Hindi pa sumisikat nang buo ang araw nang magising si Kleo sa tunog ng katok. Hindi malakas. Hindi marahas. Pero may isang napaka-specific na yabang sa ritmo na para bang sinasabing: Bumangon ka. May plano. Napamulat siya at napatitig sa kisame ng cliff villa three. “Tangina,” bulong niya sa sarili. “Siya ’to.” Knock. Tatlo ulit. “Lumayas ka,” sabi niya, paos pa ang boses. Sa labas, narinig niya ang mababang sagot ni Vincent. “Map room. Fifteen minutes.” Kleo napapikit nang mariin. Of course. Of course map room agad. Of course walang “good morning.” Of course parang military summons ang dating ng lahat kapag siya ang may hawak ng oras. “Ang aga,” sigaw niya pabalik. “First light.” “Hindi pa nga first light!” “Exactly.” She stared at the door. Then rolled over, covered

