Chapter 21 - Cychine

1030 Words
Walang malay si Prickster. Tuluyan ng nakatulog ang lalaki dahil sa sobrang pagod na nararamdaman. Enjoy na enjoy naman ang isang babaeng kanina lang ay takot na takot pero ngayon siya na ang nakakatakot dahil tila na sa isang assassination class siya. Napansin niyang ready na si Rhianna kaya pansamantala siyang huminto. "Goodluck, Ms. Rhianna. Nasa likod mo lang ako." Nakangiti siyang sumaludo at bumalik sa pwesto dahil may papasugod na namang Tidrachi. Napahinto siya sa ginagawa niya nang makitang tumakbo pasugod si Rhianna. Para siyang nasa isang ballet class. Saktong-sakto sa kaniya ang bansag na Swan Princess sa village area nila o kahit noong nasa Perse Academia Building pa sila. Napakunot noo ang babae at agad pumuwesto nang makitang tila wala sa sarili si Rhianna. Natataranta siya sa maaaring mangyari. "Ms. Rhianna!" sigaw niya. Agad namang nasalag ng babae ang papasugod sa kaniya. Napabuga ng hangin ang babae. "Akala ko wala siya sa sarili. Ang galing niya talaga at ang bait pa." Hinayaan niya na ulit si Rhianna. Alam na nito ang ginagawa. Pansamantala niyang ni-relax ang mga daliri niya dahil medyo nangangalay na iyon. "Wahhh! Bakit ka ba nakapikit may higante na sa harap mo e!" Sinubukan niyang puntiryahin ang Cychine. At halos mahigit niya ang hininga nang muntik ng tamaan si Rhianna, mabuti nalang ay naiwasan niya iyon. Huli na ang lahat nang bumaon ang armas ni Rhianna saktong-sakto sa butas ng baluti ng Cychine. Tumama iyon sa wire, dahilan nang malakas na pagsigaw ng Makinang halimaw. Natulala nalang siya nang makita si Rhianna na lumipad sa ere at pabagsak na tumama sa bato. Mabilis niyang iniwan ang pwesto at tumakbo sa babae. "Ms. Rhianna!" Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. Nagmulat naman ng mata si Rhianna. "Don't leave the weapon. Bumalik ka roon. I'm fine." Ayaw man ay wala siyang ibang nagawa dahil pasugod na naman ang mga Tidrachi. "Ms. Rhianna, gumising ka. Woy, Mr. Guillen. Ano ba 'wag niyo akong tulugan! Ang laki-laki niyan oh. Anong laban ko diyan? Nyemas namang buhay ito oh!" Pumapadyak sa lupang muling itinuon ni Hira ang atensyon sa mga halimaw. Paiyak na siya dahil sa tarantang nararamdaman. Hawak niya na naman ang gatilyo. Ang kaniyang kanang mata ay nakapikit habang sumisilip sa telecopic sight. Taranta, takot, salo-salong pakiramdam ang nagpapahilo sa kaniya. Patuloy lang ang pagkalabit niya ngunit hindi na iyon asintado hindi kagaya nang una. Siya na ang puntirya nila kaya agad niyang binuhat ang armas na gamit niya at tumakbo palayo sa lugar. Laking pasalamat niya ngayon sa suot niyang dark blue skirt, na kagagawan ng kaniyang bestfriend. Tinernuhan niya iyon ng white blouse kaya mas malaya siyang nakakagalaw. Pagtago sa mga puno at pagtakbo lang ang ginagawa niya para iligtas ang sarili, pero hindi niya hinahayaang mapalayo siya sa lugar. Mabagal ang kilos ng mga Cychine pero ang alagad naman nitong sakit sa ulo ang uubos ng oras at lakas mo sa pakikipaglaban dahil sila ng sila ang makakaharap mo. Nasa mahigit limang pye ang taas ng isang Cychine. Mataba iyon at nababalutan ng armor ang katawan. May iilang bilog na butas sa iba't ibang lugar ng kaniyang suot kung saan lumusot ang rapier ni Rhianna. Ang ulo nito ay nababalutan ng baluti. Pa-slide na nagtago ang babae sa malaking bato. Nagtago siya roon at muling pinatamaan ang mga Tidrachi. Pagnagkakaroon siya nang pagkakataon ay pinupuntirya niya ang butas sa baluti ng Cychine. "Malas, malas, malas! Mas magaling sana rito si Miss Rhianna e. Nakakainis!" Bulalas niya. Tumayo siya at pagulong na umiwas. Nanlaki ang mata niya nang makita kung gaano kalalim ang hukay ng hampas ng halimaw na dapat ay oara sa kaniya. Nanginginig ang tuhod at naiiyak sa takot ay pilit siyang tumayo at tumakbo papunta sa pwesto ni Rhianna. Hinila niya ito papunta sa tabi ni Prickster. Nanginginig ang kamay niya at paulit-ulit siyang lumunok. Tinignan niya ang pagitan nila ng Cychine. Nakaluhod siya ngayon. Papalit-palit ang tingin sa arrow at sa dalawang tulog na kasama. Mabigat na ang paghinga niya at anumang oras ayon sa pakiramdam niya'y babagsak na siya. Isang mabilis na takbo ang ginawa niya pasugod sa Cychine. Nang malagpasan niya ang mga ito ay agad niyang tinignan kung sumunod ba. Napayuko siya habang ang dalawang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang tuhod. Taas-baba ang kaniya dibdib. Hinintay niya lang ang Cychine na lapitan siya habang ipinuwesto ang kamay. Ngayon niya palang susubukan ang bow and arrow. Ulit-ulit siyang umusal ng dasal. "Hindi ako pwedeng matakot. Walang magagawa ang takot ko ngayon." Paulit-ulit siyang huminga ng malalim upang maibsan ang takot na nararamdaman niya. Kinalabit niya ang gatilyo at parang slow motion ang paglipad ng mga palaso. Pumulot siya ng dalawang palaso na nalaglag sa sahig. Isa muling malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya at mabilis na tinakbo ang pagitan ng hita ng Cychine. Itinusok niya roon ang isang palasong hawak niya. Kitang-kita roon ang makins at makapal na electric wire ng makinang halimaw. Walang lingon-lingong nagpatuloy siya sa pagtakbo papunta sa dalawa. Rinig na rinig mula sa pwesto niya ang salungat na tunog ng hangin at pumuputok na tila may tumitilamsik na kuryente. Paluhod siyang humarap kay Prickster. Hinawakan niya ng mahigpit ang dulo ng palaso at pikit ang matang sinugatan ang lalaki. Tiim bagang na napamulat si Prickster. Handang-handa ng sumigaw. "Hay! Salamat." Tumayo siya palayo sa lalaki pero agad ding napaluhod dahil sa sobrang pagod. Pagapang siyang lumapit kay Rhianna at nanghihinang kinuha ang Healing Wound na nasa tabi lang ni Prickster. "U-umayos ka na k-kuya kung ayaw mong mamatay tayong tatlo dito." Utal-utal na ani ng babae habang pinapagaling si Rhianna. "Reckless humans. What now bro?" Bumungad sa harap nila si Jack. Naka-summer outfit ang lalaki, polo at short at naka-baywalk pa ng tsinelas. Napangiwi si Lira sa ayos at yabang ni Jack. Umakyat ang inis sa ulo ni Prickster at mabilis na bumangon. Hawak niya ang leeg at inikot iyon dahil nangangawit iyon. "Sakto ka lang sa oras." Bumaling si Prickster sa babaeng nagpapagaling kay Rhianna. "You rest first. Kami na muna ang bahala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD