Gavin “Aysus! Huwag na, Ysa,” agad na sabi ni Kianna nang marinig niyang inalok ko si Ysabelle na i-tour ko siya sa Floresta. “Ipapahamak ka lang niyan!” Napakunot noo ko. “Tingin mo naman sa’kin?” naiiling-iling kong sagot, kunwari nasasaktan ang ego. “Ako pa talaga?” “Man-gga-gamit,” diretsong sabi niya—walang preno, walang sugarcoat. Napabuntong-hininga ako. “Wow. Ang sweet mo.” Pero bago pa ako makabawi ng asar, bigla siyang nagbago ng tono—yung boses na halatang may gustong hukayin. “By the way,” sabi ni Kianna, tumingin kay Ysa, “okay lang ba magtanong?” Napatigil ako. Alam ko na agad kung anong susunod. At ayun nga. “Paano mo nakilala si Lucien?” diretso niyang tanong. Parang may biglang nag-freeze sa hangin. Nanlaki mata ko kay Kianna at sinamaan ko siya ng tingin—huwag

