Pagbalik nila mula Moonbridge, hindi na ordinaryong hapon ang sumalubong sa Sanctuary Florest. Same sunlight. Same wind. Same ridiculously beautiful paths. Pero iba na ang galaw ng mga tao. Mas tahimik ang staff, pero mas mabilis ang paa. May mga pinto na dating bukas na ngayon ay nakasara. May mga guards na hindi halatang guards kung hindi ka sanay tumingin. May mga utility carts na biglang dumadaan sa maling oras, may mga gardeners na parang masyadong attentive sa gilid ng mga daan, at may mga ilaw sa ilang villa na maagang sinindihan kahit hindi pa dapit-hapon. Kleo noticed all of it. Naturally. Habang paakyat sila sa central ridge, sumabay siya kay Vincent. “Okay,” sabi niya, “aminin mo.” “Ano na naman?” “Na-e-enjoy mo ’to.” Vincent didn’t even slow down. “No.” “Liar.” “F

