CHAPTER SEVEN

1688 Words
Lucas Ian Anderson (Lucien) “Ang gwapo mo kasi, Mister, kaya ayan—pinagtitinginan ka,” wika ni Ysabelle, nakatingin sa akin habang sinisilip din niya ang mga bagay na pinagmasdan ko kanina. Napatingin ako sa kanya, at sa sandaling iyon, napansin ko rin ang mga mata ng iba—isang grupo ng kalalakihan na halatang hindi mapakali sa kakasunod ng tingin sa kanya. Hindi ako bulag. Hindi rin ako manhid. Nakita ko kung paano sila nagbubulungan, kung paanong halos sabay-sabay silang tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Tsk. Bakit parang gusto kong dukutin ang bawat isa sa mga mata nila? Isa-isa. Mabagal. Mabilis ko siyang hinila, hawak ang kamay niya. Hindi na ako nag-abala pang magsalita. Kung tutuusin, sino nga namang hindi papansin sa babaeng kasama ko ngayon? Oo, simple lang siya kung tingnan—walang labis na alahas, walang mamahaling make-up—ngunit napakalakas ng dating. Malinis, maaliwalas, at napakaganda. “Nagugutom na ako, Mister,” bulong ni Ysabelle, at sa sandaling iyon, mas mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Kinilabutan ako—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa hindi ko inaasahang intimacy na kusang lumalapit sa akin. “Tara, kakain muna tayo,” sabi ko, pilit na nag-iwas ng tingin sa kanya. Ayoko niyang makita kung gaano kabilis biglang tumibok ang puso ko sa mga simpleng bagay na ginagawa niya. Pero hindi siya nagpatalo. “Tara, uuwi na tayo, Mister,” sabi niya, may tampo sa tono, kaya napatingin ulit ako sa kanya. “Akala ko ba nagugutom ka na? Edi kakain muna tayo,” sagot ko, halatang nag-aalangan sa tono, pero may kasamang bahagyang ngiti na hindi ko na napigilan. “Gusto ko kasi, Mister, ‘yung dinaanan natin nung galing tayo sa hospital,” sagot niya, halos parang hiling ng bata. Naisip ko kaagad ang unang Jollibee na pinuntahan namin—simple lang, pero sa kanya, parang malaking memorya na. Napatawa ako nang mahina sa simpleng dahilan. “Meron din dito, dito na lang, okay?” tanong ko. Tumango siya at yumuko, tila biglang na-conscious. “Huwag kang yumuko,” wika ko, sabay hawak sa kanyang baba, marahang iniangat ang mukha niya paharap sa akin. “Ang ganda-ganda mo, pero lagi kang nakayuko.” Nagkatitigan kami—diretsong tingin, walang takot, walang maskara sa mga mata niya. Walang pretensyon. Masarap siyang pagmasdan sa gano’ng distansya. Masakit din, sa isang banda, kasi alam kong hindi dapat ako nahuhulog. Napahiya ako at napaiwas ng tingin, pero hindi ko pa rin binitawan ang kamay niya. Hinila ko siya patungo sa escalator, dahil puno ang elevator. Inalalayan ko siya nang marahan, siniguradong hindi siya matitisod. “Mister, bakit mo ginagawa ‘to sa akin?” mahinang tanong niya, halos pabulong, pero malinaw sa tenga ko. Halata sa boses niya ang pagkalito. Tinitigan ko siya. Nakita kong umiwas siya ng tingin, parang may kinakatakutan sa loob niya na hindi niya maipaliwanag. “Dahil magtatrabaho ka sa akin,” sagot ko, nakangisi, pilit tinatago ang ibang dahilan na ayaw kong aminin kahit sa sarili ko. “Ganun ba…” sagot niya, mas lalong bumaba ang boses. “Salamat, Lucien,” mahinang dagdag niya—halos bulong, pero sapat para marinig ko nang malinaw. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Hindi ‘yung pilit, kundi ‘yung tipikal na bihirang-bihira kong maramdaman. Nakangiti, hinila ko siya papasok sa Jollibee. “Maupo ka na doon, ako na ang o-order,” sabi ko, sabay turo sa bakanteng lamesa sa gilid. Ngumiti siya at tumango, parang kontento na sa gano’n kasimpleng bagay. Habang naglalakad siya patungo sa lamesang tinuro ko, napansin ko ang ilang batang nakaupo sa malapit. Patuloy na sumusunod ang kanilang mga mata sa bawat kilos niya—hindi sa masamang paraan, kundi parang humahanga. Hindi ko na lang pinansin; ako na ang mag-aasikaso sa order. “What would you like to order, Sir?” tanong ng babae sa counter. Napakunot ang noo ko sa hitsura niya—parang kinikiliti siya sa bawat galaw, at may padila-dila pa sa labi. Hindi ko alam kung inaakit ba niya ako o default setting lang niya ‘yon. Either way, nakaka-irita. Sinamaan ko siya ng tingin. “1 bucket of Chickenjoy, 2 large fries, 4 rice, 3 sundae, and Jolly Shake,” sagot ko, diretsong tono. Nakatingin pa rin siya sa akin, para bang hindi siya nakikinig sa mismong order. The hell. Napapailing ako sa reaksyon niya. “S-sorry, sir… ano po ulit ‘yon?” nauutal niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin bago ko muling binanggit nang dahan-dahan ang buong order. Maayos naman niyang na-type sa screen nang sa wakas ay gumana ang utak niya. “Ito, Sir. Dito po kayo,” sabi niya pagkatapos, sabay iwas ng tingin. Tumabi ako sa gilid ng counter habang hinihintay ang order, nakasandal pero alerto. Habang naghihintay, napansin ko ang mga kilos ni Ysabelle. Nakaupo siya nang tuwid, pinagmamasdan ang paligid na parang bata sa unang pagkakataon sa amusement park. May kung anong tanong sa mga mata niya, may halong saya, may konting lungkot. Para bang may naaalala siya, pero hindi niya maabot nang buo. “Bring that food,” matigas kong utos sa crew nang makita kong inilalapag na nila ang trays. Hindi na ako naghintay na tawagin pa ang number. Inabot nila sa akin ang dalawang tray, at naglakad ako papunta sa lamesa ni Ysabelle. Pero bago pa ako tuluyang makalapit, may naulinigan akong boses. “Maganda ka, miss. Gusto mo bang magmodelo sa akin?” Napalingon ako. Isang lalaki mula sa kabilang lamesa, may suot na ID at may nakasabit na camera sa leeg. Isa siya sa mga batang nakatitig kay Ysabelle kanina. Hindi na ako nagulat—pero hindi rin ako natuwa. Nasa gilid ako, hindi pa ako lumalapit, pero matamang nagmamasid sa kilos ng lalaki. Itinaas niya ang camera at itinutok kay Ysabelle, para bang wala siyang pakialam kung pumayag ba siya o hindi. “Ano, kuya? Hindi po kasi ako marunong… atsaka… ayoko ng tinututukan ako ng ganyan,” sagot ni Ysabelle, halatang naiilang at nag-umpisang takpan ang mukha niya ng mga kamay niya. “Stop that, asshole!” sigaw ko. Nanlaki ang mata niya—pati ang mga kasama niyang lalaki—nang bigla akong sumulpot sa tabi ni Ysabelle. Sa ekspresyon niya, mukhang doon niya lang napagtanto na hindi maganda ang napasukan niyang kaartehan. Hinila ko pababa ang camera niya. “Ibibigay mo o ibibigay mo,” mariin kong utos, malamig ang tono. Dahan-dahan, namumutla, ibinigay niya sa akin ang camera. Nakakabit pa sa leeg ang strap, pero hinila ko iyon nang marahan pero mariin, hanggang sa tuluyan na niyang hinubad. Kinuha ko ang camera, binuksan, at tiningnan ang laman. Puro babae. Puro kuha ng katawan. Mga anggulong halatang hindi pinayagan. Napakunot lalo ang noo ko nang makita ang isang larawan ni Ysabelle—suot ang pinili kong fitted dress, malinaw ang hubog ng katawan niya, lalo na ang tambok ng pang-upo niya. Ang mga sumunod na larawan? Iba’t ibang anggulo niya pa rin. Sinamaan ko siya ng tingin at tuluyang hinigit ang camera, para bang gusto ko nang wasakin iyon sa harap niya. Kusang hinubad ng lalaki ang ID na nakasabit sa kanya, parang alam na niya ang kasunod. “Masyado nang mahalay ‘yang pag-uugali mo,” wika ko, at hinila ko mula sa leeg niya ang ID. Tiningnan ko ang nakalagay na pangalan. Agad kong dinial ang numero ni Gavin. Mabilis niyang sinagot. “What?” bungad nito, walang ka-arte-arte. “I need you to investigate this f*****g pervert. I'm sure he has a history of cases,” sabi ko, hindi inaalis ang tingin sa lalaking kaharap ko. Ramdam ko ang pagtataka ni Ysabelle sa gilid ko, pero hindi ko pa kaya ipaliwanag sa kanya lahat. “Name?” tanong ni Gavin. Narinig ko ang bahagyang pag-klik ng keyboard sa background. Napangisi ako nang bahagya. “Jack Stone,” sagot ko. “Okay,” sagot niya, at pinatay ko na ang tawag. Tumingin ako sa lalaki, namumutla, nanginginig, halos di makapaniwala sa nangyayari. “ALIS!” sigaw ko. Agad itong umalis, halos mag-unahan pa ang mga kasama niya kanina sa paglayo. Naiwan ang camera sa kamay ko, na para bang simbolo ng lahat ng kalaswaang ginawa niya. “Sir, ito na po,” sabi ng crew na may dala pang dalawang trays ng order. “Salamat, mga kuya,” sabi ni Ysabelle, nakangiti nang maamo, parang walang nangyaring eksena ng ilang segundo lang ang nakalipas. Napangisi ako sa eksenang ‘yon—ang bilis niyang bumalik sa pagiging magaan. “Walang anuman po, Ma’am. Enjoy eating po. By the way, ang ganda niyo po,” dagdag ng isang crew, at sabay tango nilang dalawa. Sinamaan ko sila ng matalim na tingin. “May kailangan kayo?” tanong ko, halatang inis, kaya agad silang nataranta. “W-wala po, sir… s-sige, enjoy eating po,” sagot nila at dali-daling umalis, halatang nagtataka kung ano’ng mali ang sinabi nila. Bigla kong naramdaman ang malambot na kamay ni Ysabelle sa noo ko. Mabilis ko iyong hinawi, automatic na reaksyon, kaya medyo napalakas. “Aray!” sigaw niya, kaya agad kong hinawakan ang kamay niyang napunta sa lamesa. “‘I’m sorry, nagulat lang ako,” sabi ko, at marahan kong hinipan ang bahagyang namulang bahagi ng kamay niya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ‘yon—siguro para makabawi. “Okay lang, Mister. Pero ’wag kang kunot-noo diyan. Sige ka, tatanda ka kaagad,” paalala niya, nakatingin sa akin na parang siya ang mas matanda sa aming dalawa. Tsk. “Ayan, oh diba? Ang gwapo mo lalo kapag hindi nakakunot noo,” sabi niya, sabay simula ng pagkain. Isang subo ng chicken, isang kagat ng fries, parang wala na siyang iniisip na iba. Hindi ko napigilan ang ngiti ko, kahit pilit ko pa ‘tong pinipigilan. At sabay kaming kumain. Dalawang tray, isang lamesa, at sandamakmak na tahimik na emosyon sa pagitan. Hindi naman masamang mauto kahit minsan—lalo na kung ang umauto sa’yo ay ‘yung babaeng unti-unting nagiging dahilan kung bakit nagiging magaan ang mundong pinili mong pasiklabang pasanin mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD