Chapter 17

1678 Words
Nandito na kami ngayon sa labas ng PAB Arena. Maingay na ang loob dahil marami na ang naunang dumating. Inayos ko ang pagkakabitbit ko sa backpack ko. Karamihan sa nakikita kong pumapasok ay ka-edaran ko. Nang matapat ako sa entrance ay hiningi sa akin ng naka-unipormeng lalaking robot ang kamay ko kaya inabot ko iyon kahit nag-aalangan pa ako. Sinuotan niya ako ng magnetic clear bracelet. One inch ang lapad niyon at wala talagang kakulay-kulay. "Proceed." Itinuro ng katabi niyang Guar ang entrance kaya pumasok na ako. Para saan kaya itong bracelet na ito? Nagkibit-balikat na lang ako at naghanap na ng pwede kong upuan dahil gusto kong umidlip muna habang wala pang announcement. Galing pa kasi akong Lipisanpi para magpaalam kay Mr. Smith at pareho kaming ilang oras lang ang tulog. Nang may makita akong upuan sa dulo sa kaliwang banda ay agad akong pumwesto roon. Inilagay ko sa harapan ko ang backpack ko nang magsilbi iyong unan ko. "This is not a place to sleep." Agad akong napa-angat ng ulo dahil sa gulat. Nang makita kong si Prickster lang iyon ay bumalik ako sa pagkakatungo. The hell he cares. Naramdaman kong may umuuga sa braso ko kaya tinignan ko iyon. Nakatulog pala ako agad at mag-i-start na ang event. Umayos ako ng upo at humarap sa stage. "Himbing ng tulog mo, humihilik ka pa," bulong ni Prickster. Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko. Did I really snore? Damn it. Hindi ko na lang siya pinansin at pilit tinatago ang pagkapahiya. Lumabas na si Shaina mula sa kanang bahagi ng stage. Diretso ang lakad niya at posturang-postura. What should I expect? Isa siyang robot. "Good day Perseians! Greetings of goodluck to all of you from the Councils. Are you ready to conquer?" aniya. Walang gumawa ng ingay, walang sumagot. Ngumiti si Shaina at muling nag salita. "Brace yourselves!" Pumalakpak siya ng tatlong beses at umikot ng isang beses. Napahawak ako sa upuan ko nang biglang gumalaw iyon para kaming malalaglag sa kawalan. Ang iba ay sumisigaw dahil sa matinding pagkagulat. Patayo na sana ako ng biglang may pumulupot sa bewang ko at tuluyan ng bumulusok pababa ang kinauupuan namin. Shit. What is happening? Nang imulat ko ang mata ko ay parang kaming nasa isang tube. Half lang glass tube at tila purong stainless na ang kalahati. Namangha ako sa nakikita. What is this place? May bilog na maliliit ang nanggagaling sa harapan ng sinasakyan namin. Kulay asul iyon pero hindi solid ang kulay. Gradient ang dating niya dahil sa malayo ay purong blue nakikita habang clear naman sa labas ng salamin. Nag-ingay na ang marami sa amin dahil bago ito sa paningin namin. Hindi nga namin alam kung anong tawag sa nakikita namin. "That's a water. Masyado lang marami kaya hindi mo kilala." Ngumisi si Prickster at iniharap sa akin ang palad niyang iniilawan niya ng UV light kaya lumabas doon ang nakasulat. "It's called SEA/OCEAN, its not drinkable. Its to salty." Oh. I want to know more! I mouthed thank you and let my eyes satiate on the view. "Kung grinab mo sana ang inaalok ko, you won't be like that." Pang-asar siyang tumawa at inayos ang pagkakasandal sa upuan. I rolled my eyes at him. "Whatever!" Though, I really regreted it. Napaka-inosente ko tuloy sa maraming bagay. At exacly forty minutes muling lumakas ang galaw ng sinasakyan namin. Ang kaninang asul na tanawin ay unti-unting dumilim hanggang sa wala na kaming makita. Kung kanina ay smooth ang takbo ngayon ay para na kaming nakasakay sa tren. "Anong nangyari? Where are we going ba kasi?" Narinig kong reklamo ng nasa harapan. Kaniya-kaniya na silang tanong na wala namang sumasagot. Maging ako ay hindi ko alam ang sagot sa mga tanong nila dahil marami rin akong sariling katanungan. Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyan nang huminto ang sinasakyan namin. Nawala na rin ang belt na pumipigil sa aming tumayo. Bumukas rin ang isang pinto sa harapan at sa likuran ko. Wala kaming makitang liwanag kaya nanatili kami sa upuan namin. Nagpapakiramdaman. Maya-maya'y may tunog ng sapatos ang pumasok. Nagkaroon ng linya ang gitnang bahagi ng lugar at violet color iyon. Sapat na iyon para makita namin ang daan papalabas. Una akong tumayo dahil ako rin naman ang nasa pinakahuli. Sinundan ko lang ang linya habang nasa likuran ko si Prickster. "Be careful." Hawak ni Prickster ang bag ko kaya hindi ako tuluyang nahulog. Malay ko bang kailangan pa pala ng hagdan sa pagbaba. Naputol kasi bigla ang ilaw na sinusundan ko. Nasa kaliwa pa ang hagdan at wala sa gitna. Nang makababa na ang lahat ay biglang lumiwanag ang paligid. Nakatayo kami sa isang malawak na lugar. Iba't ibang uri ang mga sasakyang nasa kaliwang banda namin. I think that's junk cars na ididispose na nila. May kadiliman ang paligid kaya nangingibabaw ang mga makukulay na ilaw. "This place is a real fantasy!" I blurted out. Hanggang sa