Chapter 14

1484 Words
“Mahilig ka talaga sa combination ng black at cyan, ano?” tanong ko habang sinusuot ang helmet kong green din with black visor. After one month straight na naging palamunin ako rito sa bahay niya natapos din naman ang project naming dalawa. Nagkibit-balikat siya at ngumisi. “Parang sa pagkahilig mo lang sa yellow green?” Inirapan ko siya kahit hindi niya nakikita. Tinatawanan niya pa rin hanggang ngayon ang chosen color ko. Neon na neon kasi ang kulay nito at sinasabi niyang ang baduy kaya bilang ganti, I did not help him to a lot of things. Umuuwi ako sa bahay ko to take some bath pero nang maalala kong I should not waste time ay nagdala na lang ako pamalit pero ini-maintain ko ang pag-monitor sa bahay ko dahil mahirap na. Nauna na akong umalis sa kaniya. Alam niya naman ang pupuntahan namin kaya bakit ko pa siya hihintayin? Habang isiniset-up ko itong motor ko ay agad din pa lang nagprint si Prickster nang sa kaniya at agad ding ini-ready ang makina na pwede niyang gamitin. Since it is our expertise mas madali na lang namin iyong naayos kumpara sa disenyo at pagkabit ng mga flairings na siyang nagpatagal sa amin kasi may mga part pa doon na binutas pa namin para maging fit sila. Tuwing free time naman naming ay may kaniya-kaniya kaming ginagawa pero mga more on minor chip na lang mga iyon. So far, natapos naman namin an gaming project ng ubos ang enerhiya pagkatapos. Buti na lang at marami ang niluluto ni Prickster kaya nakakakain ulit kami bago bumalik sa trabaho. At ngayon ay papunta kami kay Prof. Greene para ipa-check ang gawa naming dalawa. Sadyang pareho lang kaming malaki ang tiwala sa mga invention namin para gamitin agad ito. Pero hindi dapat dahil risky and there is a lot of what if that might happen. Wala pa naman akong nararamdamang kakaiba sa motor ko dahil simula nang matapos namin ito ay agad naman namin iyong ibinireak-in ng magdamag. Ilang mintuo lang ang nagdaan nang makarating kami sa harap ng PAB. Inihinto ko ang motor ko sa gilid ng hallway at hinubad ang helmet. Nagpadala na rin ako ng mensahe kay Prof. Greene na nandito na kami sa ibaba. May iilang napapatingin sa gawi ko tsaka titingin sa motor ko. The amazement in their eyes can’t be hidden. “Ang bilis mo.” Tumigil si Prickster sa tabi ko at agad ding hinubad ang helmet niya na mas lalong nag-agaw pansin sa mga schoolmate namin. Natural na talaga ang pagka-mayabang nitong katabi ko nang ngumiti at kumaway siya sa lahat ng nakatingin. Gusto ko na lang magtago o umalis na lang doon dahil sa kaniya. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa papalabas na si Prof. Greene sakay ng kaniyang skateboard habang may hawak na tablet. “Palaki ng palaki nag tyan ni Prof. Greene ano?” tumatawang inginuso ni Prickster ang taong hininhintay naming. Kahit kailan talaga napaka-bully. Napailing na lang ako sa kalokahan niya at hindi siya pinansin. Masaya ako sa accomplishment namin ngayong araw. Naramdaman kong may nakatingin sa amin sa malayo kaya pa-simple kong inikot sa paligid ang paningin ko. I found Clarissa’s group at the second floor. Habang siya ay nasa may malapit sa entrance ng building. Masyadong matalim ang tingin niya sa akin at kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya marahil sa sobrang galit. Itinaas niya middle finger niya pagkatapos ay ginamit niya naman ang hinlalaki niya pang-slice sa leeg niya. She is sending me a message and that is not good. Iba ang karakas ng babaeng iyon. Mukhang napansin iyon ni Prickster dahil bigla itong tumabi sa akin at um-akbay. Ngiting-ngiti pa ang loko. Muli akong bumaling kay Clarissa at mas triple ang sama ng tingin niya. If looks could kill, malamang matagal na akong nakahandusay. “Look like you both found a good partner huh.” Ngumiti si Prof. at inayos ang kaniyang salamin. Pa-simple kong kinurot sa tagiliran si Prickster kasi kanina ko pa pilit tinatanggal ang braso niya sa akin pero ang siraulo ay dinidiinan niya kaya hindi ko matanggal. Nang pakiramdam ko ay lumalaban siya mas diniinan ko pa ang pag-ipit ko sa balat niya. Kusa naman na niyang tinanggal iyon habang nakangiwi. “I smell something to both of you.” Nang-aasar na simula ni Prof na ikinangiwi ko. “Whatever, Prof.” asar na sagot ko at naupo sa gilid. Bumuntong hininga ako dahil hindi pa rin nawawala ang tingin sa amin ng mga tao. Samantalang simple at masasabing luma na nga itong nasa harapan naming dahil mas maraming maganda at advance pa rito. Prof. Greene smirked. “I’ll inspect the motorcycle now.” Tumango ako at tinignan kung paano niya ichecheck iyong motor. May inilabas siya sa bulsa ng suot niyang pantalon, isa iyong maliit na bilog at malapad, maybe it’s a chip. Idinikit niya iyon sa gulong ng motor ko hanggang sa may mga maninipis na kuryente ang dumaan doon. Kahit si Prickster ay hindi naitago ang paghanga sa device na ginamit ng guro namin. Nakatingin lang naman si Prof sa tablet niya kaya lumapit ako sa kaniya maging iyong isa ay ganoon din ang ginawa. Mula sa tablet ni Prof ay nandoon ang unti-unting nabubuong hitsura ng motor. Mula sa gulong sa unahan hanggang gitna pa lang. Parang is iyog loading bar ang kaibahan lang ay hugis iyon ng motor ko. As in kopyang-kopya ang features niyon maging ang kulay. Nang matapos ang progress niyon ay lumabas ang complete response sa tablet ni Prof at maya-maya’y lumabas naman ang info niyon tulad na lang kung ano ang bigat, kulay, sukat ng makina at iba pa. May generate code na ring lumabas doon kung saan ang ibig sabihin niyon ay may permission niya iyon at kahit saan kami magpunta ay hindi kami mahuhuli. Sa hulihang parte ng flairing ko nabuo ang logo ng school na ibig sabihin ay dumaan na sa inspection ang sasakyan. Cool! I-reveal ko na rin kaya ang flying hoverboard ko nang mabigyan na iyon ng code. Total alam na rin naman iyon ni Prof dahil ginamit ko iyon pantakas sa kaniya. On the other hand, huwag na lang pala. Prof. Greene is a fan of my inventions. “Tara sa Lipisanpi, Rhianna,” nakangising anyaya nang isa. My eyes traveled on my motorcycle and I fell in love with it. I nodded to Prickster at agad sumakay sa motor ko. “Bye, Prof.” May isinigaw pa si Prof. Greene pero hindi ko na narinig pa iyon. Dumiretso ako sa bahay ko para magpalit at dalhin ang mga kakailanganin ko dahil balak kong mag-stay doon hanggang matapos ang buwan namin dito. Mabilis lang naman akong nakarating dahil malapit lang iyon sa Perse Academia Building. Hindi ito katulad ng bahay ni Prickster, simple lang at sakto lang para sa akin. Gawa rin naman sa semento pero hindi ganoong kakapal katulad ng kanila. Kaya puro converted ang mga gamit ko at laging may underground base kasi kung hindi baka kahit ako ay hindi na alam kung paanong papasok dahil sa dami ng gamit ko. Pagpasok ng main door iyong maliit na sala ko ang unang bubungad sa bisita at pagkumaliwa naman, iyong kusina ko na agad ang makikita kung saan may refrigerator naman kahit papaano. Sa tapat ng main door nandoon naman ang pinto ng kwarto ko. Cream color lahat ng dingding ko maliban sa pinto kong kulay black na balak kong palitan ng green. “Bilisan mo, Rhianna!” Napairap na lang ako sa sigaw ni Prickster. Kumuha na lang ako ng damit na susuotin ko at mabilis na nagbihis. Black leather coat, black pants at black boots ang isinuot ko dahil iyon ang nahila ko mula sa closet ko. I don’t have much time to change dahil sumunod iyong isa at baka kung ano ang magawa niya sa sala ko. Hinila ko na ang bag ko at isinukbit na sa magkabilang braso. Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko siyang nakahiga sa sofa. Mukhang alam niya na kung saan ang mga button para doon dahil nakalubog pa ang mga iyon kanina at plain floor lang ang makikita sa parteng kinahihigaan niya ngayon. “Let’s go?” tumango ako kaya agad siyang tumayo at nauna nang lumabas. This will be a tiring day. Gusto kong mahiga na lang ngayon pero mas magandang umalis na rin agad para makapagpahinga na pagdating doon. “Let’s buy some snacks—” Naputol ang dapat ko sabihin nang biglang may kuryenteng pumasok sa katawan ko. I tried my best to figure out who is the person behind this but my sight begun blurry. But I see a silhouette before passing out. It is a guy; a tall guy to be exact… I don’t why there’s a certain person in my mind and I hate to admit that it is Prickster.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD