Inilinga ko ang tingin ko sa paligid. Halos lahat ay nakatingin sa amin. Pero sa kaliwang part ko nararamdaman ang strong aura. It sounds like weird but that's what I feel. Lakas loob akong lumingon sa kaliwa ko. Mula roon ay nakikita ko ang babaeng orange ang buhok na bumagay naman sa skin complexion niya dahil mas namuti siya. Napailing nalang ako nang idaan niya ang kaniyang hinlalaki pahiwa sa kaniyang leeg. Bakit nga ba nawala sa isip ko si Clarissa? Naiiling ko nalang na iniwas ang tingin ko sa kaniya at ibinalik ang tingin sa aking harap. Malapit na kami sa gate. Teka, para saan iyon? Pwede ba kami ro'n? Mabilis akong lumipat sa harap niya. Napakunot noo siya ginawa ko. Tumaas ang dalawa niyang kilay at nagsalubong iyon. Ibinulsa niya ang kaniyang kamay habang nakatitig sa ak

