Ysabelle Cuevas (Ysa) Nagising akong parang hindi talaga natulog. Yung mata ko, parang pinikit lang saglit—tapos pagbukas, nandun pa rin yung bigat. Hindi na ako nakapagtaka kung anong oras, kasi ramdam ko sa lamig ng hangin na madaling-araw pa lang. Yung klase ng lamig na tahimik, hindi nananakot, pero hindi rin nagpapakalimot. Huminga ako nang malalim, tapos napatingin sa phone ko sa bedside table. Hindi ko hinawakan. Parang takot akong malaman kung may bago na naman. Parang takot akong makita ulit yung pangalang hindi ko pa kayang isipin bilang akin. Vivian. Napa-upo ako sa kama, hinila ang comforter, tapos naglakad papunta sa bintana. Naka-lock na yung terrace door. Hindi ko maalala na nilock ko ’yon kagabi. Pero hindi na rin ako nagulat. Lockdown, sabi ni Victor. At sa u

