"I'm sure they did this!" tiim bagang na bulalas ni Clarissa. Nandito siya ngayon sa tabi ko. Kasama naming nagtatago. Nakayakap lang naman sa akin si Tantan habang si Jonathan ay nasa kanan ko kasama si Prickster. Tuluyan na nilang nasira ang pader na pumoprotekta sa lugar. Bagay na mas pinatibay pa namin pero parang hindi lang doble ang inilakas nila. Marami na ang naexecute. Ang mga facilities ay sira-sira na. Maging ang bahay namin ni Prickster. Ramdam ko ang takot ng karamihan. Mayroon naman pilit tinatatagan ang sarili. Marami na naitumba pero hindi sila nauubos. Hindi rin kami makakilos masyado ni Prickster dahil may bata kaming pinoprotektahan. Patuloy naman ang pagtulong nina Jack, Hira, Laira maging ang double X. Good thing, maganda ang team nila kaya wala pang masyadong

