Chapter 38 - Unexplained Place

2089 Words
"Ready?" tanong ng dalawang lalaki sa kanila. Pareho na nilang kapit ang gate upang buksan iyon. iyon ang gate na ni minsan ay hindi pa nila nabubuksan. Nagkatinginan si Rhianna at Laira at parehong tumango. Binalingan nila si Hira na ngayon ay nasa kanilang likuran. Siya ang magiging backup ng dalawa dahil sa mas gamay niya ang long range attacking. Pagbukas na pagbukas palang ng gate ay agad na silang tumakbo papasok. Mabilis namang isinara ng dalawang lalaki ang gate. May kabigatan iyon kaya sila lang ang pwedeng humawak roon. "What the hell is this place?" bulalas ni Laira. Iniluhod niya ang isang tuhod sa mga nagbeberdehang zoysia grass. Nakakunot ang noo niyang hinawakan iyon. "Who knows?" Nagkibit-balikat si Rhianna habang inililibot ang tingin sa paligid. hindi ganoong kalawakan ang lugar. Kung tutuusin ay mas malaki pa ang nabili niyang lugar doon. Nagkatinginan silang lima. "I guess we have no adventure for now..." ani Rhianna bago ngumisi. "Let's check the place. Hira, check what this green thing." Ipinadyak niya ang paa upang matukoy ng babae ang itinuturo niya niya. "Sayang na naman iyang gaunlet mo," pang-aasar ni Prickster sa kaniya. Inirapan niya ang lalaki tsaka humiga sa damuhan. Inunat niya rin ang dalawang braso na may suot na armor. Maliwanag sa lugar. Kulay asul na may mumunting ulap na nagkalat ang makikita sa kalangitan bagay na minsan lang nila makita. Madalas kasi ay purong asul lamang iyon at hindi rin nila alam na ang puting nakikita nila ay isang ulap. Itinaas niya ang kaliwang kamay niya. "Look, what are those thing? I mean the white one." Sabay-sabay na nagkibit balikat ang apat. "This place is is weird but i like the air here," komento ni Jack at humiga rin. "Same feeling!" magiliw na bulalas ni Hira habang patuloy ang pagtipa sa kaniyang portable computer. Samantala, si Prickter naman ay muling tumayo matapos pagpagan ang kamay at tuhod. Iniwan niya ang apat upang maglakad-lakad. Napapalibutan ang lugar ng makapal na pader. "Weird, ito ang unang beses na purong semento ang gamit nila..." naibulong niya. "Exactly. Akala ko ako lang ang nakapansin." Naunang naglakad si Rhianna palapit sa pader. Idinaan niya roon ang gaunlet niya upaang tignan ang magiging galaw niyon. Bricks type ang pagkakatayo ng pader na iyon pero may katibayan pa rin naman. "Pero, look para pa rin siyang naalagaan. Do you think it is just a mistake?" "I think it is normal. Maliban nalang sa ibang mga bagay rito na bago sa paningin natin." Nilibot pa ni Prickster ang tingin sa paligid habang nakakunot ang kaniyang noo. Agad siyang nahampas ni Rhianna sa braso. "Aw!" "Ooops! I'm sorry. Nakalimutan kong may armor nga pala ako. Pero teka kasi!" Idinik ni Rhianna ang kamay niya sa pader. May tila lumagas na maliliit na particles na napansin naman ni Prickster. "If a Cychine, punch this wall. What do you think?" Hindi napansin ni Rhianna ang chip na dumikit sa gaunlet niya ng bitawan niya ang pader. "C'mon don't you still get it? This a safe place. Hindi nila hahayaang mapasok 'to ng mga monster na 'yon!" she exclaimed! "Pero hindi tayo sigurado. Ikaw na rin ang nagsabi na, it's just a one punch of Cychine—" "What? What about the gate? That's a good defense. Besides we can work with this. Don't you think it is not a good catch?" He let out a frustration hissed. "Do what you want, Rhianna. I'm off!" nakataas pa ang dalawang braso nito hanggang sa kaniyang dibdib na aniya bago tumalikod at iniwanan siya. Napapadyak nalang sa kaniyang tinapakan si Rhianna dala ng sobrang pagkainis. "Talaga! I'll do what I want!" Tumingala siya upang tingnan muli ang kalangitan. She then remember her camera button. Kinuhanan niya iyon ng litrato maging ang sarili niya. "Let's go to South west." Pagko-command niya. Nagsitayuan naman ang tatlo para sumunod. Busy pa rin si Hira sa kaniyang portable computer dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya na maayos iyon. Bigla kasi iyong nag-shutdown kanina nang subukan niyang hanapin ang ipinapahanap ni Hira. "Ayaw mo naman sigurong madapa na lang bigla." Ngumiti si Laira at tinapik siya sa braso. "Eh kasi naman itong portable computer ko. Ayaw ng magbukas!" nakakunot noo niyang saad. Natawa nalang si Laira sa reaksyon niya at inakbayan ito. "Ayusin natin mamaya." Tumango siya at hinabol ang dalawang lalaki na ngayon ay malayo na sa kanila dahil sa bilis ng mga itong maglakad. "Teka... Nasaan si Rhianna?" tanong ni Laira at agad napalingon. Nakita nila itong nakasunod lang sa kanila habang nakasakay sa kaniyang flying hover board. "Madaya!" sigaw ni Hira rito. Tinawanan lang naman siya ng huli at hinagisan sila ng tig-isang flying hover board o FHB. "Nice! Certified tamad ka talaga Ate!" biro ni Hira tsaka tuwang-tuwa niyang sinakyan iyon at kinontrol palipad. Ganoon din ang ginawa ni Laira. Agad silang nakasabay sa dalawang lalaki. Nang makita sila ni Jack ay agad itong nagreklamo kaya binigyan rin siya ni Rhianna at hindi pinansin si Prickster. 'Ang swerte niya naman kung bibigyan ko siya!' aniya sa kaniyang isip bago binilisan ang pagpapalipad roon. Walang nagawa si Prickster kundi ang gumamit ng motor. Sinabayan lang naman siya ni Jack hanggang sa makarating sila sa gate ng South west. "Let's stick to original plan. Kami ang mauuna ni Jack bago palang kayo." Itinuto niya si Laira at Rhianna tsaka pa lang siya tumingin kay Hira. "Back us up." "Aye, aye, Captain!" sumaludo pa na aniya. Napailing na nalang si Jack at ikinubli ang pagtawa. He find her cute. Napaka-care free lang kasi nito. Muling binuksan ng dalawang lalaki ang gate. Nang makapasok na silang lahat ay isinara nila iyon. "I can sense them. Be alert." Paalala ni Rhianna. Inikot niya ang paningin sa paligid. Para itong Lost City of Peachple pero iba ang hitsura nito sa una. "Ano naman kaya ang makikita natin dito?" tanong ni Hira habang marahang umiikot sa kinatatayuan niya. "Hide!" mariing bigkas ni Rhianna. Agad silang nagtago sa isang tila isa iyong convinient store matagal na panahon na ang nakakalipas. Punong-puno ng alikabok ang lugar. May iilan ding mga pagkain o kagamitan ang naroon. Ang apat ay agad iyong ininspeksiyon habang si Rhianna ay nakasilip lang sa bintana ng lugar. Nakakunot ang noo niya at pilit pinapakinggan ang paligid. Kanina kasi ay nakarinig siya ng yapak kaya pinatago niya ang mga kasama. Nanlaki ang mata niya nang makita ang magiging kalaban nila. Mabilis niyang nilingon ang mga kasama niya at sinensyasan itong manahimik. Itinuro niya ang kinatatayuan ng malaking robot. Kasing taas lang niyon ang una niyang na-encounter pero hamak na mas delikado ito kaysa sa nauna. Kung dati ay nagawa niyang makatakas sa kamay nito dahil sa madulas ang buong katawan nito at gawa iyon sa stainless. Itong kaharap niya ay kabaliktaran nang nauna. Square ang katawan nito at may limang baril doon. Ang kaliwang braso nito ay isang chainsaw habang ang kanan naman ay normal lang ngunit hindi rin basta-basta. Tiyak na may katulisan ang mga bakal na iyon. "This is not fun! This is suicide!" bulalas ni Jack. "Let's just think it is fun." Tinapik siya ni Prickster sa balikat bago ito lumapit sa bintana upang pag-aralan ang makakalaban nila. "Hira, can you check what is that thing?" pakiusap ni Rhianna. "Hindi Ate. Nag-shut down kanina ang computer ko." Gulat na nilingon siya ni Rhianna. Bumaba ang tingin nito sa kaniyang braso at nilapitan. "You're cold," aniya habang hawak ang kaniyang kanang braso. "Simula nang hindi na gumagana iyan Ate." Inginuso niya ang button sa kaniyang braso. Nagkatinginan sila at agad tinignan ang consequence niyon. Inopen nila ang guidelines, rules and regulation ngunit wala roon ang hinahanap nila. "Ganito... Wala ka namang nararamdaman iba 'di ba?" tanong muli ni Rhianna. Tahimik lang naman silang pinapanood ng iba. Umiling si Hira at ngumiti. "Wala naman po. Kayang-kaya ko pang sumabak sa laban!" aniya. "Good. Now, let's settle things. That one is too big and dangerous. Hindi siya katulad ng iba dahil may pang long range siya. Now, do you have anh suggestions?" Seryoso lang silang nakatayo ngayon at naka-form as circle. Nagcross arm si Laira habang ngumunguya ng kaniyang bubble gum. "I have five different type of bomb here. From deadly to deadliest." "That's good, ano pang meron kayo?" tanong muli ni Rhianna. Napatingin siya kay Hira nang yumuko ito. "Hmm itong enhanced gun at iyong binili mo sa aking weapon dati." Pinalaki ni Hira ang itim niyang machine gun. Kung titignan iyon ay tila napakabigat nito, ngunit tila parang wala lang iyon kay Hira. "Ibinila ka niya? May I see?" tanong ni Prickter at inilahad ang kamay. Napakunot noo naman si Hira at Rhianna habang ang dalawa pa ay napangisi na lang. Wala sa sariling sumipol si Jack dahilan upang mapalinga-linga ito. "Dimw*t!" mura ni Laira at agad inihanda ang kaniyang armas at isang bomba. Agad silang lumipat ng pwesto nang makitang palapit na roon ang higanteng robot. Napansin naman agad sila nito at pinapaputukan. Kaniya-kaniya silang ilag at tago. "Hira, give me the other weapon!" bulalas ni Prickster. Nagtataka lang naman siyang tinignan nito. "D—mn! Long range attack!" matigas na aniya na agad namang nakuha ni Hira at ibinigay ang weapon niyang binili ni Rhianna. Agad iyong itinutok ni Prickster sa robot at agad kinalabit ang gatilyo niyon ngunit walang arrow na lumabas. "Hala! Sira ang portable computer ko kuya kaya wala siyang bala ngayon." Napatampal na lang silang lahat sa kanilang noo dahil sa kamalasan nila. "You know the star attack?" tanong ni Laira sa kanila. Umiling naman sila. Si Prickster ay mabilis na nagpurchase ng unlimited arrow. Bumili pa siya ng pampabilis at pampalakas ng impact para sa mga arrow na iyon. He even upgrade the weapon he is handling. "This is risky but a good technique." Nagdrawing siya ng star kinauupuan nila at ang gitna ng bituin na iyon ay isang bilog. "Ang bilog na iyan ay ang higanteng robot. The left and right below, dapat iyong pinaka-mabilis at matalino ang pupwesto roon ganoon din sa taas. Pero ang nasa itaas ang unang aatake. Susundan ng middle part attacker at ang below part attacker." Sinilip nila kung ano ang puwesto ng robot. Saktong-sakto lang sa iginuhit ni Laira. "Ganito... Laira and I will be in below part. While Pricster at the upper part. You attack and run as fast as you could on our lane dahil ihahagis namin sa kaniya ang bomba." Mabilis na paliwanag ni Rhianna. Binalingan niya ang dalawa pa. "You two. Huwag muna kayong aatake unless may signal kami." Tumango sila at naghanda na. "Go! Wait, don't forget to open your transmitter." Hiwa-hiwalay sila at patagong pumunta ng kanilang puwesto. Naghanda naman ang dalawa. "We're already in here." Magkakasabay ang boses na narinig namin. "Okay. Ready? One. Two. Three!" Tumakbo sila pasugod sa higanteng robot. Agad naman silang pinaputukan niyon. Ang tunog ng kanilang pagtakbo lang ang maririnig sa lugar. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay agad iyong nadagdagan dahil umandar na ang chainsaw na kamay ng kanilang kalaban. "Now!" Mabilis pumagilid ang dalawang babae. Masyadong malaki ang robot kaya naman mabagal din ito kung kumilos. Naunang dumating sa kanilang pwesto ang dalawang nakapwesto sa middle part— sina Jack at Hira. Nang makarating sa pwesto nila si Prickster ay agad naman inihagis ni Laira ang bomba saktong gumulong iyon sa paanan ng higanteng robot. Malakas na pagsabog ang nilikha niyon at halos magkabasag-basag ang sementadong lugar. "Run now!" sigaw ni Laira at muling tinanggal ang lock ng isa pang bomba. Medyo naaaninag niya na ang robot. Agad niya iyong ibinato rito at agad tumakbo. Sa lakas ng impact niyon ay tumilapon la rin siya malapit sa kina Rhianna. Mabilis siyang inalalayan ng mga ito muli silang tumakbo. Nagbigay ng tunog ang robot at tila umalingawngaw pa iyon. Kumaunti ang usok na pumapalibot sa robot. Huminto si Prickster sa pagtakbo. Agad siyang dumapa at isinet ang crossbow sa sixteen arrow in one attack. Agad niyang kinalabit ang gatilyo niyon. Napanganga naman sina Rhianna nang makitang umapoy iyon at higit na mabilis. "Attack!" bulalas ni Rhianna at walang pagdadalawang isip silang bumalik at umatake. Naiwan sa dating pwesto si Hira at Laira. "You okay? Iyong pinakamalakas na ba iyon?" tanong ni Hira. Umiling si Laira bago ngumisi. "Nagsimula ako sa pinakamahina." "Ano?! Ibig sabihin mas malalakas pa ang tatlo?" Nagkibit balikat lang si Laira at agad tumayo. "Let's help them."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD