niya. Nabibwisit na naman ako sa lalaking ‘to. Anon naman ngayon kung hindi ma-swerte? At least I have the best memory with them tsaka sa dami ng threat na natatanggap ko, I’m still lucky dahil hindi ko sila madadamay. “Biro lang ito naman. I understand your situation huwag ka mag-alala, you are safe with me.” Ngumiti siya at nagpark sa isang space sa gilid ng Mall building. “Tara, mag-enjoy muna tayo dahil after nito may malaking problema tayong kakaharapin.” Hinawakan niya na naman ang kamay ko tsaka hinila papasok ng mall. Lahat ng nakakasalubong namin ay ngumi-ngiti sa amin lalo na iyong nakatayo sa tabi ng pinto dahil halos lahat ay nginingitian at niyuyukuan niya. Huminto kami sa tapat ng maraming machine kung saan may claw ang loob ng salamin at may mga soft toy sa ibaba niyon. Lumapit si Prickster doon at may kung anong bilog na inihulog sa loob ng machine, nagbigay tunog iyon at maya-maya ay ginalaw naman niya ang controller na nasa labas lang ng glass. Up, down, right and left iyon at mayroon namang button sa kanan na noong pinindot niya ay agad bumaba ang claw at kinuha iyong isang toy, muli na namang ginalaw ni Prickster ang controller hanggang sa malaglag ang toy sa butas sa pinakagilid sa kaliwa. Muling tumunog ang machine at lumuhod si Prickster sakto namang bumukas ang isang part sa baba at lumabas iyong kaninang nahuli ng claw. “Ang galing!” bulalas ko at napapalakpak. Para akong bata sa ginawa ko at hindi ko na matandaan pa kung kailan ko huling ginawa iyon. Nang makita kong nakatulala na lang si Prickster ay agad kong tinalikuran iyon. Pakiramdam ko ay uminit ng sobra ang pisngi ko. Pinindot ko na lang button na nasa likod ng batok ko. Naramdaman ko na lang na para akong nagising mula sa pagkakatulog. I feel relaxed. Kung ano iyong pwesto ko kanina ay ganoon pa rin pagbalik ko. Pero kumpara sa pwesto ko mas komportable ang kay Prickster dahil para siyang nakahiga. Agad din naman siyang nagising at nang-aasar na tumingin sa akin. Tumayo na ako at nauna na sa pinto. Buti na lang at hindi maarte iyong security niya rito. Hindi pa namin nalilibot ang buong bahay niya pero feeling ko pagod na pagod na ako. Gusto ko ng mahiga sa higaan ko. Nang makarating ako sa bakuran niya ay hinintay ko pa siya. Ayaw bumukas ng pintuan ng little palace niya eh ang sarap sirain. Sana lang tapos na iyong ipini-print ko dahil gusto ko nang umuwi sa bahay ko. “’Wag ka na umuwi dito ka na kumain at magpahinga magseset-up pa tayo ‘di ba?” Binuksan niya ang pintuan at pinauna ako ng pasok. Tama naman siya sa part na kailangan pa naming buuin iyon. “Siguraduhin mo lang na masarap ang lulutuin mo.” Lumapit agad ako sa mga na print ng parts. Marami na iyon pero may mga hindi pa tapos. By parts ang print kaya naman medyo matagal. Lumapit ako sa mga button sa dulo ng countertops at pinindot ang bed icon. Mula sa likod ko bumukas ang sahig at lumabas roon ang kulay puting kama. Dahil wala pa naman akong maisip na gagawin ay matutulog na lang muna ako. Pumunta na rin naman si Prickster sa kabila para siguro magluto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD