transmitter sound almost broke her ears again. "D—mn! Don't try to end this call again, Rhianna! Don't ever try!" Humahangos at pasigaw na sabi ni Prickster. Puno iyon ng sari-saring emosyon. Unang-una na ang labis niyang pangamba sa pinasok nilang gulo. "Okey, okey, just please don't talk to much, it's breaking my ear." Pagtataray ni Rhianna. Mababanaag mo sa kaniyang boses ang pagod dahil sa sapilitang pagtakas niya mula sa kanmay ng higanteng robot. Sinubukan ulit ni Rhianna na iangat ang kaniyang sarili. Kaunti nalang ay tuluyan na siyang makakaalis sa may hawak sa kaniya. Huminga siya ng malalim tsaka ginamit muli ang kaniyang nananakit ng braso. Tila nasa isang gym siya kung saan kailangan niyang tibayan ang kaniyang pasensya dahil kung hindi ay tuluyan niya nang ikakapahamak i

