Nagising ako dahil sa tiyan kong walang tigil sa pagtunog. Gusto ko man hawakan iyon ay hindi ko maigalaw ang mga braso ko. Sobrang nanghihina ako at pakiramdam ko ay nawalan ako ng buto sa katawan. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko kaso pati iyon ay hindi ko magawa.
Ano ba ang nangyayari sa akin?
Sinubukan kong alamin kung nasaan ako. Even though I can’t see anything, at least I can smell and still hear some noises. I tried to concentrate so I can determine what is in the room I'm in.
I heard a beeping sound from my left side at sa bandang ulunan ko iyon. Other than that wala na— ah no, I heard some faint breathings, maybe there is someone beside my bed. But how come I don’t hear some noise from the aircon but I feel the cold breeze of it.
I tried harder to focus on my surroundings. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at sumara rin naman agad iyon. The antiseptic smell filled my nostril. Kasunod nito ang pagsalita ng taong nasa tabi ko. Mukhang alam ko na kung nasaan ako at sino ang kasama ko.
“Doc, kumusta siya?” ani ni Prickster.
"I'll check with her if there's an improvement."
Binuksan ng doctor ang talukap ng mata ko at may flashlight na itinutok doon. Kung nakakagalaw lang ako kanina ko pa natabig ang doctor. Inikot ko ang mata ko para iwasan ang ilaw at ipahiwatig na gising na ako at hindi ako nagkamali ng kumpirmahin niya iyon.
“She’s awake. She needs more rest to get back her energy," pahayag ng Doctor. "Can you blink your eyes if your body cannot move?”
Sinunod ko ang utos niya. I blink my eyes and wait for another question. Pero mukhang satisfied na siya roon dahil may in-inject siya sa swero ko bago nagpaalam kay Prickster.
“She’ll be okay, don’t worry.” He said while tapping Prickster back. Close yata sila.
Lumabas na ang Doctor kaya naman lumapit sa tabi ko si Prickster. He gently massage my hair which makes me feel another electric shock. Porket' hindi ako makagalaw ay nagiging clingy na siya.
"I'm sorry, I was late," aniya habang nakatingin sa mga mata ko. "I can't believe she can do that horrible thing. I thought she's just simply jealous."
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Jealousy can take you far from our imagination.
Patuloy lang siya paghingi ng sorry. Wala naman akong magawa para patigilin siya dahil hindi maigalaw ang katawan ko at higit sa lahat wala akong boses. I hope he can see my thankful sincerity through my eyes. Kung hindi siya dumating doon, I think I was cremated already.
Ang masama pa I thought of him as a traitor. Which is not right.
TWO days have passed, finally I can lift my arms already pero naroon pa rin ang panghihina. The Doctor says that I can stay until this afternoon and I'm good to go. Pero I should take my medicine and do not take any hard work.
It's a good thing na makakauwi na ako dahil mahigit isang linggo na ako rito. According to Prickster, isang linggo akong walang malay. Nang magkamalay naman ako hindi naman ako makagalaw.
"I think it's good for you to stay at my place." Napalingon ako kay Prickster. Ano siya hilo? Ayoko nga!
"Why would I?"
"Rhianna, don't you forget that your house was burnt and buried on the ground?" Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
What? Pilit kong inalala ang sinasabi niya pero wala talaga akong matandaan. Paanong nangyari iyon?
"Are you joking right?" tanong ko sa kaniya dahil wala akong maalalang sira ang bahay ko.
Hindi kaya sinira iyon nila Clarissa dahil hindi nila ma-access ang computer ko?
"I guess you should not go out here unless you're really recovered." Naiiling siyang humiga sa couch na malapit sa bintana.
"Hey!" tawag ko sa pansin niya at pilit umupo. Hindi ako mapakali sa sinabi niya. Parang sinasabi niya kasing ako ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon sa bahay ko.
"Can you at least tell me what happened?" Umaasa akong nakatingin sa kaniya. Nang makita niya ako ay agad siyang umupo.
"I don't know too, but I'm sure someone sneak into your house dahil iyon ang sabi ng mga nakakita, may biglang lumabas daw na lalaki habang lumiliyab na ang bahay mo. Saktong paglabas niya ay siya namang bumagsak iyon at wala namang nasugatan maliban sa lalaki. Second burn degree ang naranasan niya."
Napangiwi ako sa narinig ko. That hurts!
Nagbuntong-hininga siya nago muling humiga sa couch. "Bigla na lang daw umapoy ang bahay at bumagsak. That's the last statement he said."
"Where's the guy now?" tanong ko habang nakatingin sa swero ko.
"He was arrested by the Guar. Right after the incident."
Tumango-tango ako. Serves him right.
"Where's my ring?" kunot-noo kong pinagmasdan ang palasingsingan kong namumula. Nagawi kasi ang tingin ko sa kamay kong nakapatong sa puting higaan ko.
"Wala kang singsing noong dinala kita rito."
Unti-unting nag-sink-in ang lahat sa akin. Akala ko hindi ko nagawa iyon. Natutop ko ang labi ko. Oh my Perseians!
"Why? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Prickster. Mukhang nakita niya ang naging reaksyon ko kanina.
Humiga ulit ako. I guess I have no choice but to stay in his place. Kasalanan 'to ng mga bratinellang iyon. I can't forgive them for what they did! Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko iyon gagawin sa bahay ko.
"I'm fine. I just recall something."
"Is that ring important?" tanong ni Prickster.
Umiling ako. "It's no use now."
Kibit-balikat naman siyang tumango. "Next month will be the start of the event, are you ready?"
Napakunot ang noo ko sa narinig. Why so sudden? We have six months to ready and I think it's been two months since the announcement.
"Paanong nangyari 'yun? If I am not mistaken we still have four months to prepare. Bakit biglang next month na? Did something happen while I am unconscious?"
"Bigla na lang nagpatawag noong nakaraang araw sa PAB, so I left you here and attend the meeting. There, they announce the sudden changes of schedule. Nagreklamo ang lahat pero anong bang magagawa ni Shaina?"
Napasabunot ako sa buhok ko. Nakakagigil talaga ang Council except kay Mr. Smith at Mr. Guillen.
"May sinabi ba silang reason or anything na makakapag-enlighten sa atin?" muli kong tanong.
"The place was perfectly ready and we should be there sooner to get comfortable on the place."
I guess this month will be exhausting. We should prepare everything that can help us inside. Good thing, naiwan ko iyong binigay ni Prof. Greene sa bahay ni Prickster. He also has the data and blueprint of our motorcycle.
"Then why are we wasting our time here? Let's go to your house and prepare the things we can use."
Tumayo ako at tinanggal ang swero sa kanang kamay ko. Good thing paubos na iyong kung ano man ang tawag sa tubig na iyon. Siguro hindi na ako papagalitan.
"What did you do, Rhianna?" gulat na bulalas ni Prickster sa ginawa ko. He even held my hand to see if something bad happened to it.
Inagaw ko ang kamay ko. "I'm fine, don't over react."
"Napaka-tigas talaga ng ulo mo. Hintayin mo ako rito at kakausapin ko ang Doctor!" pagsukong aniya pero mababakas ang inis. As if may pake ako.
Nang makita ko ang isang bag doon sa tabi ay agad ko iyong tinignan. Puro damit ang laman niyon. Kumuha ako ng isang puting t-shirt, na halata namang kay Prickster iyon at nagbihis.
Iniisip ko palang na halos mahigit isang linggo akong walang ligo ay nangangati na ako.
"The Doctor gave me his appro— oh! That's my shirt?" aniya na tila nagulat pa.
Tinaasan ko siya ng kilay. Naiiling naman siyang nakangiti at tahimik na binitbit na ang backpack niyang itim. Weird!