bc

Daredevil Gangsters (FILIPINO)

book_age16+
2.5K
FOLLOW
17.0K
READ
murder
dark
mafia
gangster
tragedy
twisted
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
YA Fiction Writing Contest
Writing Academy
Girlpower Revenge Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Haibara Ai Hyde, a gangster and a prisoner of her past has a deal with his Father. She needs to study at their own University in order to find her childhood sweetheart. Her gangmates joined her to face a new set of adventures and opponents beneath their disguises. As their new school year starts, they met the Cephrins Gang, the most influential students reigning on Hyde University with power and strength.

A truth intertwines them together but a lie splits them apart. Emotions are starting to linger but they're not letting it prevail. Justice will be served and criminals should pay for their sins. But what if the justice will be served in a wrong set of people? What if the criminals are the true victims? What will prevail? Love or Vengeance? Which of them will win? Pity or Revenge? What comes first? Reaction or Decision? What's the true reason? Idiocy or Deception?

"A real daredevil don't cry."

chap-preview
Free preview
Prologue
"Weak!" nagkikiskisan ang mga ngipin ko sa mga sinasabi ng Dad ko sa'kin. For pete's sake! I am not a weak kid! Dammit! Pinaikot ko ang arnis ko sa kamay ko at sinalubong ulit ang tindig niya. Naglapat ulit ang mga arnis namin pero sa huli, natutumba na naman ako sa sahig at nabibitawan ang arnis na hawak ko habang ang arnis ni Dad ay nakatutok sa leeg ko. "If only this battle is true, you're dead right now." Saad niya. Umirap ako. "I know." Tugon ko gamit ang obvious na tono. Suminghal siya. "Don't roll your eyes on me, kid." Saad niya at tinulungan akong tumayo. Tsk. Pinagpagan ko nalang ang damit ko at nakipagtitigan sa mga kulay kape niyang mga mata. My normal eyes are looked like him but my another set of eyes are not. "Let's do it again, kid. You should learn how to defeat me in this battle range." Saad niya at tinaas na naman ang arnis na hawak niya. Bumuntong hininga ako at nagsimula na naman kaming maglaban. Palagi nalang ganito. Palagi ko nalang binubuhos ang oras ko sa pag-eensayo at pag-aaral humawak ng mga armas kahit na hindi 'to tugma sa idad ko. I'm a five years old girl but then, I'm already expert to wield any weapons. Malayo. Malayong-malayo sa mga normal na mga bata na makikita mo sa tabi-tabi na naglalaro at ine-enjoy ang mga sarili nila. I find it lame though. Enjoying those shits like Ferris wheel, carousels or what. That's their playground, the amusement park. Mine is different, my playground is the battlefield. "Yui and Miwa, go in here and fight with this kid." Saad ni Dad habang dinuduro pa ako. Ang dalawang batang nakaupo malapit sa amin ay biglang tumayo at lumapit. So, they're the orphans? Sila 'yung inampon ni Dad at Mom? Ang isa, medyo shy-type at girly-girly pero 'yung isa parang kabaliktaran. Masyadong boyish 'yung isa at walang ekspresyon ang mukha niya. May hawak na agad silang arnis nung tinawag sila ni Dad. Umalis si Dad sa harapan ko at pumalit 'yung dalawang bata. Tumindig sila at naghanda. Batay sa nakikita ko, tinuruan na agad sila ni Dad ng tamang paggamit ng arnis dahil sa paraan na hinawakan nila ang arnis, parang eskperto na sila. Hinanda ko narin ang akin at sinugod silang dalawa. Isa lang ang hawak kong arnis pero nakakasabay ako sa mga galaw nilang dalawa. Pagdating sa arnis, bawal ang maniko, ang manuhod o kung ano man. Kailangan, palo, sipa, suntok. Ganu'n lang. Oo, magaling silang humawak ng arnis pero masyado pa silang mabagal. Pinaikot ko ang arnis sa kamay ko at pinalo ang braso ni Miwa. Hindi niya 'yun inaasahan at nabitawan niya ang arnis na hawak niya. Defense, mahina sila sa depensa. Napatingin naman ako kay Yui nang bigla siyang tumigil at napatingin kay Miwa. Kinuha ko ang arnis na nabitawan ni Miwa at pinaikot ito sa kaliwa kong kamay na walang hawak. Tumaas ang kilay ko nang umiling-iling si Miwa kay Yui pero iniwas lang ni Yui ang tingin niya. Bakas sa mga mata niya ang pagbabago ng sistema niya. Kung kanina, walang reaksyon ang mukha niya, ngayon bakas na sa mga mata niya ang galit. "Kono yarou. (You bastard.) " saad niya at sinugod agad ako. Kapansin-pansin ang pagbabago sa mga galaw niya. Mas naging mabalis at mas naging pulido. Hindi ko alam pero sa una, parang nahirapan akong makipagsabayan sa kaniya pero sa huli, nasa akin parin ang huling halakhak. Tinutok ko ang mga arnis sa leeg ng dalawa. "Rage can get you out of control and if you don't know how to handle it, well, I'm telling you, you're just a mindless soul whose instinct is to take revenge on the person that was the reason of your agony. Tsk, revenge is futile. Learn how to accept your flaws and lost. In that way, you would be happy." Saad ko at tinulungan silang tumayo. Ngumiti sa'kin si Miwa habang si Yui ay nakatitig lang sa'kin. Ngumisi ako. "I'm Haibara Ai Hyde. Daughter of Satoshi Hyde and Ayumi Hyde. You're my foster sisters, 'ayt? Welcome to our world. Hope you two will enjoy it." Saad ko at nakipagkamay. Tinanggap naman ng dalawa ang kamay ko. Si Miwa sa kaliwa, si Yui sa kanan. "I'm Miwa Eznich and she's Yui Frenzwech. Our surnames are just a camouflage because we don't really have one." Saad niya. Oh. "But you can use our surname right? Hyde." Pag-uuyam ko. Nagtinginan silang dalawa. "Your Dad said we should not use it because it's dangerous." Saad ni Miwa. Napapansin ko lang. Bakit si Miwa palagi ang nagsasalita? Wala bang dila 'tong si Yui? "Anyways, do you want to go out and have some fresh air? It's very tiring here, 'ayt? Teka nga, marunong ba kayong magtagalog?" tanong ko. Tumango naman silang dalawa. Napasapo ako sa noo ko. "You should've told me." Saad ko at hinatak silang dalawa palabas. Paglabas namin ng Training Room, luminga agad ako sa paligid. No maids, No Butlers, No Dad. Perfect! "Tara!" saad ko at tumalon kami sa may bintana. Naglanding kami sa isang puno. Nakita ko naman silang nakakasabay sa'kin kaya pinagpatuloy naming tumalon sa bawat puno. Nang nasa huli na kaming puno ay nauna na akong tumalon at ligtas akong nakatapak sa labas ng mansyon namin. Haha! I'm sneaking out again! "Okay lang ba tayo sa Dad mo?" tanong ni Miwa habang naglalakad kami. Hmp. "He does not care. So, where should we go?" pag-iisip ko. Tumigil si Yui at tinuro ang isang lugar. Tumingin naman agad ako doon at nakaturo siya sa Amusement Park. Tumingin ulit ako sa kaniya. Seriously? Amusement Park? Jeez, fine. Hindi pa naman ako nakakapunta doon talaga, natatanaw ko lang. Pagkarating namin doon ay umupo lang kami sa isang bench at tumanaw sa malayo. Naghalumbaba ako. Boring. Maya-maya lang ay may isang batang tumalon-talon habang naglalakad ang lumapit sa'min. "Hello! I'm Grae Ford! Have y'all seen my yaya?" tanong niya. Tinitigan ko siya ng matalim pero hindi siya nagpatinag. "Do we look like 'finding for yaya' lost and found? Psh." Yeah, I just spit nonsense. Tumabi naman 'yung batang babae kay Miwa na nasa dulo naming tatlo at nag-pout at ngumiti ulit. Ano ba 'to? May tama ba 'to? "Ash! Gin!" bulalas niya at biglang kumaripas ng takbo. Huh? Lalaki ba 'yung tinatawag niya? Sinundan ko siya ng tingin at tumatakbo siya papunta sa dalawang babaeng naglalakad na magkasama. Nakatutok sa phone 'yung isa habang 'yung isa naman ay nakain ng ice cream. "Haibara, gusto ko rin nu'n." saad ni Miwa at tinuro ang ice cream na hawak nung babae. Napatingin naman dito 'yung babae dahil sa ginawa ni Miwa. Ngumiti siya at lumapit kasama 'yung babaeng nakatutok sa phone at 'yung may tamang bata na si Grae Ford. "You want some?" tanong nung babaeng may hawak na ice cream kay Miwa.Tumango-tango naman si Miwa. Kinalabit nung babae 'yung katabi niya na nakatutok sa phone. "Gin, bili ka nga ng ice cream doon sa Ice Cream stall na dinaanan natin kanina. Isama mo narin si Grae." Saad niya at halos tinaboy 'yung dalawang babae. Marunong magtagalog pero mukhang koreana. How come na andito sa siya sa Japan? Tumabi 'yung babae na hula ko ay si Ash dahil sa Gin ang pangalan nung isang babae. Dalawang pangalan kasi ang binulaslas ni Grae kanina. Tumingin siya sa amin nina Yui. "Um, Ako pala si Natasha Wailey. And you are?" tanong niya. "Ako si Miwa. Siya si Yui at ang katabi niya na nakahalumbaba ay si Haibara." Saad ni Miwa. Okay, I let her do the talking. Napatango-tango si Ash at may bigla siyang nilabas. Isang butterfly knife. "Napulot ko 'to kanina nung papunta kami rito ng kapatid kong si Gin at ng kapitbahay naming si Grae. Hindi ko nga alam kung paano 'to gamitin pero alam ko kung ano 'to. Kamukha nga siya ng abri de lata, haha! " saad niya. Sa isang kurap ay nasa kamay ko na ang butterfly knife na hawak niya at pinaglalaruan ko na 'to. Mamahaling buttlerfly knife 'to ah! Isa 'to sa mga andoon sa display ni Dad sa salas! Dumating na sina Gin at Grae at halos lumawa na ang mga mata nila sa pagkamangha. Maging si Ash. "Wow! Ang galing! Paturo!" bulalas ni Grae kaya ako napatigil. Ngumisi ako at tumitig sa kanila. "Then follow me." Saad ko. Simula ng araw na 'yun, palagi na kaming nasa bahay at nag-eensayo ng mga armas. Minsan nga tumatakas pa sina Ash, Gin at Grae sa mga bahay nila para makapunta lang sa mansyon namin. Habang tumatagal, gumagaling narin sila at natutuwa nga si Dad dahil parang naging marami na ang anak niya sa isang iglap lang. Wala kasi ang dalawa kong kapatid dito dahil nag-aaral sa States si Ate Kumiko habang si Kuya Shuichi naman ay nasa Grade School sa Tokyo. Mas lalo naming nakilala ang isa't-isa. Nina Ash, Gin, Grae, Yui at Miwa. Naging matalik na magkakaibigan kami hanggang tumungtong na kami sa teenager years, magkakasama parin kami. May nabuo narin kaming Gang ng mga oras na 'yun dahil uso 'yun sa Kyoto, Japan. Ang pangalan nu'n ay Maja's Gang or Princess's Of Hell. Ang manifesto namin ay: We are cold. We are extremely brutals. We are merciless. We are heartless. We love doing dangerous things And that's why we are called as.. Daredevil Gangsters. "A real Daredevil Don't Cry" Hindi nagtagal ay nasungkit namin ang Rank 1 sa Gangster World nung nasa labing-tatlong gulang palang kami. Kami ang pinakabatang nakasungkit ng Rank 1 kaya madaling kumalat ang pangalan ng Gang namin. Naging sikat kami sa Gangster World at hindi nagtagal ay pinasok narin namin ang Assassin World. Hindi alam ni Dad na pumasok na ako sa Assassin World. Ang alam niya lang, may Gang kami na nabuo nina Ash at natutuwa siyang nalaman na sumikat na 'to. At doon nagsimula ang lahat. Hanggang ngayon, magkakasama parin kami at pinagpapatuloy ang ginagawa namin. Hanggang sa isang araw, kailangan naming umalis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Sold to the Billionaire Alpha

read
1.7M
bc

The Thunder Wolves MC - Blair (Book #2)

read
63.0K
bc

The Alpha King's Rebellious Queen

read
450.7K
bc

Energy of the Omega

read
239.9K
bc

The Thunder Wolves MC - Clara (Book #3)

read
62.1K
bc

The Alpha's Baby Sister

read
244.0K
bc

Saving the Hybrid's Past

read
248.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook