CHAPTER 2
Maka-ilang beses kong narinig ang pagtatalo ni mommy at daddy. Palagi kong naririnig na gusto niyang humiwalay ako ng bahay, mas malayo daw ay mas mabuti. Ganoon kalala ang pagkadisgusto sa akin ng ama ko.
“Send her to wherever she wanted, Alicia! Gusto niya sa America? Sige! Australia, Canada, o kahit sa ibang planeta pa kayang-kaya ko iyon basta mawala lang siya sa paningin ko!”
“Saemon, please. Bata pa ang anak ko hindi pa niya kaya na malayo sa atin!”
“Hindi ba’t iyon ang papel ni Daisy sa buhay niya?”
Hindi ko na narinig pa ang sinagot ni mommy dahil mabilis na akong lumayo sa pintuan ng kwarto nila. Hindi ko na yata kakayanin ang mga susunod na salitang maririnig ko. Halos araw-araw na silang nag-aaway dahil hindi pa rin pumapayag si mommy na umalis ako.
Bawat pagtanggi niya sa kagustuhan ng ama ko ay may kaunting ginhawa akong nadarama.
Bumagal ang paglalakad ko nang nakasalubong ko si Ely at Aciel na parehong karga ng tagapag-alaga nila. Simula nang araw na iyon ay hindi na ako nakalapit sa kanila, mas lalong hindi ko na sinubukan pa. But mommy, when daddy’s not around would ask me to play with Ely sometimes because she had to nurse Aciel, at kung si Ely naman ang nangangailangan sa kanya, pababantayan niya sa akin si Aciel. Dahil doon, naramdaman ko kahit papaano na mahal ako ng nanay ko.
Still, I can’t ignore the clear difference of how she takes care of me and my two brothers. Hindi ako nagrereklamo sa atensyong ibinibigay niya sa akin ngunit isa rin akong bata. Anak niya rin ako na nangangailangan ng kanyang pag-aalaga.
“Daisy, bakit ikaw ang nag-aalaga sa akin?” tanong ko isang araw habang sinasamahan niya kami ni Lily na maglaro sa damuhan sa bakuran ng bahay namin.
“Busy kasi ang mommy mo, Astrid.”
Lie. She’s lying. She’s obviously covering up mommy.
“Kung ganoon, bakit kaya naman niyang pagsabayin ang pag-aalaga kay Ely at Aciel tapos ako hindi?” binitawan ko ang hawak kong laruan at inabangan ang sagot niya na hindi dumating. Imbes ay niyakap niya ako.
May kaunting inggit sa puso ko tuwing nakikita ko ang ina ko kasama ang mga kapatid ko ngunit kahit ganoon ay hindi ko magawang magalit sa mga kapatid ko dahil tulad ko, inosente sila. Wala silang kasalanan.
Halos araw-araw ko pa ring naririnig ang pagtatalo ni mommy at daddy at napapagod na ako sa pakikinig nu’n. It has been like that for years, at kahit anong pilit kong pakisamahan ang daddy ay hindi ako nagtagumpay. I was already in high school pero walang nagbago. Pero ngayon, mas ramdam ko na ang talim ng salita na naririnig. Nevertheless, I was eager to be accepted and recognized by my father. So I thought to myself, I will work my way to gain it and the first thing to do is to give him what he wants.
“Mommy,” lumapit ako sa kinaroonan niya.
“Oh, Astrid, anak. Do you need anything?”
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero hindi ko nakita ang mga kapatid ko. Siguro ay napansin iyon ni mommy kaya muli siyang nagsalita.
“Your brothers are in the study. Alam mo naman, they are already in the primary school,” she tapped the seat next to her. Umupo ako sa tabi niya.
“I… want to be in New York, mommy.”
No, mommy. That’s not true. I want to stay here, with you, Ely, and Aciel. Please tell me not to go. Kumislap ang mga mata ni mommy. Hiniling ko na sana luha iyon. Luha ng dahil ayaw niyang mawalay sa kanya ang anak niya. Hiniling ko na sana sabihin niya na, hindi pwede Astrid. Dito ka lang. Hindi kita pababayaan.
At that time, I wanted her to tell me that she loves me at na kahit na anong mangyari ay hindi niya hahayaang maging mag-isa ako. Umawang ang labi niya pero walang salitang lumabas mula rito. But, her next words pierced my heart.
“S-sige, if that’s what you want. Kailan mo gusto?” hindi ko manlang naramdaman ang pagka-ayaw niya sa sinabi ko.
Bumagsak ang balikat ko at nanginig ang labi ko. “Sa… sa lalong madaling panahon, mommy.”
Naramdaman ko ang pamilyar na paninikip ng dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga. Nagbabadya na rin ang pagpatak ng mga luha ko pero pinigilan ko iyon. Hell, I’ve mastered the art of not crying in front of anyone anymore.
That same night, mommy immediately booked me a flight. I cried myself to sleep. Walang Lily sa tabi ko kaya hinayaan kong maging malaya ang mga luha ko. She is mainly the reason kung bakit madalas kong pigilan ang pag-iyak, dahil sinasabayan niya ako sa aking pagtangis and I dislike seeing tears in her face. Lily became so precious to me.
On the next day, I was read to fly. Sa isip ko ay ako lang mag-isa ang aalis pero natunaw ang puso ko nang kasabay ng paglabas ko ng pintuan ay siya ring paglabas nila ni Daisy, hila-hila ang mga bagahe nila.
“Maganda ba sa New York?” kuryuso niyang tanong.
“Hindi ko alam, Lily. This will be the first time I’m going there,” simangot ko kunwari sa kanya.
“Talaga? Kung ganoon, hindi mo pa nalilibot ang lugar na iyon? Pareho pala tayo!” she giggled. “Ang sabi ni mama ay nag-s-snow daw doon, tuloy ay nagdala ako ng maraming jacket. Ang alam ko puro bestida lang ang damit mo eh kaya kung wala kag damit pang-ginaw, pahihiramin na lang kita,” dagdag pa niya. I smiled at her.
Binalingan ko si mommy na kasalukuyang may sinasabi kay Daisy.
“Mom, can I see Ely and Aciel. For the last time… Please.”
Kitang-kita ko ang paglunok niya. Nilingon niya ang kasambahay at tinanguan ito. Mabilis naman itong umalis para kuhain ang dalawa kong kapatid. Lumapit si mommy sa akin.
“I love you, Astrid,” hinawakan niya ang buhok ko, “What I’m doing is what’s best for you. For us. Ingatan mo ang sarili mo doon, anak,” mahigpit ang yakap niya at naramdaman ko ang halik na pinatak niya sa ulo ko.
Love.
Pagmamahal bang maitatawa ito? I don’t know what part of this is what she’s referring to as ‘best’. Ang alam ko lang, they don’t want me. Growing up, she always says, “it’s okay” but never, not even once I felt okay.
“Ate!” nilingon ko ang loob ng bahay nang narinig ko ang sabay na tawag sa akin ng dalawa kong kapatid.
“Where are you going? Why do you have such big bag?” napaatras ako nang pareho nila akong sinunggaban ng yakap.
“Ate will study in a very far place,” I lied. Mariin akong pumikit nang naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. “I will be studying very hard kaya dapat kayo din ha?” kinalas ko ang mga braso nilang nakayapos sa kin.
“When are you coming back?” napatigil ako sa tanong ni Aciel.
I don’t know. Hindi ko alam kung kailan ako babalik, kung makakabalik ba ako o kung may babalikan pa ba ako. The only thing I am certain of is, babalikan ko silang dalawa.
“Hmm. I don’t know. Pero promise ni ate babalik ako. So you also have to promise me that you’ll study hard. Okay? Make mommy and daddy happy,” because I can’t do it.
Niyakap ko silang muli. Nang kumalas ako ay tinitigan ko silang mabuti, sinasaulo ang bawat detalye ng kanilang mukha. Nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha at bago pa pumatak iyon ay hinalikan ko silang dalawa sa noo. Tumalikod ako at para pumasok sa sasakyan na maghahatid sa amin sa paliparan, at kahit na anong tawag sa akin ni Ely at Aciel ay hindi ko na sila nilingon pa.
I will make you happy, daddy.
I was quiet the whole time we were on the plane and silently, Daisy has been watching my every move. Hindi ko man pisikal na ipinakita, alam kong ramdam niya ang nararamdaman kong lungkot. Tuwang-tuwa si Lily sa nagtatayugang building sa New York pero ganon na lang ang pagkabigo niya nang sinalubong kami ng mainit na hapon.
“Ano ba yan! Akala ko ba malamig dito, mama? Eh, ang init din pala dito kagaya doon sa lugar natin eh!”
Natawa ako sa naging reaksyon niya. Well, of of course, it’s summer after all. Sa pinakamatayog na building sa Queens, nandoon ang tutuluyan namin. Nalukot ang puso ko nang pumasok sa isip ko kung bakit ganoon kabilis makahanap si mommy ng titirhan namin. Perhaps, it has been set beforehand. Hinihintay na lang niya ang tiyempo kung kailan ako paaalisin, at ang tiyempong iyon ay ang oras na nagboluntaryo akong aalis.
Nung unang mga araw, malungkot. The three of us had to stay inside the house dahil wala naman kaming gagawin but later on, we decided to roam around the city and eventually, I learned to love the place because… I felt free. For the first time, I breathed. No restrictions, no screaming, no ones ignoring me here.
“Lily, ‘wag ka masyado lumayo sa amin,” bilin ni Daisy.
“Ang gara naman ng mga tao dito, Astrid. Tingnan mo ang mga suot nila oh, ang gaganda!” manghang-mangha si Lily sa mga nadadaanan naming tao. Napangiti ako sa reaksyong nakikita ko sa mukha niya. I am missing my brothers so much, but Lily here with me, fills the gap I have for being away with them.
Napalingon siya sa akin nang maramdaman niya ang paghawak ko sa kamay niya, then she smiled brightly it can light a darkest room. Sabay naming pinasok ang shop ng mga school supply. Magsisimula na kasi ang pasukan kaya kailangan na naming maghanda. Syempre hindi ako papayag na sa ibang school sya mag-eenroll. Sinunod ko ang lahat ng utos sa akin ni mommy at bilang kapalit, sinabi kong kailangang kung nasaan ako ay nandoon din si Lily.
She’s no longer my personal nanny’s daughter. She became my friend, my sister, she became a part of me. Pero syempre hindi ko maiwasan na mangulila tuwing nag-iisa ako. Naiisip ko kung kamusta na ang mga kapatid ko, ang mommy at daddy. Tumatawag naman si mommy isang beses kada linggo pero madalas ay hindi nagtatagal ng isang oras kaya tuwing marami pa akong gustong sabihin ay hindi sapat ang oras. Iniisip ko na lang ay mabuti na iyon kesa hindi. Gustuhin ko ring makita at maka-usap sina Aciel at Ely ay hindi ko rin nagagawa dahil madalas ay nasa cram school sila. Every time I remember how they looked like before I go, my chest tightens.
On my birthdays, Lily and Daisy celebrates it with me through a simple meal pero ginagawa pa rin nilan espesyal dahil hindi sila nauubusan ng sorpresa. When I turned 15, dinala nila ako sa parke. Naglatag sila ng picnic mat habang nagkalat sa lugar ang mga makukulay na lobo. Tapos noong gabi, ang parkeng maliwanag na ay mas naging maliwanag pa dahil sa mga christmas lights na pinalibot nila.
On my 16th, nagset-up kami ng table sa rooftop ng building ng condo namin. Naglagay si Lily ng maraming-maraming bulaklak sa railings tapos ay nagsaboy siya ng puting mga rosas sa sahig. Ikinalat rin niya ang mga kandila na noong gumabi ay aming sinindihan.
“Happy sweet sixteen, Astrid!” bati ni Daisy.
“Happy birthday, Astrid!” niyakap nila akong dalawa. Kinha ni Daisy ang cake na nasa mesa at noong lumapit siya sa akin ay sinindihan niya ang kandila.
“Teka lang, alam kong birthday mo pero may wish ako,” pigil ni Lily sa akin nang hihipan ko na. “Sana kahit dalawa lang kami ni mama na kasama mo, sana mapunan namin ang nararamdaman mong puwang diyan sa puso mo,” tinitigan ko siya ng matagal. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko.
“Thank you,” bulong ko. Kinalas ko ang yakap kay Lily at si Daisy naman ang hinagkan ko.
Normally, people thank their mothers for bringing them in this world. Pero paano ko magagawa iyon kung sarili kong ina, kahit batiin ako, ay hindi magawa. Niloloko ko lang ang sarili ko kapag sinabi kong hindi ako nasasaktan. Ang lamat sa relasyon namin ni mommy ay mas lalo pang lumalawak.
Kung tatanungin ako ng tao kung sino ang pinakapinasasalamatan ko, ang pangalang babanggitin ko ay kina Daisy at Lily.
Of all the birthdays I had with them, the most special one was when I turned 18.
Umaga ng araw na iyon ay pansin kong nagbubulungan si Daisy at Lily. Hindi rin sila mapakali at panay ang tingin nila sa telepono pero hindi kona sila pinansin pa sa kadahilanang busy ako sa school. Malapit na kasi akong magtapos ng senior high.
“Daisy, I am going home late kaya sana ‘wag na kayong maghanda pa ng espesyal. Marami kasi akong gagawin sa school,” paalam ko.
“Ha? Ano pang gagawin mo sa school Astrid eh tinapos na natin yung requirements ah?” nagmartsa sa harap ko si Lily. Pagod ko siyang tiningnan.
“Maghahanda ako para sa entrance exam ng International Business School na sinabi ko sa’yo hindi ba?” tumayo ako at kinuha na ang bag ko.
“Pero matagal pa iyong exam,” angal niya. Sinundan niya pa ako hanggang pintuan. Oo nga at matagal pa, pero kailangan kong maghanda. Ayaw kong magsayang ng oras. I promised myself I will make daddy accept me and be proud of m.
Hahawakan ko na sana ang door handle pero inunahan ako ni Daisy. Natigilan ako.
“Kung maaari, umuwi ka ng maaga. Magluluto ako kahit sabihin mong ayaw mo. Happy birthday, Astrid. Sana mapasaya ka namin ngayong araw,” Daisy sombed my hair. Niyakap ko siya ng mahigpit.
“Ano yan! Bakit kayo lang nagyayakapan diyan!” then I felt Lily’s arms wrapped around me.
Nang gabing iyon, tulad ng sabi ko sa kanila ay late na ako umuwi. Pagod na pagod ako kakaaral. Minamasahe ko ang batok ko nang pagpasok ko sa bahay ay ganon na lang ang pagtataka ko nang nakapatay ang lahat ng ilaw. Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko at nakitang malapit na maghating-gabi kaya siguro ay natulog na sila.
Gamit ang ilaw na nanggagaling sa cellhone ay tinahak ko ang living room para doon magpahinga sandali pero nagulat ako sa biglaang pagsindi ng ilaw at narinig ko ang mga boses na matagal kong hindi narinig.
“Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday… happy birthday to you,” sabay-sabay nilang awit. Naglakad papalapit sa akin si Ely na may hawak na cake.
“Happy birthday, ate. Make your wish!” bati ni Ely.
“Happy 18th birthday, ate!” iniabot naman sa akin ni Aciel ang hawak niyang bouquet ng pinaghalong pulang rosas at thyme. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Inakala kong panaginip iyon pero nang nang mahawakan ko ang mga mukha nila ay agad-agad ko silang binalot ng yakap.
“Ouch. I can’t breathe,” Aciel mumbled.
“Teka lang, ate yung cake baka mahulog,” pilit lumalayo si Ely pero hindi ko siya pinagbigyan. I missed them at parang ayaw ko na silang pakawalan pa.
The five of us had dinner and our table was filled with delicious meals and laughter.
“Buti pinagbigyan kayo ni daddy?” nagkatinginan si Ely at Aciel sa tanong ko.
“He doesn’t know. We just told him we are taking a quick vacation,” binagsak niya ang hawak na kubyertos. “We just came to see you. You never came home. Even when you promised,” binalot kaming lahat ng katahimikan. I don’t know what to say. Hindi ko alam kung paano nila maiintindihan nang hindi nasisira ang imahe ni mommy at daddy sa kanila. Napayuko ako.
“It’s okay. I understand, ate. I know everything,” napa-angat ako ng tingin sa kanya.
“H-huh? How?” pero imbes na sagutin ay nagkibit-balikat lamang siya.
“I’ll be in high school next year, ate. I might ask them to enroll me here,” sabat naman ni Aciel. Napa-iling ako. “You must be feeling lonely here, ate. I want to stay with you,” hearing that fro my own brother breaks my heart.
“No, Aciel. I’m okay here. Besides, Daisy and your ate Lily stays here with me. It’s sad that… you are not with me but, someday, we will live together.”
Araw-araw ay matyaga nila akong hinihintay sa condo. Kinailangan pang bumili ni Lily ng xbox para lang malibang si Aciel habang si Ely naman ay nagbabasa ng mga libro. Kapag naman nakauwi na ako ay kumakain kami sa labas, namasyal sa buong lungsod, nanuod ng sine, at kung anu-ano pa. I can say that that was the happiest time of my life. After a week, they went home.
Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil balik na naman ako sa dati but I can say I have no regrets. Isa pa, maituturing ko na ang sarili kong swerte dahil kahit papaano, pinaramdam sa akin ng mga kapatid ko na kailangan nila ako, na mahal na ako.
Because even though I was deprived of the love of my parents, my brothers never made me feel as if I was alone. Hindi rin ako pinabayaan ni Lily at Daisy. Binigyan nila ako ng aruga na higit pa sa kailangan ko.