Chapter 18

1500 Words
Prickster was arranging our space. He made a little tent using our blanket which we are lucky to have in our storage. Samantalang ako hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. I couldn't even know how to explain this place. All I can see is darkness with some little neon colors. A place dumping ground for junk cars, their rusted frames were scattered down, dozens of drones flying with their mechanical eyes that settled to watch us and the surroundings. This is most like an abandoned place. “I don’t like the vibes of this place.” Umupo si Prickster sa tabi ko. Maingay ang paligid dahil sa mga kapwa namin Perseians na patuloy pa rin ang pagpapalitan ng ideya tungkol sa mga nangyari. Ang iba’y tulala sa isang gilid habang ang iba ay nagsisimula nang kalikutin ang kanilang mga hologram tablet. “Bukas kailangan natin ng mas maayos na pahingahan. Hindi rin maganda pakiramdam ko sa lugar.” Tumango ako at bumuntong hininga. Sementado ang lugar pero magaspang iyon ang ilan pa nga ay may bitak na. Tumayo ako at lumipat sa ginawa ni Prickster. Ang isang kumot ay nasa lapag habag sa gitna ay isang mahabang stainless steel na bilog. Kung saan man galing iyon ay hindi ko alam. Sinusuportan nito ang isa pang kumot na siyang naging pantakip naman sa mga dose-dosenang drone. Agad naman siyang sumunod sa akin at humiga sa tabi ko. Kalahating metro din ang layo niya sa akin pareho kaming nakatingin sa kulay itim na kumot. “Go sleep. I’ll watch.” Hindi na ako sumagot pa at agad pumikit. Hindi ko alam kung makakatulog ako pero gusto ko na lang munang ipahinga ang isip ko. There’s a lot of events happening in the past days and they are so fast. “Paano ka nakakatulog nang mahimbing sa ganitong sitwasyon?” Agad akong napabalikwas nang bangon sa narinig. Madilim pa rin ang paligid. Walang nagbago maliban sa ingay ng mga Perseians na kasama namin. “Ilang oras akong tulog?” tanong ko. “More than 6 hours.” What? Ganoon ako katagal na nakatulog? Naihilamos ko ang dalawang palad sa mukha ko. This is not me. “Oh!” Pasimple akong tumalikod sa kaniya. “How about you? Didn’t try to sleep?” tanong ko. Umiling naman siya at nag-stretch ng kaniyang mga braso. “Nangawit ako may umunan kasi sa braso ko, kawawa naman mukha kasing pagod na pagod kaya hinayaan ko na muna.” Ngumiti siya ng malawak at nagtaas-baba ang kilay na tila inaasar siya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Seriously? Agad akong bumangon at lumabas. Madilim man ang paligid at kalat-kalat na ang mga Perseians na kasama ko rito ay ramdam ko pa rin na may nakatingin sa akin ng masama mula sa malayo. Hindi ko lang talaga maaninag kung saan banda. Bumalik ako sa pansamantalang pwesto namin ni Prickster at naroon siya mahimbing nang natutulog. Dahan-dahan akong lumapit sa bag ko. Agad kong kinuha ang contact lenses ko at sinuot. Muli akong lumabas at mula sa kaliwang banda ko nakita ko ang pwesto nina Clarissa. Ang mga mata niya ay nakatingin sa pwesto namin at malalim ang paghinga. Mahahalata mo sa expression niyang galit na galit siya. Natatawa akong nag stretch nang katawan ko. Pagtaas ko pa lang ng mga braso ko ay nagtunugan agad iyon. “Satisfying!” Gamit ang hoverboard ko ay agad ko iyong pinaandar kung saan man ako pupunta ay hindi ko alam. Palapit ako nang palapit sa tambakan ng mga sirang sasakyan. Mas lumapit pa ako rito at doon ko lang napagtantong napakarami niyon. May iilan ding kagamitan tulad nang motor ni Dr. Smith. Patuloy lang ako sa pag-inspeksyon nang mga naroon nang may makita akong parang pinto. Mas lumapit pa ako para siguraduhin iyon. Tama nga ako pero parang may pwersa na nanggagaling sa loob. Mababa lang din ang taas niyon dahil hanggang bewang ko lang. Nang hahawakan ko na ang kinakawang na bilog ay siya namang pangingibabaw ng tunog sa paligid. “Perseian’s conquerors immediately proceed to the centre.” Lumitaw ang isang tila mapa sa relong suot namin. Naroon ang isang kulay pulang dot habang ako naman ay ang nagsilbing kulay asul. Malapit lang ako sa sinasabing centre kaya naman sinulyapan ko na lang ang pinto bago umalis. I need to go back here later. Dito lang pala sa mismong pinaglabasan namin noong bago lang kami rito. Ako ang unang dumating pero wala pang isang minuto ay nakatumpok na ang mga kasama ko. “Where have you been?” Napalingon ako sa katabi ko. It’s Prickster. “Umikot lang. Mamaya may ipapakita ako sa ‘yo.” Tumango siya at humarap na rin sa bakanteng mismong pinaglanding-an nang tube transportation namin. Pero ang nakakapagtaka may border na sa mismong loob. Are we late? Kulay pula na laser ang nagsilbing harang niyon at sa tingin ko ay hindi lang isang hectare ang loob. Sobrang luwang niyon at wala na rin ang iba’t ibang machine na nasa itaas niyon. Lumabas ang hologram ni Lauriel at ng dalawa pang hindi ko kilala sa gitna ng lugar na protektado ng laser. Pumitik ang lalaking kasama ni Lauriel at nawala ang harang, mas malinaw na namin silang nakikita ngayon dahil triple ang taas at laki nila sa amin. “Now we have an important announcement for you all.” This time ang hindi kilalang lalaki ang nagsalita may kulay puting tabing ang kanang mata niya. Si Lauriel lang ang babae sa kanila at nasa gitna pa. “I’m Hirosh the co-creator of this world,” pagpapakilala niya . Napatingin ako sa isa pa na kanina pa tahimik. Nakatingin siya sa akin dahilan ng pagkalabog ng dibdib ko. Kung kay Hirosh ay puti siya naman ay itim at nasa kaliwang banda. Para saan iyon? “I’m Revant the creator of this world.” Napaiwas ako ng tingin dahil sa akin pa rin siya nakatingin habang nagpapakilala. Alam kong nagiging assuming na ako dahil hologram lang iyon pero hindi siya katulad nong Hirosh at ni Lauriel na gumagalaw kung saan-saan ang mata. Muli akong bumaling sa kaniya at nagulat ako nang ngumiti siya ng tipid. Literal na napaawang ang labi ko. “Close your mouth, dear.” Napakurap ako ng ilang beses. Hindi boses ni Prickster ang lumabas sa transmitter ko for universe sake. “We are here to announce to you that playtime is over. This is the real start of everything.” Hirosh snapped his finger and he vanished with the Revant guy. Napakunot noo ako. Ano ang ibig sabihin nito, testing game? Lumikha ng commotion iyon at maging ako ay halos magwelga na. “The real game is about to start. Are you ready conquerors?” tanong ni Lauriel. “No!” sabay-sabay na sigaw nila at nasundan pa iyon at sunod-sunod na pagmumura. Everything became chaotic yet I calm myself and not joined them. Of course, I would love to analyze things first. “Boo! Useless robots!” “We’re not your toy!” Nanlaki ang mata ko nang may magliparan ang mga bakal at iba pang bagay sa loob na agad namang nahati ng laser na muling lumabas kasabay nang muling paglitaw na naman ng dalawa. Seryoso at walang mababakas na emosyon sa mukha ng tatlo, maging ang creator daw ng mundong ito ay naka-krus lang sa kaniyang dibdib ang kaniyang dalawang braso. Walang umaabot sa kanila, kung mayroon man ay maliit na iyon at tumatagos lang rin sa katawan nila dahil iyon ay enhance hologram lang naman. By looking at them para sila totoo but they are not. This thing is intended for higher position and group pa lang. They preserve the data of that and I am eager to learn how it works. That was one of my secret projects though not my focus now. I remain standing and ensure my lips to shut. Uwing-uwi na ako, hindi ko na maramdaman pa ang mga paa ko. Magulo dahil lahat ay nagulat sa mga pangyayari. Honestly, I find it ironic. Lumamlam ang tingin ko nang makita ang ilang mga babae na umiiyak sa isang tabi. Mababakas ang takot sa kanila. I can tell, they are a group of geeks, the genius one that can beat you in battle of mind but in physical battle they were like a toddler. Inilayo ko na lang ang tingin ko sa kanila at muling bumaling sa harapan. The guy who invade my transmitter is looking on my direction, again. And it is creeping me out. Lumapit ang tatlo palapit sa amin. Wala silang pakialam kahit na nagwawala na ang karamihan. Lauriel pushed something in front of her at para siyang baliw sa bagay na iyon but I know that there is a system that only her can see it o baka sa monitor ito ng main office nila, nagkataon lang na hindi na iyon sakop pa ng hologram. Bumungad sa amin ang mga letra at isa iyong open letter. ACMIDELU LAND
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD