Chapter 7.1 - The New Member

1463 Words
GIN Inangat ko ang paningin ko. Hyde's Exclusive Hospital. Tama, dito nga. Umabante na ako at awtomatikong bumukas ang sliding door. Tss! Bakit ba kasi kailangang poisoned ang batuhin ni Yui doon kay Jane?! Tuloy, ako pa ang nautusan na kumuha ng antidote. Maya-maya lang ay nakarating narin ako sa destinasyon ko. Ang Emergency Room. Pagkapasok ko ay napagtanto ko na walang mga civilians sa loob kundi kaming Maja's Gang lang,mga doktor at pati narin ang mga nurse. Sabagay, magkahiwalay kasi ang E.R ng Hyde's Family. May sarili silang E.R na sadyang pinagawa para isagawa ang pag gagamot nang pribado, para walang makaalam. Tumungo ako sa stool at umupo. Nakakangalay din kasing tumayo. "Grae, musta na daw si Yui?" tanong ko kay Grae nang umupo rin siya sa tabi ko. Napalingon siya sa akin habang nakahawak sa lollipop na nasa bibig niya. Hinugot niya ang lollipop at binuka ang bibig. "Nawalan daw ng ulirat si Ate Yui dahil sa blood loss pero wala naman daw problema sa pagsalin ng dugo dahil Type AB siya. Diba Ate Gin, universal receiver ang AB? Kaya wala daw problema." paliwanag niya at sinubo ulit ang Lollipop. Napatango nalang ako. "Si Jane? Musta daw siya?" tanong ko ulit sa kaniya. Narinig ko siyang suminghal kaya napatingin ako. Hinugot niya muli ang lollipop niya sa bibig niya. "Ah, That b***h? Hmp! Ligtas daw, kasi ang binato ni Ate Yui ay low quality na poison lang kaya hindi agad kumalat. Inis nga!" parang bata niyang saad at marahas na sinubo muli ang kaniyang lollipop. "Malay mo, ginawa lang 'yun ni Yui para makakuha ng impormasyon mula kay Jane. It's possible." saad ko nalang. Maya-maya ay dumating na si Hannah. Umupo siya sa katapat namin stool habang nakatupi ang mga kamay niya sa kaniyang dibdib. Hula ko tapos na ang Blood Transfusion para kay Yui dahil nakabalik na si Hannah. Si Hannah kasi ang nagdonate ng dugo. Type O siya at pwede siyang magbigay ng kaniyang dugo sa kahit ano mang blood types dahil ang Type O ay isang universal donor. "Papasok tayo bukas ng wala si Yui at Miwa." saad niya. Tumango nalang kami bilang pagsang-ayon. "At dito na tayo matutulog. Baka kasi pag nagising 'yang si Jane, tumakas pa. Kahit na mahigpit ang seguridad ng silid na ito, mas mabuti nang nakakasiguro." dagdag niya at naglakad patungo sa isa sa mga higaan na naadnito sa silid na ito. Walong higaan ang meron dito na sakto lang saaming lahat. Dinagdagan kasi ang silid na ito ng isa pang higaan kanina para kay Jane. Tumayo na ako at tsaka sinimulan nang tumungo sa higaan ko. Ganun rin ang ginawa nina Ash pero napatigil ako nang biglaang nagsabi si Hannah. "Gin,turn off the lights." utos niya. Napasinghal ako. Padabog kong sinara ang switch ng ilaw at tsaka tumungo sa higaan ko. Bakit ba kasi 'yung higaan ko ang malapit sa ilaw?! Aish! **** HAIBARA "Oha-you-gu-zai-mas! Oha-you-gu-zai---" Ugh! Kinapa ko ang alarm clock at tsaka agaran itong binato. Aish! Pati ba naman dito sa Hospital may pesteng alarm clock?! "Ohayou guzaimasu.- (Good morning.)" bati sa akin ni Yui. Teka..Yui?! Napatingin ako agad sa kaliwang higaan na katabi ko at doon ko nakita si Yui na naka-upo na at naka-sandal sa headboard. "Okay ka na ba?" tanong ko sa kaniya. "Oo, okay na ako pero medyo kumikirot lang 'yung sugat ko sa tagiliran at ayoko narin dito sa Hospital." tugon niya na 'di manlang lumingon sa akin. Ginala ko ang paningin ko at napagtanto ko na wala na pala sina Ash, siguro pumasok na. Napansin kong gising narin si Miwa at si Jane...nakatingin lang sa kawalan. ''Jane,'' banggit k sa pangalan niya at tinitigan siya ng matalim. Halatang natakot siya pero nawala rin kalaunan ngunit bakas sa kaniyang mga mata ang labis na takot sa inasal ko. Tumayo ako mula sa higaan ko at naglakad papunta sakanya. ''Anong kailangan mo saamin?'' tanong ko agad sa kaniya pagkalapit ko. Napailing siya ng napakabilis.. "Wala! Ang Boss ko lang ang ma kailangan sa inyo!" bulyaw niya na parang pinagpipilitan niya na 'yun ang totoo. "Oh?" Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata ngnit wala pang isang minuto ay napaiwas siya agad. Tss, Liar. ''Sino ang mafia boss mo?'' saad ko na puno ng pagka-seryoso at awtoridad. Napakurap siya. "Hindi ko alam." saad niya at yumuko. Napataas ako ng kilay. Tinaas ko ang aking kamay at hinablot ang buhok niya at pwersahang hinarap sa akin. "Dare?! (Who?!) " bulyaw ko sa kaniya gamit ang nihonggo. "H-hindi ko talaga alam! Napag-utusan lang ako!" mangiyak-ngiyak niyang saad. ''Talaga?'' dagdag ko. Tumango siya. Suminghal ako at marahas na kinalas ang kamay ko sa buhok niya. Tumalikod agad ako at naglakad palayo pero tumigil ako ng kalagitnaan. ''Neither tell nor let anyone know our secret or you will face your painful death.'' pagbabanta ko sa kaniya at pumunta sa kinaroroonan ni Yui at Miwa, magkatabi lang naman yung dalawa. "Makakalabas na kayo mamaya at bahagi na si Jane ng Gang natin." saad ko at iniwan sila doon. Alam kong nagulat sila pero ito lang ang tanging paraan para hindi makatakas si Jane sa panig namin. **** JANE Anong gagawin ko? Hindi ako makakatakas dito at balikan si Boss. Baka ipagtabuyan ako ni Boss, ayoko ng ganun. "....bahagi na si Jane ng Gang natin." nagising ako sa reyalidad ng marinig ko ang katagang sinabi ni Haibara. Natulala ako. "....bahagi na si Jane ng Gang natin." "....bahagi na si Jane ng Gang natin." "....bahagi na si Jane ng Gang natin." "What?!" bulalas ko pero hindi lang ako kundi sina Yui at Miwa rin. Lumingon ako sa kanila ngunit parehas silang matalim ang tingin sa akin. Napalingon ulit ako sa direksyon ni Haibara pero wala na siya. Ugh! Bakit niya ako iniwan rito kasama ng dalawang galit pa ata saamin. Bumuntong hininga ako at sumandal sa headboard. Tumingon ako sa kisame at kinanta ang paborito kong kanta. "kowareta kurayami naiteru kimi no kage, tsumetai tobira wa ima demo tozasare." kanta ko. Ibubuka ko pa dapat ang bibig ko nang biglaang may tumuloy nang kinakanta ko. "mou modore wa shinai no? ano hibi, ano yume, ano kibou wa,kono sora ha honmono? kimagure totsuzen iro wo kaeteku." kanta ni Miwa nang susunod na linya. Lumilingon siya kay Yui habang nakanta. Napangiti nalang ako. Alam pala niya ang kanta. "koete sono kabe no mukou gawa we,kurutteyuku sekai no KAKERA ga,hagareochite kieteyukuwa DAYDREAM.'' nabigla ako nang biglaang sumingit si Yui nang natapos si Miwa at siya ang tumuloy nang kanta. Ang gaganda ng boses nila. "How did you know that song?" biglaang tanong sa akin ni Miwa. Napangiti ako at napailing. "Himitsu. (Secret.) " tugon ko. Napangiti rin siya at napailing. "Fine but your voice is good,right Yui?" papuri niay sa akin at tsaka tinanong si Yui. Napatingin ako kay Yui at tumango ito. "Then..welcome to the gang, Jane!" bulalas ni Miwa. Napakurap ako. T-tanggap nila ako?! ***** HAIBARA "Tara na?" pag-aya saamin ni Ash habang nag-aayos palang ako ng gamit. Ata masyado? "Una na kayo." saad ko. Tumango sila sa akin at umalis na. lang segundo lang ay nasara ko na ang bag ko at tsaka sumunod sa kanila. Pagdaan ko sa pasilyo ay hindi ako agaw pansin. Marahil siguro ay hindi kasi kami marami, iisa lang ako at hindi kapansin-pansin. Pagkarating ko sa Cafeteria ay hinanap ko agad sina Ash. Nagtaas ng kamay si Ash kaya nahanap ko agad sila. Naglakad ako patungo sa kanila. ''May ipapakilala ako sa inyo.'' saad ko nang makalapit ako sa kanila. Napatingin naman sila sakin habang nakakunot ang kanilang mga noo. "Just wait." dagdag ko at ngumisi. Umupo na ako at sinimulan nang hawakan ang konbyertos pero napatigil ako nang biglaang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad ito. "Doko? (Where?) " tanong nung nasa kabilang linya. "Cafeteria." maikli ko ring tugon at binaba na. Parating na sila. "Kyaah! Cephrins are here!" biglaang may tumili at sunod-sunod na hiyawan na ang narinig ko. Ugh! Ang ingay! "Ichi!" biglaang may sumigaw na mayroong matinis na boses na lumitaw kahit ang ingay-ingay ng paligid dahil sa mga hiyawan at tilian. Napalingon ako kung kanino iyon nang galing at napangisi ako. Tinaas ko naman ang aking kamay para makita nina Yui kung nasaan ako. Kalaunan ay nakalapit narin sila sa kabila nang pinagdaanan nilang pakikipagsiksikan dahil sa madla na nagfa-fangirl ata sa Cephrins. Ano bang espesyal sa kanila? Lalo na 'yung tarantadon Conan na 'yan na tinatawag pa nilang prinsipe! Tss! Nang makalapit na sina Miwa,Yui at Jane ay umupo na sila sa table namin. Bahagyang nagtaka sina Ash kung bakit andito si Jane at kasama pa namin. "Meet Jane, the new member of our gang." saad ko at ngumisi. "Nani?! /Bo?! /What?! /Ano?!" they said in chorus gamit ang iba't ibang linggwahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD