Chapter 37 - The Haven Place

2192 Words
"Hira will be your guide in Archery especially crossbow and bow gun type. Everything that related in guns will be handled by her." Inilibot ko ang tingin sa kanila. They're, I think 20's, soft opening pa lang ngayon pero here they are enrolling at us. Nginitian ko ang kaharap ko. Siya ang last enrollee ngayong araw. Nagpakawala ako ng buntong hininga tsaka inilibot ang tingin sa paligid. Mga hindi pa nabubuksang gamit. Plus, kung saan-saan pa siya naka-puwesto. Hindi naman talaga ngayon ang opening kaso nasobrahan sa excited si Hira at agad ipinakalat ang flyers thru flying taptap. It is a 1 inch length and colored by silver. May sipit sila sa bandang mouth area at doon inilagay ni Hira ang folded into 1/8 flyers. Pagdating pa lang namin ng base ay may lima nang nag-aabang. Hindi ko naman sila pwedeng paalisin at sabihing hindi pa iyon ang opisyal na pagbubukas kaso hindi pwede dahil kasiraan nga raw iyon. Minsan kasi talaga ang sarap maglihim sa babaeng iyon, lalo na pag-on planning pa lang ang process dahil tiyak na magiging possible ang impossible pa para sa 'yo. "I hired some men to help us." Tumingin ako sa kaniya habang iniinspeksiyon niya ang iba't-ibang uri ng mga baril. "Roboman po?" tanong niya bago sumulyap sa akin. "My first choice but someone's volunteered. So, it is a man, with a pay of course." Dapat naman walang ganito I mean iyong uupahan pero dahil kailangan namin ma-established agad ang lahat, uupa na lang kami ng gagawa sa ibang bagay. Good thing is it's also a way of helping some. Per is important. Sa halip na sa Roboman ko ibayad ay sa kanila na lang. At least may maipangkain sila after this. Unlike those robot that needs only a battery. Una kong pinuntahan ang South. If I am not mistaken the metal that surround the place is four feet high. Aayusin muna ang loob tsaka palang ikakabit ang glass cover. Ang sahig naman ay naipaayos na kahapon pa. “You’re welcome.” I smiled at her. “Let’s take some quest tomorrow.” Tumango siya habang nakatingin kay Mr. Organizer na paikot-ikot sa loob ng hindi pa tapos na building. Ilan din ang galamay ng robot na ito. Flat lang siya pero ang dami niyang function. “Sure. I like that. Masusubukan ko na rin ang bago kong weapon.” “Nice. I’ll try my gauntlet too. Ilang beses ko ng dinala iyon ng hindi ko nagagamit eh. Maybe, tomorrow is the right time.” MAAGANG dumating sina Hira at Laira. Mabuti na lang at maagang nagising si Prickster at nakapagluto. I told him na dagdagan na iyon dahil inaasahan ko nang maagang darating si Hira. Paupo na kami para kumain nang may kumatok. “Hira, ikaw na ang magbukas ng pintuan,” utos ni Laira tsaka siya nginisian. Sinamaan naman siya ng tingin ni Hira na ngayon ay punong-puno ang bibig ng pagkain. Wala naman siyang nagawa nang taasan siya ng kilay nang isa. Tumayo siya at naglakad na papuntang pintuan. Sinundan ko lang naman siya ng tingin. “I just arrived exactly.” Napalingon ako sa nagsabi niyon. And there’s the other one. “Anong ginagawa mo rito?” “Really, Rhianna? After you invite me as Trainor, you ask me why I’m here? Of course, I will going to ask, why I am not invited on the opening yesterday.” Sumandal siya sa pintuan habang naka-cross arms. Napatingin ako kay Hira na ngayon ay nakayuko habang nilalaro ang mga daliri. Napailing naman si Prickster at hinila ang upuan sa gilid niya. Pinalipat niya roon si Jonathan upang siya ang makatabi ni Jack. “So…” Tumaas ang dalawang kilay niya sa amin. “Why am I not invited?” "Can we eat first?" tanong ni Prickster bago itinuro ang lamesa. Tumango-tango naman ang dalawang bata habang nakatingin sa akin. Mahina kong pinisil ang pisngi ni Tantan. "Sure let's eat first," ani ko rito at hinalikan sa noo. Bumaling ako kay Jack na naroon pa rin sa pinto. "You can sit there. We will explain to you what just happened." Inginuso ko ang upuan sa tabi ni Prickster. Bale napapagitnaan namin ngayon ang dalawang bata. "Wait..." Naningkit ang mata niya sa dalawang bata bago tuluyang tumingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata niyang iyon. "Bakit may bata rito?" "Well... Not all things was perfectly made. Huwag ka na magtaka." Sumubo na lang ako ng pagkain tsaka nilingon si Tantan na magana kung kumain maging si Jon. Ang cute talaga nila. Iyong mata nila parehong nangungusap, puno ng emosyon. Matangos na ilong at makapal na kilay. Pati na rin ang labi nila. Pag ito nilagyan ko ng buhok... I am hundred percent sure na maganda sila. "And... who is this beautiful lady?" aniya bago malaki ang ngiting lumapit kay Laira. "Hi Miss, I'm Jack." Inabot niya ang kamay niya. Nakita kong napangiwi si Hira kaya natatawa na lang akong napailing. "Laira." Simpleng sagot niya pero at sumubo ng pagkain. Not minding his hand. Ohhh basted! Wala siyang nagawa kundi ang umupo na lang sa tabi ni Prickster na kanina pa tahimik na kumakain. Naging tahimik ang paligid. Kaniya-kaniya kaming nakatutok sa aming kinakain. "Rhianna, did you cook this? It's good. I'll surely can't balance my diet now." Muli siyang sumubo ng spicy seafood pasta. Nakatingin lang naman kami sa kaniya. Ang bilis niyang kumain na tila para bang hindi mainit iyon. "You know what? If I were to choose between here or the outside. I will definitely choose here. Easy to earn plus we can buy things like this." Iniangat niya ang hindi ko alam kung anong bagay iyon pero ang sabi sa market ay isa iyong Squid. "Totoo 'yan! Sa katunayan, ngayon lang ako nakatikim nito at dito lang!" komento ni Hira at siya naman ang sumubo. Nagkibit balikat na lamang ako. "Then let's thank, Prickster, he treat us this" "Thanks, bro. Youl'll be the happy pill of my fat." Natawa nalang kami sa sinabi niya. Hindi ko maimagine kung paano nalang kung magkasama na ang dalawa ito. Jack will surely back to his old self again—being a fatty one. Aminin ko man o sa hindi, ito rin ang unang beses kong natikman iyon. Masyado akong nanghihinayang noon sa per kaya wala ng nakakapagtaka pa roon. Mainit siya at nagiiwan ng init na may medyong hapdi sa loob at labas ng aking labi. Pero habang kinakain ko siya hindi ko mapigilan ang kumain ng kumain. Saktong-sakto lang kasi iyong alat niya. Tipong mag-iiwan ng linamnam sa dila mo ang sabaw niyon. Kulay pula ang kulay ng sabaw niya habang ang squid naman ay kulay puti. Masarap siyang isabay sa sabaw. "So... After this, what's next?" muling tanong ni Jack. Siya lang talaga ang nag-iingay rito. Ang iba tahimik lang na kumakain. "Quest." Sabay-sabay naming sagot tsaka nagsitayuan. Oras na para magpahinga dahil mamaya. We will rock their place again. "What the h—!" Maagap na naisubo ni Prickster ang kutsara sa bibig ni Jack. "I'm sorry boys. That is foul and not suitable for you." He tapped their head at sinamaan ng tingin ni Prickster si Jack. Napailing nalang ako sa inakto ng dalawa. Seriously? Huwag mo sabihing balak na naman nilang mag-away. Lagi nalang silang ganiyan. Kinuha ko ang dalawang bata at lumabas ng kusina. Bahala siya sa buhay nila kung gusto nilang magpatayan doon. "Boys, how's your project?" tanong ko bago naupo sa sofa. "Malapit ng matapos mmy," sagot ni Jon bago umakbay kay Tantan. Kung ano ang project nila? It is something they called "virtual gear". May potential si Jonathan when it come to software. Habang si Tantan naman ay sa mga invention. Minsan ko siyang nahuli na ginagalaw ang mga gamit ko. He use his lab gown at may suot pang goggles. Hindi ko siya inistorbo. Pinanood ko lang siya. I was amazed on how he handle those electric tools. Alam niya ang mga dapat niyang gamitin. Maging ang capacity niya. Hindi niya ginalaw ang mga tools ko na hindi niya pa kayang kontrolin. Isa pa sa nakakahanga roon ay ang maayos niyang pagkakagawa. Gumawi ang tingin ko sa binili kong physical computer na nakapwesto roon sa malapit sa higaan ko. Thin and curve type ng mga monitor na iyon. 32 inches ang sukay niyon tapos dalawa pa. Ang keyboard niya hindi na physical kundi isa nalang rin iyong hologram type. Who would have thought that this kid is good at this. They are a perfect combination. Parang walang buto ang mga daliri ni Jon. Mabilis at alam na alam niya ang mga pwesto ng letra. That kid knows how to hack. I'll put a bet with it. Dahan-dahan akong umatras patalikod at nang makita ko si Prickster ay agad ko siyang sinenyasan na huwag maingay. Humakbang kami palapit sa kwarto ko dahan-dahan iyong binuksan. Ganoon pa rin ang ginagawa ng dalawa kaya hinayaan kong makita iyon ni Prickster. Katulad ng reaksyon ko ay gulat din siya at mababakas ang paghanga sa dalawa. "Good. Can we test it first bago kayo?" Ngumiti ako sa kanila at tinaas baba ko ang dalawa kong kilay. "Walang problema, mmy," sagot ni Jon. Ginulo ko ang buhok nila dahilan ng pagsimangot nila. "Ooopx sorry boys. Anong gusto niyong kainin? We have quest kaya kayo lang ang matitira dito." Umaktong nag-iisip si Tantan at napangiti ng malapad. Ang cute talaga ng ngiti ng batang 'to. Palibhasa pantay-pantay ang ngipin. "Cake!" pumapalakpak pang aniya. Naiiling namang nakangiti si Jon habang nakatingin sa kapatid. Mahal na mahal niya talaga ito. Inakbayan ko si Jon. "Ikaw anong gusto mo?" "Cake na lang din po. Ubos na rin po ang kape at gatas." Kumakamot sa batok niyang sambit. "Sige. Iyon lang ba?" tanong ko habang inilalagay ko sa notes ko ang mga ipinapabili niya. "Opo." Tumatango niyang sambit. Tumayo ako at hiwakan sila sa balikat. "Sige. Now go to my room and always remember the rules if we are not here." Mabilis naman silang sumunod. Pumasok din agad sila nang kwarto. "Labas muna ako saglit. Pagbalik ko alis na tayo." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at agad lumabas. Ibinato ko ang sa lapag ang flying hover board ko at pinatakbo sa sementong daan. Marble floor din lugar. Mas maganda rito tuwing gabi dahil sa makulay na paligid. Madalas pa nga iyong magreflect sa daan. Tahimik lang akong nagmamasid hanggang sa makarating ako sa lagi kong pinagbibilhan ng cake. Bumili ako ng dalawa at nang may makita akong kape at gatas ay bumili na rin ako kahit pa may kamahalan iyon kaysa original price niya. Family size ang binili ko. Tiyak namang di mauubos ng dalawang bata ang isa. Health concious din ang mga iyon. Takot lang nila magka-diabetes. "Hi, Miss Rhianna. See you on next week." Bati ng isang lalaki habang nakasakay sa kaniyang sakteboard. Pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya at hindi ko lang maalala. "Hey! See you." Bati ko na lang pabalik at nginitian siya. Tumalikod na ako at agad umuwi bitbit ang dalawang karton na magkapatong at isang plastic. Ilan na rin ang itinaas ng level namin. Madalas ay per na lang ang habol namin pero gayunpaman ay kailangan din naming magpataas ng level para mas tumaas ang critical hit ng bawat atake namin. Bawat gate ay napasok na rin namin. Kung hindi ako nagkakamali ilang buwan na rin kami rito. Hindi ko alam kung laro pa ba ito o ano. Hanggang ngayon wala kaming balita kung kailan kami makakalabas pa rito. At hanggang ngayon aminado akong hindi pa namin ganoong kilala ang mundong ito. There are lot of things not hindi ko pa naeencounter ever since. Those I think impossible become possible. Sana lang ay lahat iyon madaling aralin kaso hindi rin dahil sa kulang na impormasyon. Kami pa ba ang naglalaro o kami na ang pinaglalaruan? Pinapalipat na ako sa castle bagay na tinaggihan ko. Sabi ko ay hayaan lamang muna iyon doon. Kami lang ni Prickster ang may access at puwedeng pumasok doon. Unless may mas tataas pa sa amin. Feeling ko ay maraming mata sa lugar na iyon kaya hangga't maaari ay ayaw muna namin sa lugar. Hinihintay namin ang tamang oras para doon. Bukod pa roon ay masyado iyong malaki para sa amin. Kung tutuusin ay kasya na kaming lahat doon. Napatingin ako sa isang shop. May ilang grupo ang nandoon at masayang umiinom. May ilang namang kumakain at palakad-lakad. Mukhang normal lang sa kanila ang lahat. Base sa mukha nila ay parang mas magaan pa ang buhay rito. Pero hanggang kailan nga ba ito? "Para sa atin ba iyan?" tanong ni Jack af akmang kukunin. Inilayo ko kaagad iyon. "For kids." "Daya!" pagmamaktol niya. "Marunong ka naman pala magtagalog, ba't hindi ka na lang magtagalog? Tsk." Matapos kong maihatid ang cake sa kwarto ay inilagay ko naman ang isang box sa ref. "Let's go." Tumango sila at naglakad na kami papunta sa pinakamalapit na gate— ang South. Isinuot ko na ang gaunlet ko habang naglalakad. Ilang minuto lang ang lumipas nang makarating kami ng gate. The fun will start now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD