— Hapon, break time. Lumabas si Ysabelle sa veranda, may hawak na iced tea. Umupo siya sa steps, nakatingin sa talon. Ako, sumunod—hindi agad, para hindi obvious. Nagkunwari akong may call. Pero wala naman. Umupo ako sa railings, hindi masyadong malapit. Enough distance para hindi niya maramdaman na binabantayan siya, pero enough presence para hindi siya mag-isa. “Ang ganda,” bulong niya, hindi sa’kin, kundi sa talon. “Mas maganda kapag sanay ka na,” sagot ko. Napalingon siya. “Sanay?” “Sa tahimik,” sabi ko. “Sa mga lugar na walang naninigaw.” Tahimik siya saglit. Tapos ngumiti nang maliit, pero mas genuine. “Hindi ako sanay.” “Soon,” sabi ko. Hindi ko alam bakit ko sinabi. Parang promise. Pero hindi ko naman dapat mag-promise. Humigop siya ng drink, tapos biglang nagtanong, par

