Chapter 22 - Critical

1170 Words
Nakatayo ang dalawang lalaki, tatlong kilometro ang lapit sa pwesto ng Cychine. Ilang wiring na ang nasira rito kaya't sigurado silang mas bumagal iyon kumilos. "I'll surely wreck it's neck," sambit ni Jack. Inikot pa niya ang kamay na tila binabali talaga ang leeg ng kalaban. Napailing nalang si Prickster sa inakto ng kasama. Nakasanayan niya na ang ugali ng lalaki dahil ang totoo ay kaibigan niya rin ito. Isip bata. Matapos i-announce na ang nangyayari sa kanila ngayon ay ang siya palang totoong simula ng tunay na laban o laro ay doon niya lang din nalaman na ang babaeng walang sawang ikinukwento ni Jack ay ang babaeng kasama niya sa isang bahay— si Rhianna. "How could you rip it's head? Hindi mo nga malapitan." Pinunasan ni Prickster ang talim ng armas niya. Walang kaalam-alam ang dalawa na nakuha na nila ang atensyon ng Cychine. Patuloy lang pagyayabangan nilang dalawa. Kung paano nila nakilala si Rhianna. Nagpapaligsahan kung gaano kalalim ang alam nila tungkol sa babae. "Ilag!" Tinulak ni Prickster si Jack palayo ng pwesto nila. Pagkatumbang-pagkatumba nila ang siya namang pagbagsak sa gitna nila ang talim ng palakol ng Cychine. Sabay silang tumayo at inihanda ang kanilang mga armas. Gamit ang battle axe, sinubukan ni Jack na ipatama ito sa Cychine. Kumalansing lang iyon at ni hindi man lang nagasgasan ang pinagtamaan ng kaniyang armas. Huli na rin para makailag pa. Hinawi siya nang Cychine dahilan ng pagtilapon niya. Napaarko ang likod niya sa sakit ng kaniyang pagbagsak. "F—ing wrong decision!" aniya. Sising-sisi ang lalaki dahil nakinig siya sa usap-usapan. Heto tuloy siya may pag-asang lisanin agad ang mundo. NGIWING-NGIWI naman ang babaeng nagbabantay kay Rhianna habang pinapanood sila. Bumalik na sa normal ang paghinga niya. Hindi katulad kanina halos maputol na iyon dahil sobra siyang kinakapos. Ipinasok niya ang Healing Wound sa bulsa ni Rhianna dahil magaling na ang sugat nito. Pinaliit niya ang armas. Inilibot niya ang paningin niya nang mapansin niyang maaapakan na si Prickster ng Cychine. "Mr. Guillen!" malakas na sigaw niya. Naagaw niya ang attention ng lahat. Si Jack na malapit sa pwesto ay mabilis na hinila si Prickster. "Punk. I don't wanna see your face and body as decoration. You're too ugly for the floor." Umiiling na napangiti si Prickster. "Coming from the person who never been attractive." "Gag—!" Natawa nalang sila sa kabaliwan nila. Para silang babae pero ganoon naman talaga sila. One thing is for sure pareho silang lalaki. Pinindot ni Jack ang battle axe niya at naging ranseur iyon. Isa siyang sibat o mas tamang tawagin na pole weapon. Mahaba iyon at ang magkabilang dulo ay may spike. Buong pwersa niyang itinusok iyon sa butas ng armor sa kaliwang tagiliran ng Cychine. Nagwala ang halimaw. Muling pang inikot iyon ni Jack, dahilan ng pagkawala nang balanse ng Cychine. Umikot ito dahil sa epekto ng sira-sirang wire kung kaya't ang function na nagpapagalaw sa kaniya ay tuluyan ng nagkadeperensya. "Ahhh! My face!" nanginginig ang kamay maging ang boses na sigaw ni Jack habang tinitignan ang kamay na puno ng dugo galing sa mukha niya. Tumama ang spike roon dahil sa pag-ikot ng Cychine. Mabilis naman siyang sinambot ni Prickster nang muntik na itong matumba. Galit na galit si Jack. Binuksan niya ang portable bag niya at kinuha roon ang mga explosive bomb niya. Inabisuhan niya ang lahat na alisin ang mga tao sa Green Land at nangyari naman. Seryoso siyang tumingin kay Prickster. "Ready?" Tumango lang ang lalaki sa kaniya. Kanina pa nila pinalabas ang dalawa. Tanging ang buhay nalang nilang dalawa ang kailangan nilang iligtas. Tinanggal niya na ang pin ng granada at agad na silang tumakbo. Nasa hukihan siya at mas nauna sa kaniya ng kaunti si Prickster. Tuluyan ng sumabog ang granada at dinoble pa ang lakas niyon dahil sa makinang nakakabit sa Cychine. Sa lakas ng impact niyon ay tinulak ng malakas na pwersa ang dalawa. Lumipad si Jack at humampas ang mukha sa pader. Tuluyan ng nawalan ng malay ang lalaki. Pagapang siyang nilapitan ni Prickster. Basag ang noo at labi ni Jack. Marami rin ang gasgas sa katawan. Sinubukan bumangon ni Prickster upang madala agad sa Infirmary ang kaibigang lalaki ngunit malakas din ang impact ng pagbagsak niya kanina at ang kaniyang binti ang napuruhan. Pinilit niya ulit na makatayo. Kuyom na kuyom na ang palad niya. Tiim na tiim na rin ang bagang niya. Namumuo ang butil ng pawis niya sa noo dahil sa sobrang pagpupumilit. Pahiga siyang bumagsak at nakapag-unan pa sa tiyan ni Jack. Malakas siyang sumigaw sa frustration. Mas malaki pa ang nakaharap nila Rhianna noon sa Lost City of Peachple pero hindi sila ganoong napuruhan tulad ng nangyari sa kanila ngayon na halos lahat sila pinatulog. Nanlalabo na ang mata niya. Maging ang pag-asa niyang may tutulong sa kanila sa lugar. "Hey!" Malabo at blurred ang hitsura pero alam niyang babae iyon. Tinatapik-tapik siya nito sa pisngi. "Can you hear me?" Tinulungan siyang tumayo ng babae. "Anong ba kasing nangyari sa inyo? Pwede namang tumakas nalang!" Napangiti siya. Kilala na niya kung sino iyon. Ang babaeng laging tila walang pakialam sa paligid at nakakasalamuha. "Ms. Rhianna, si kuya Jack kailangan na agad madala sa Infirmary!" Kalmadong tumango si Rhianna at inilabas ang dalawang improvised motorbike. In-activate niya ang sakayan doon para sa dalawang pasyente. Sa likod ng magmamaneho ang puwesto niyon. Nakaupo lang naman at kailangan ay nakahawak ng maigi ang angkas pero mayroong sandalan ang likod upang iwas laglag. Mabilis silang nakarating ng Infirmary. Sinalubong sila ng mga High AI robot na nurse ng lugar. Sila na ang nagiging suki ng lugar. Hindi na siya magugulat pa kung kilala na sila sa lugar. Matiyaga silang naghintay. "Ms. Rhianna tungkol sa nangyari. Sorry po pinangunahan ako ng takot ko." Umiling si Rhianna at ngumiti. "No, you did something I didn't expect you can. Kami pa nga ang naging pabigat doon. Thank you, wait ano nga pangalan mo? I'm sorry I forgot to ask in the first place." "Hiraeth po, call me Hira or Rara nalang po Ate." "So there, thank you for protecting and saving us, Hira. We're so proud of you. May kilala akong pwede niyong maging ka-grupo. I'll guide you tulad ng pangako ko." "Thank you rin sa pagtiwala sa kakayahan ko Ate." Ngumiti siya kay Hiraeth. Nang mapansing lumabas ang Doctor ay agad siyang tumayo at sinalubong iyon. "Kamusta ang dalawa, Doc?" Mabilis niyang tanong. Tumingin ng seryoso ang Doctor sa kanila. "As of now they're still in critical condition. Vital signs are unstable and not within normal limits. Patient may be unconscious. Indicators are unfavorable. I'll visit the patient after an hour. Iwan ko muna kayo." Nanghihinang napaupo ang dalawa at napasandal sa pader. "Magiging okay din ang lahat. Magiging maayos din." "Yes Ate. Think positive po." Tumango si Rhianna at tumayo. Sabay na silang naglakad patungo sa kinalulugaran ng dalawa. They requested na pagsamahin ang dalawa para sabay nilang mabantayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD