CHAPTER 102

3866 Words

Galit si Vincent. Hindi iyong tipong sumisigaw. Mas masahol. Iyong tipong kumakalma nang sobra, tapos lahat ng tao sa paligid niya alam nang may mamamalasang mali. Nakatayo si Kleo sa tapat ng pinto ng east room habang si Steven at dalawa pang trusted staff ay tahimik na kumikilos sa hallway. May isa sa dulo. May isa sa stairs. May isa pang nagche-check ng lock panel na para bang hindi sapat na may nag-iwan ng threat—kailangan pang mapahiya ang buong security system ng bahay. “Grabe,” sabi ni Kleo, pinapanood ang kilos nila. “Parang may namatay.” Vincent didn’t look at her. “Wala pa.” “Comforting.” “Not meant to be.” Si Steven yumuko nang bahagya sa floor molding, saka tumayo. “No forced entry.” “Of course,” sabi ni Kleo. “Bakit naman magiging madali kung pwede namang dramatic?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD