Chapter 20 - Tidrachi

1230 Words
"Do you know how to use bow and arrow?" tanong ko sa katabi ko habang tuloy-tuloy ang pagpana ko sa mga bubwit. They are two feet long at may mga armas sila tulad ng dagger, axe, sickle, mace, tapos hindi lang sila 20's but they are more than 50. "Hindi rin e, baril lang ang kaya kong manipulahin. Expertise ko iyon." "It's okey we can use that as advantage. Now, open your portable computer and scan those monster. I need to know their name." Dumapa ako at nagbuga ng hangin. Nangangalay na ang braso ko pero hindi ko pwede bitiwan ang armas ko dahil sunod-sunod sila kung umatake. Marami na ang sugat niya kaya kailangan ko na rin pumunta roon. "Tidrachi - a monster that don't exceed three feet. Always carry weapons, smart but slow. They serve Cychine monster as their lord. Level nila ay type D." "Got it. Marunong ka naman siguro sa bowgun, right?" Sinulyapan ko siya saglit tsaka ko pinindot ang button to transform it into bowgun. "Mas kaya kong kontrolin kaysa sa humila ng string." "Good. Give me your weapon." Mabilis niyang iniabot ang arnis niya na convertible rin naman. Sadyang hindi lang siguro nila sinubukan kalikutin. "Back us up. Unlimited arrow ang laman niyan. Sure to hit them. Mahal ang isang niyan." Tumawa siya ng marahan akala niya siguro ay nagbibiro ako. Sayang ang pinambili ko ng arrow kung walang tatamaan. Tumayo na ako at tumakbo papunta sa puwesto ni Prickster. Saktong malapit na ako sa kaniya nang mapaluhod siya. Mabigat na ang nagiging paghinga niya kaya pumwesto ako sa harapan niya para harangan siya mula sa mga bubwit. "Kaya mo pa bang maglakad? I'll guard you, doon ka muna sa pwesto ko kanina." Napansin kong walang nakakalapit sa amin na bubwit. Gumawi ang tingin ko sa pinagtataguan namin kanina. Napanganga ako nang parang hindi siya ang babaeng mahiyain. Nakasilip ang isang mata niya sa telescope ng— teka, crossbow? Woah! Good thing nakataas ang itim kong mask kaya hindi niya nakita ang pag-awang ng labi ko. So, hindi siya nagsisinungaling about sa pagiging gun lover niya. Crossbow mutishot ang ginagamit niya ngayon. And I admit, she's good at long range battle. "Magbabayad nalang ako para sa arrow, Ms. Rhianna!" sigaw niya at muling sumilip sa telecopic sight na naka-puwesto sa centerpoint ng crossbow. Mukhang nag-e-enjoy siya. Pwede na kaming tumakas kung tutuusin pero pagbibigyan ko muna siya. Dinala ko si Prickster doon. "Ano? Hindi ka nasugatan ng higanteng robot noon pero ngayon kaya kang patayin ng mga bubwit na iyon." Turo ko sa mga bubwit na tidrachi. Hindi siya sumagot at pumikit lang. Inayos ko ang pagkakasandal niya at kinapa ang bulsa niya. Buti naman at hindi niya kinakalimutan iyon. Dudukutin ko na ng may hunawak sa kamay ko upang pigilan iyon. "Don't tease me..." Nanghihina niyang bulong. Napairap nalang ako sa sinambit niya. Hindi pa rin pala nakaka-move-on ang taong ito. "Sabihin mo lang kung gusto mo pang makagat ng mga bubwit, willing naman akong ibigay ka sa kanila." Narinig kong humagikgik iyong isa kaya tinignan ko siya ng masama. Nagpiece sing naman siya at tumutok ulit sa ginagawa niya. Tinapik ko ang kamay ni Prickster at mabilis na kinuha ang Healing Wound style jolen sa loob ng bulsa niya. Transparent ang bilog niyon pero sa gitna ang nagfa-function talaga. Kinuha ko na iyon saka ginamit sa mga sugat niya. At least ngayon hindi na siya mawawalan ng dugo. The best thing he have is this. Sa susunod magpapasubsob na rin ako sahig para magkaroon ng mga ganito kagandang treasure. "Ms. Rhianna, sa tingin ko hindi sila