CHAPTER 57

2035 Words

Ysabelle Cuevas (Ysa) May bagong amoy ang umaga sa Floresta. Hindi na siya amoy “bahay ng iba.” Unti-unti na siyang nagiging amoy “routine.” Amoy kape na laging sariwa. Amoy linen na parang laging bagong laba. Amoy kahoy na hindi mabaho, kundi kalmado. At kahit pilit kong ipinapaalala sa sarili ko na pansamantala lang ako rito, may maliit na parte sa dibdib ko na nagiging… komportable. Pero komportable rin ang pinaka-mapanganib na pakiramdam. Dahil kapag nasanay ka, mas masakit kapag inalis. — Pagkatapos ng almusal, hinatid ako ni Steven sa isang maliit na study room na nasa dulo ng hallway. Hindi siya yung tipong classroom na may blackboard. Mas parang office na may isang malaking desk, dalawang silya, at isang whiteboard sa gilid na may mga marker na nakaayos per color. Sa mesa,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD