Ysabelle Cuevas (Ysa) Hindi ako nakatulog nang maayos. Hindi yung tipong puyat lang, kundi yung klase ng gising na kahit pumikit ka, naririnig mo pa rin yung boses sa voicemail—parang nag-e-echo sa loob ng ulo mo. “Vivian.” Paulit-ulit. Parang pangalan na hindi dapat sa’kin, pero sa bawat ulit, mas nagmumukhang… pamilyar. Pagmulat ko, maliwanag na sa labas. At kahit umaga na, parang may malamig pa ring humahawak sa dibdib ko. Humiga pa ako sandali, kinapa yung phone sa tabi ng unan, saka binuksan ulit yung voicemail. Hindi ko alam kung bakit ko pinapahirapan sarili ko. Baka dahil kapag pinakinggan ko ulit, baka magising yung memorya. Baka may biglang mag-click sa utak ko. Pero wala. Static lang. Boses lang. At yung pakiramdam na may taong may hawak sa pangalan ko na hindi ko