pagtingala mo ay mayroong mga lumilipad na camera. Mas civilize dito. Para lang kaming nasa loob ng virtual game, ang kaibahan totoo ito. Halos lahat ng mga struktura na naabot ng aming mata ay puro makukulay. This world is indeed amazing less the fact that it is also dangerous. Pare-pareho kaming napatingin sa kanang braso namin kung saan inilagay ang bracelet kanina nang makaramdam ako doon ng kakaibang init. "Wow! This is cool, this is cool!" sigaw ng isang freshmen. Tila naging portable computer iyon at sa harapan namin mismo pumuwesto. Kaniya-kaniya naming inilapag iyon sa semetadong sahig. Ang iba ay naupo na lang din doon. "Can you guess how to turn it back on being a bracelet?" tanong ko kay Prickster. "No idea." Nagkibit-balikat siya at tinignan ang computer. How can we operate this? Sinubukan kong tumingin sa braso ko. Baka mayroong control eh. And there I saw the little faded icons. I tap the laptop icon and the computer in front of me became laptop. Amazing! I tried it again pero this time tablet naman. "Cool. Let me try it too!" Napatingin ako sa nagsalita. Lahat pala sila ay pinapanood ang ginagawa ko. May ibang nagpapaturo sa katabi hanggang sa lahat ay nakatayo na ulit at bitbit ang isang tablet. "That's my girl!" Sinuntok ko ang braso ni Prickster. Girl niya mukha niya. I was about to speak nang biglang umilaw ang hawak namin at lumabas doon ang isang imahe ng hindi namin kilalang babae. "Welcome to VCM, Conquerors." Sumabog ang iba't ibang kulay sa taas namin, na labis na ikinatuwa ng mga kasama ko. Sino ba naman ang hindi? Bago ang lahat sa paningin namin. Kung wala lang akong background sa mga nangyayari ay siguradong kasama ako sa humahanga ngayon. "I am Lauriel, your assistant for the whole session. I will be your guide on the first round until you memorize the things you need to learn. In phase 2, 3 and 4, everyone will do it by themselves without my help. Unless it is important." Napatingala ako nang may tumapat sa aking camera na kanina lang ay nasa itaas. If I am not mistaken it is a sensor machine. Sinubukan kong umiwas pero sumusunod iyon. Nakita kong ganoon din ang nangyayari sa iba pang estudyante. Naging dalawa ang screen na nagmumula sa tablet ko. Ang isa ay hitsura ni Lauriel at ang isa naman ay isang personal information data. Dahil sa dilim ng paligid nag-go-glow ang hologram sa hawak namin. Hindi iyon katulad ng lagi kong nakikitang kulay green dahil ngayon ay kulay violet naman ang kulay niya. "Input your preferred avatar to serve as your profile and stamp in the game. By accomplishing this task you will get your first ever level which is level 1." Naramdaman ko ang dumaang init sa katawan ko nang bigla akong pailanlangan ng ilaw nang sensor machine. Binalot niyon ang buong katawan ko na tumagal ng sa tingin ko ay five minutes. I converted my scanned face as illustration. If it was serve as stamp. This is better than my real face. Crinop ko rin iyon hanggang sa ibaba ng dibdib ko. May nakita akong pen icon sa taas ng interface kaya sinubukan kong i-tap iyon. I manipulated the size of the pen and try it. Lumabas ang black ink na naka-shape kung paano ko iginuhit ang kamay ko. I tap the undo and it vanish. I write my name on my chest in cursive type. Nang satisfied na ako sa avatar ko ay sinave ko na agad iyon. "Now, after you have accomplished step 1, let us move on to the place where you can stay." Ang kaninang hologram para sa avatar namin ay napalitan ng mapa. May mga category din iyon at sa tingin ko ay nasa pinaka-center kami ng lugar. "The green covered in the map is a free space that you can occupy, while the yellow one, you need to buy it using the gold coin you will acquire on the game. The blue mark means it has been occupied by someone." Mahabang litanya ni Lauriel. "What is the meaning of the clear one?" tanong ni Prickster habang sinusubukang i-zoom ang mapa. "Good question. It is the place you can discover. That can also be converted into habitable." Tumango si Prickster at muling ibinaling ang tingin sa mapa. Para akong masisiraan ng ulo sa nangyayari. Mas marami pa kasi ang space ng clear color sa mapa kaysa sa mga may kulay. Inikot ko ang mata ko sa mga kasama ko. They're eyes tells alot of things; excitement, fear, adventure. "All your queries will be answered by your manual. Just explore that tablet you're all holding. Enjoy, Conquerors!" "What should we do now?" tanong ko kay Prickster bago humarap sa kaniya. "Magpahinga muna tayo. Reserve your energy," aniya. Binitbit niya na ang bag niya at tumingin sa akin. "Let's go." Kaniya-kaniyang inilabas ng mga kasama ko ang kanilang mga skateboard. Nakatayo lang sila roon, nagpapakiramdaman pa yata kung sino ang mauuna. Inilabas ko ang hoverboard ko at sumakay roon. Pinangunahan ko na ang punta sa area'ng pwede namin pwestuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD