Hindi ko na maalala kung ilang beses akong nagising sa gitna ng gabi. Yung klase ng gising na hindi dahil sa ingay, kundi dahil sa utak mong ayaw tumigil mag-isip. Tapos kapag pipikit ako ulit, babalik yung boses ni Lucien sa phone, yung “are you safe?” na parang tanong pero parang huli na. Babalik din yung “Baby…” ni Mia sa background, at yung biglang sikip sa dibdib ko na parang may kamay na humihila palabas ng hangin. Kaya nung sumikat yung araw, parang hindi ako nakatulog. Pero bumangon pa rin ako. Dahil kahit pagod, ayokong bumalik sa pagiging taong naghihintay lang. Nagbihis ako nang maayos—hindi yung “pang-alis,” kundi yung “pang-harap sa araw” na iniisip kong kailangan ko matutunan. Tapos nagpunta ako sa bintana. Nandoon pa rin yung talon. Ragasa. Bagsak. Parang walang