nauubos." Napatingin ako sa kaniya at inginuso niya ang likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon at halos mapaatras ako sa nakita. Namatay ba talaga sila? Kung type D palang nakamamatay na, how much more pagmas mataas na ang level? Ginamit kong suporta sa pagtayo ang arnis niya. Namamanhid ang tuhod. Tinignan ko hawak kong arnis. Sakto lang ang gaan at bigat niyon. Pinindot ko ang button na nasa dulo ang pwesto. Gumalaw iyon at nalaglag ang isang spiked chain. Ang isa pang arnis ay pinag-transform ko rin at naging rapier iyon. Para siyang sword pero mas manipis ito mula puluhan hanggang dulo ng talim. Sa tingin ko ay magkasing haba lang din sila. "This is not comfortable!" Komento ko sa dalawang armas na hawak ko. Muli kong binago ang spiked chain into rapier. Inunat ko ang braso ko tsaka inikot ang rapier sword. "Cool." "Goodluck, Ms. Rhianna. Nasa likod mo lang ako." Nakangiti siyang sumaludo at bumalik sa pwesto. Tumakbo na ako palapit sa mga bubwit. Sa lahat ng armas na kinasanayan ko, ang double sword ang pinaka-gusto kong makuha. Pero dahil si Dad na Tito ko pala talaga ang trainor ko, hindi niya ako pinagbigyan not until I perfect the proper use of other weapon. "The purpose of this training is for you to save yourself from danger. Time will come war will again open. By that time, I won't worry about you anymore." I ask him before kung bakit iyon ang mga itinuturo niya sa akin kaysa sa mga mas magaganda pa at mas malakas kaysa doon tulad ng Nebula 11 and other enhanced gun na mas triple ang lakas kaysa sa mga sword, arrows niya na dekada na ang tanda at hindi na sumasabay sa uso. "Ms. Rhianna!" Inangat ko ang kaliwang kamay ko at doon bumagsak ang isang bubwit. Muli akong tumakbo palapit and I never thought na makakaramdam ako ng satisfying sa ginagawa ko. I keep on slashing and performing some basic steps that I learned from Mommy Tita. Glisser, nagslide ako pakaliwa upang iwasan ang tatlong sabay-sabay sanang susugod. Plier, I bend backward when an arrow go to my direction. Phew, akala ko hindi na ako marunong magbending. Tourner, mabilis ang naging pag-ikot ko palapit sa kanila. Ang pagbangga ng katawan nila ang nararamdaman ko dahil ipinikit ko ang mata ko. Ulit-ulit na step lang ang ginawa ko glisser, plier, tourner, even relever and sauter kung saan tumatalon ako para hindi maputulan ng paa. Maliliit ang kalaban ko kaya kulang nalang ay umupo nalang ako at hintayin silang lumapit pero hindi ko pwedeng gawin dahil matalino ang mga bubwit. Madalas silang magpatong-patong para maging kasing taas ko and hell, ang galing nila sa balancing. Isang tornado turn pa ang ginawa ko at may malambot na bagay ang tinamaan ng rapier ko na hawak ng kaliwang kamay. Nagmulat ako ng mata at tinignan kung ano iyon. 'Rawr!' Naramdaman ko nalang na lumilipad ang katawan ko palayo sa malaking halimaw. That would be the Cychine. Tumama ang likod ko sa matigas na bagay. Napaigik ako sa sakit at napaubo ng dugo. "Ms.Rhianna!" May tumapik-tapik sa mukha ko. Nagmulat ako ng mata at sobrang nanlalabo iyon. "Don't leave the weapon. Bumalik ka roon. I'm okay." Pinilit kong bumangon at sumandal pansamantala sa malaking not defined shape na semento katulad ng pinagtataguan namin kanina. Napatingin ako sa Cychine. Hinugot niya ang rapier ko na tumama sa bandang puson niya. Sakto sa butas ng suot niyang weapon. Napakunot noo ako nang may magspark doon. A wire. May mainit na likido ang umagos sa pisngi ko. Kinapa ko iyon para makita. Dugo na naman. Tuluyan ng nandilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD