Gavin Habang kumakain kami, unti-unti kong napansin na bumabalik ’yung kulay sa mukha ni Ysa. Hindi pa masigla—pero hindi na rin lutang. May konting buhay na ulit sa mata niya habang humihigop ng tea na ginawa ni Steven. Tapos sakto, nung medyo gumaan na— Ring. Ring. Tumunog cellphone ko. Kinuha ko agad mula sa bulsa, tapos napatingin sa screen. Lucien. “It’s Lucien,” sabi ko, dahil ramdam kong napunta sa ’kin bigla atensyon nilang lahat. “Answer it,” seryosong sabi ni Victor, walang emosyon pero may bigat. “Loudspeaker,” utos ni Kianna, parang natural na lang sa kanya maging chismosa. “Chismosa,” bulong ko, pero sinunod ko rin. Pinindot ko yung answer at nilagay sa loudspeaker. “Hello, Gavin—” Napakunot noo ko. Hindi si Lucien. Boses ni Mia. Napatitig ako sa phone na parang

