Nagising akong tila nangangalay ang buong katawan ko. Nanakit ang likuran ng leeg ko at may kung anong mahapdi sa palapulsuhan at paa ko. Sa pagmulat ng mata ko ang masilaw na paligid agad ang unang nakaagaw ng pansin ko. Sinubukan kong gumalaw pero may kung anong pumipigil sa mga kamay at paa. Nang maka-adjust na ako sa paligid ay doon ko pa lang sinimulang tingnan kung ano iyong pumipigil sa akin.
Nakaupo ako sa isang upuan habang handcuff ang pareho kong kamay at paa. Nasa loob din ako ng isang glass box at hindi ko alam kung bakit.
‘Nasaan ba ako?’ Sinubukan kong luminga sa paligid para maghanap ng pwedeng mahingian ng tulong nang wala akong makita. Doon ko lang din napagtantong nasa isang laboratory ako base na rin sa mga gamit, iba’t ibang kulay ng kemikal at test tubes. Ito ang unang beses kong nakapunta rito.
Ang huling natatandaan ko ay bigla na lamang akong nakaramdam ng malakas na boltahe ng kuryente sa katawan ko na dahilan kung bakit ako nawalan ng malay. Sisigaw na sana ako nang may grupong pumasok sa loob. Nagtatawanan sila na tila ba nakuha na nila ang matagal na nilang gusto. Nang makalapit pa sila ng kaunti ay nakilala ko na agad sila.
I felt shiver knowing that it is Clarissa’s group!
“Oh, poor little thing.” Dinutdot ng babaeng naka-pigtail ang salamin at umaktong tila baby ang kaniyang kaharap. Napakunot-noo ako at sinubukang tanggalin ang harang sa kamay ko.
“Why don’t we torture her habang busy si Cla sa bahay niya?” Maarte akong itinuro nang isa pa na tila tamad na tamad ito. Mahaba ang buhok nang babaeng iyon at kulot ang dulo. Iyong isa ay tahimik lang at maikli naman ang buhok niyon at parang panlalaki ang gupit. Pero kahit papaano ay bumagay naman sa kaniya.
“She hanap the switch na daw eh.” Napairap na lang ako sa way ng pananalita ng pinaka-maliit sa kanila.
Pero nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya.
Who the hell gave her permission to enter my house? May tiwala ako sa security ko pero paano kung kasama niya si Prickster? I’m doomed!
I should do an action. Inilibot ko ang tingin ko sa kinalalagyan ko. Trying to find way on how to escape kaso base sa itsura ng kinalalagyan ko ngayon there’s no way dahil full glass at wala man lang butas kahit kaunti. The stainless floor might be the source of oxygen dahil sa apat na edge ng lugar ay may butas.
“’Di ba she tell na malapit niya na ma-decode iyong house niyan?” Ang sakit sa tenga!
Nag-isip ako ng paraan para hindi siya makakuha access sa bahay. Sinubukan kong kapain ang singsing ko kung suot ko pa. Nang makapa ko iyon nabuhayan ako ng loob. This will be the last ace for me dahil tiyak na back to zero ako after ng gagawin ko. Nanginig ang buo kong katawan dahil tila gusto kong sumaabog sa galit. Tumingin ako sa apat na babaeng kaharap ko.
Sa tingin ko ay hindi nila nagustuhan ang way ng pagtingin ko.
“What are you looking?!” aniya ng naka-pigtail ang buhok.
“Akala mo makakawala ka pa katulad nang una? In your dreams!” pagkatapos niyon ay naghalakhakan sila.
“How dare you tingin sa amin ng sharp!” Naramdaman ko na lang ang malakas boltahe ng kuryente sa buong katawan ko.
All the strength I have when I woke up was all gone. Sobrang nanlambot ang katawan ko habang sila ay nagtatawanan. Nagawa pa nilang mag high-five. I hope someone will come to help me. Sana dumating si Prick— no, he’s the reason why I am here.
Gusto ko na lang umiyak sa kinalalagyan ko ngayon but those monsters in front of me will be joyous. I gathered all my strength to click the seven diamonds in my ring and rotate it with the same number. Pero nasa pangatlo pa lang ako nang pag-ikot sa singsing nang kapusin ako ng hininga. Umiikot ang paligid ko at gusto ko ng sumuka. Para akong mawawalan na ng malay kaya kinagat ko ng mariin ang labi ko.
Iyong pinaka-tahimik sa grupo ng mga babae ay inilabas ang cellphone dahil nagri-ring pala iyon. She put the phone on loud speaker kaya nalaman kong si Clarissa ang nasa kabila.
“Damn you all! That f*****g girl is doing something!”
Kinabahan ako nang biglang lumubog ang salaming nagsisilbing harang namin. Isang malakas na sampal agad ang ibinunga sa akin nang pinakamaliit. Habang iyong naka-pigtail naman ay sinabunutan ako. Nakatayo lang ang may maikling buhok sa dati niyang pwesto habang iyong isa naman ay nasa likuran ko.
One last rotates and I’m done. Pilit inaagaw ng babaeng mahaba ang buhok iyong kamay ko but I didn’t let her. Namamanhid na ang mukha ko sa sampal ng maliit na babae. Pero wala doon ang atensiyon ko. Dehado na ako masyado dahil sa panghihina.
Umubo ako na agad namang ikinalayo nang isa.
“Eww, blood!” hiyaw niya. Agad ding lumayo ang nanabunot sa akin.
Naramdaman ko ang mahapdi na bumaon sa balat ko sa braso. May mainit na likido rin ang umagos mula doon. Nagtubig ang mata ko sa hapdi at tuluyan nang hindi nakapang-laban. Malakas na tumunog ang alarm sa loob ng kwarto. Hiniklas nang nasa likod ko ang singsing at sabay-sabay silang umalis.
Nawalan na ako ng pag-asang may magliligtas sa akin. Hinayaan kong mailabas ang sakit na nararamdaman ko sa tahimik na pag-iyak. Why do I need to suffer this entire thing?
Muli akong umubo na na-sundan pa ng ilang beses. Natanggal nga ang tali sa kamay ko ubos naman ang lakas ko. Ngumiti ako ng mapakla. Is this the time for me to meet my mom? But, how about dad? Sinubukan kong tumayo bagay na nagawa ko naman. Ilang portion lang ng katawan ko ang nararamdaman ko dahil sa panlalambot. Nakalimutan kong nakatali ang paa ko kaya nang sinubukan kong humakbang ay agad akong bumagsak. Sakit at lamig agad ang bumalot sa buo kong katawan. Para akong tatakasan ng malay dahil sa nangyari.
“Rhianna!”
Bakit ngayon pa ako nagha-hallucinate. Tumawa ako dahil iniisip kong ililigtas ako ni Prickster. Bakit ba umaasa pa ako? Sino ba naman ako para sa kaniya? Ang tanga ko lang para maniwala sa lahat ng ipinakita niya. Sobrang tanga ko dahil binigay ko ng buo ang tiwala ko sa kaniya, na nagawa ko pang ibaba ang matagal ko ng itinayong harang sa puso at isipan ko.
Parang may kung anong humiwa sa dibdib ko dahilan para humagulgol ako. After realizing what I am doing right now made me laugh. I am definitely crazy. Sinubukan kong gumapang paalis sa kinalulugaran ko dahil sa sobrang lamig. Pero nakatulong naman iyon dahil hindi na dumugo ang mga sugat ko sa braso maging ang mga pasa ko ay hindi na ganoong masakit.
Malakas na bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang taong pinagkatiwalaan ko pero trinaydor ako. Ipinikit ko nang mariin ang mata ko dahil tila mali ako ng nakikita na nag-aalala siyang nakatingin sa akin.
Nawala ang kadena sa paa ko at naramdaman ko ang mainit niyang braso na yumakap sa katawan ko. Nawala na rin ang pakiramdam ng malamig na sahig pero napalitan naman ng nakakahilong lakad niya.
“You’re safe now, I won’t let them hurt you again!” huling katagang narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.