10.3 - Sweet moments and suspicions

2586 Words
HAIBARA Pagkarating namin dito sa school ay bigla niya na akong hinila. Lahat ng mata ay nasa amin. Paano ba naman kasi, ang dating laging away ng away, ngayon naman ay naka-holding hands habang natakbo. Oh diba? Musta naman ‘yun? Nagising ako sa reyalidad ng winasiwas niya ang kaniyang kamay sa mukha ko “Oh! Bakit ka naman nagspa-space out?” tanong niya. Umupo na ako sa upuan dito sa isang table sa Cafeteria. Umiling ako sa kaniya at ngumiti. “Wala ‘yun. Order ka na, bili!” tugon ko at kinumpas ang aking kamay nang pang-‘shoo’ na parang tinataboy ko siya. “Tss! Okay! Basta mamaya may sasabihin ako sa’yo.” singhal niya. Halos mapabungisngis ako sa tinuran niya. Si Cy-kun oh! “Kung hindi lang kita mahal e.” bulong niya pero sapat na para marinig ko. The feeling is mutual Cy-kun. Nang umalis siya ay dumating bigla sina Ash kaya bumalik na ako sa dating ako na nasisilayan nila. Akala namin tapos na ang Luch Time, ‘yun pala, nagsisimula palang. “Ano ‘yun?” pambungad sa akin si Miwa pagkalapit niya. Napailing ako. Uulanin na naman ba nila ako ng tanong at pang-aasar? “Yie! Si Hannah, lumalovelife na!” si Ash po ‘yan mg kababayan! Napairap ako. “Gusto niyo talaga malaman?” tanong ko. Bigla namang lumiwanag ang mag mukha nila. Lalong-lalo na si Gin at Grae pero si Yui, nakatingin lang sa akin gamit ang sulok ng kaniyang mata. Wow! Interesado siya?! Huminga ako nang malalim. Tumahimik sila at hinihintay ang sasabihin ko. “Siya ‘yung kababata ko na sinasabi ko sa inyo dati pa.” mahinang saad ko. Bigla namang lumaki ang mga mata nila. “Wait a minute! Siya talaga?! Whoah!” ‘di makapaniwalang tanong ni Grae. Tumango nalang ako. “Wow! May lovelife na si Leader!” bulalas ni Jane at nakipag-apiran pa kay Ash. Sabay-sabay kaming napatingin sa iisang direksyon nang may biglang nagsalita. “Heto na ang pagkain!” bulalas ni Cy-kun at nilapag ang pagkain sa mesa. “Ittadakimasu! (Let’s eat.)” bulalas ko at nilantakan ang pagkain kong tocino ang ulam. “Totoo ba ito?” mangiyakngiyak na sambit ni Gin. Dinaluhan naman siya ni Ash. “Maging masaya nalang tayo sa kanila.” “Guys...." bulong ni Jane at nagkumpulan sila. Kumunot ang noo ko. May naamoy akong hindi maganda rito. Lumaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig ko sa susunod na nangyari. Bigla kasi nilang pinagdiskitahan ang nananahimik na si Yui at dinambahan pa siya. Haha! Lagot kayo! “What the hell?!” hirap na saad ni Yui at sapilitang itinatayo ang sarili ngunit hindi niya magawa dahil maraming nakadamba sa kaniya. ngumisi naman sina Ash sa kanya, buti nalang medyo onti nalang ang tao dito kundi yari kami!, halata namang naiinis na si Yui at pagod na din siya “Get off!” singhal ni Yui at napapikit ng mariin. Ilang segundo ang nakalipas ay may humila kanila Ash palayo kay Yui. Sunod-sunod niyang hinila paalis sina Jane, Gin, Grae, Miwa at Ash. Tumigin ako sa taong may gawa no’n at si...Akai pala. Pumunta kaagad si Akai sa nakahigang Yui at inalalayan na tumayo. Nagpadala lang si Yui. Nang makatayo na siya ng maayos ay tsaka niya tinignan ang tumulong sa kaniya. ''Don’t touch me, bastard.'' malamig na sambit ni Yui kay Akai. I can see spark between them. Haha! Ngumisi nalang sa kaniya si Akai at inabot sa kaniya ang headphones niya. Inis na hinablot ito ni Yui at lumabas kaagad ng Cafeteria. Ngumiti nalang si Akai sa nakatalikod at palayo na Yui. Napalingon ako kanila Ash nang mag-react na naman sila. “Waah! May lovelife narin sila Yui!” bulalas nina Gin at Ash at nag-face palm. “Waah! Tayo nalang ata wala.” Bulalas din nina Miwa,Grae at Jane. Pagkasabi nila no’n ay biglang umakbay ‘yung isang lalaki na kasama nila Conan kay Grae. Napapitlag si Grae ngunit nung tumingin siya doon sa lalaki ay ngumiti lamang ito. “Grae-chan naman. Nakalimutan mo na ba ako?” nakangusong na sambit nung lalaki. Bumungisngis si Grae. “Haha! Kawaii~ Mitsuhiko-kun.” tugon ni Grae at pinisil ang pisngi ni Mitsuhiko. “Miwa!” napalingon kami sa sumigaw ng pangalan ni Miwa. ‘Yung isang lalaki rin na kasama nina Conan. “Oh! Chris!” bulalas ni Miwa at nakipaghigh-five doon sa lalaki. “Ring!” napatingin kami kay Jane nang biglang nag-ring ang phone niya. Napakamot siya ng ulo at sumenyas na may kakausapin siya. “Hello?....” May humawak sa kamay ko kaya napatingin ako doon at nakangiti sa akin si Cy-kun. “Love you.” He mothed. Ngumiti rin ako pabalik at hinawakan din ang kamay niya. “Love you too.” I replied. “Andito ako sa Cafeteria....Magkikita tayo? Itaas mo nga ‘yang kamay mo at isigaw na Jane.” Napalingon ako kay Jane dahil sa sinabi niya. May kikitain siya? “Jane!” may sumigaw sa gitna ng kawalan. Tumingin doon si Jane at bahagya siyang nagulat. Napatingin din ako dahil sa tinuran niya. Ibigsabihin, ang ka-textmate ni Jane ay walang iba kundi si..Alexander?! “Ikaw pala si Hilarious Princess. Ako nga pala si Hilarious Prince.” Saad ni Alexander nang makalapit at inilahad ang kamay niya kay Jane pero si Jane ay nakatulala lang sa kaniya kaya ang ginawa ni Alexander ay kinuha ang kanang kamay ni Jane at nakipag kamay. Nagising naman sa reyalidad si Jane kaya naalis niya bigla ‘yung kamay niya du’n sa pagkamay nila. “Sama ka sa akin.” Saad ni Alexander at hinila bigla si Jane. “Hey, Ash! Sumama ka nga rin sa akin!” bulyaw ni Jarvey na sumulpot sa kung saan. “Huh?” tanging sambit ni Ash at biglang hinila ni Jarvey. “Ba’t ako, wala?” sambit ni Gin at humaba pa ang nguso. Nakita kong lumapit sa kaniya si Nathe at kinalabit siya. Sa saktong paglingon ni Gin kay Nathe ay naglapat ang mga labi nila. “Peace tayow!” saad ni Nathe at tumakbo palayo. Napapadyak ng paa si Gin. “Hoy! Nakakailan ka na ah!” bulyaw ni Gin at hinabol si Nathe. Napabungisngis naman ako ng mahina. “Ang ganda mo parin talaga, Ai-kun.” saad naman bigla ni Cy-kun kaya napalingon ako sa kaniya. “Hindi ba’t sabi ko sa’yo kanina ay may sasabihin ako sa’yo?” saad niya. Tumango ako. “A-ah...can I court you?” tanong niya. Napatulala ako bigla. A-ano isasagot ko? Tumingin ako direkta sa mga mata niya at bakas dito ang pagiging sinsiro niya. “Yes you can.” Tugon ko at tumungo. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko. “T-talaga? Yes!” bulalas niya at tumayo pa. Sinuntok niya pa ang hangin. Kanina pa kami pinagtitinginan ngunit pakiramdam ko ngayon, mas lalong dumami. “Hatid kita mamaya!” saad niya. Ngumiti ako. “Sige.” **** Uwian na at papunta na ko sa gate ng school. Sabi kasi ni Cy-kun ay sa gate niya nalang daw ako aabangan. Hindi na nga rin ako nakasabay kanila Ash pero pumayag naman nila kasi may gagawin din naman daw sila. Nakita ko na si Conan at may kausap ito sa phone. Lumapit ako sa kaniya ng dahan dahan at hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila. “Do not even lift a finger on her.” Saad niya at binaba ang phone. Nang humarap siya sa akin ay halatang nagulat siya. “Kanina ka pa ba diyan?” nauutal niyang saad sa’kin. Ngumiti ako sa kaniya ng pang inosente. “Wala. Bakit?” tanong ko. Ngumiti siya nang alanganin. “Ah! Wala. Tara na.” saad ni Cy-kun. Tumango nalang ako kahit hindi parin ako kumbinsido. Pumunta na kami sa parking lot nang magkahawak kamay. Pagdating namin ay may mga lalaking malapit sa sasakyan niya na nakapormang pang gangsters. Sinimulan na naming maglakad papunta roon. Pagkalapit namina y tsaa ko lang napansin ang mga tattoo nilang mga wolf. ''Wolf Brigade.'' bulong kong sambit. Napamura naman ‘tong katabi ko kesyo, ba’t andito sila? Ganito, ganiyan. Ano bang pinag-aalala niya? ''Hi, leader of Cephrin's Gang,at may kasama ka pa palang babae diyan ah!'' saad nung matabang leader ng Wolf Brigade. “What do you want?” matigas na saad ni Cy-kun at halatang galit na. Hinawakan niya ang wrist ko at pinunta sa likod niya, .What the hell?! Bakit niya ako tinatago?! “We want to beat you up.” saad nung leader ng Wolf Brigade. Sumugod ‘yung leader na tabachoy kay Cy~kun. Halatang hirap makipaglaban si Cy-kun kaya binitawan niya ako at sinabing tumakbo raw ak., Seriously? Does he making me laugh? Napailing ako. As if I will. **** Sinuntok ng Leader nung Wold Brigade si Conan sa mukha nito ngunit walang hirap na nasalo ni Conan ang kamao nito at ibinalibag siya. May sumusugod pa sa kaniyang likod ngunit naramdaman niya kaagad ito kaya binigyan niya ito ng sipa sa tiyan dahilan para mapadaing ito. May umatake kay Conan na may hawak na kutsilyo at inatake si Conan. Ang mga wasiwas lamang ng kutsilyo ay iniiwasan niya habang pinagmamasdan ang mga galaw nito. Mabagal lamang ang pagwasiwas nito para sa mga mata ni Conan dahil hatalatang baguhan lamang sa matatalim na bagay ang kaharap niya. Nang makuha niya na ang blind spot ay dalidali niyang hinawakan nang mahipit ang braso ng kalaban dahilan para mabitawan at tumilapon ang kutsilyo sa sahig. Binalibag niya agad ang kalaban pagkatapos. Sa kabilang dako naman ay may lumapit kay Haibara na dalawang lalaki at hinawakan siya sa kaniyang magkabilang braso ngunit walang hirap niyang kinalas ito at ipinagpatuloy lang ang panonood sa nasa harapan niya ngayon. Isa lang ang natakbo sa isip niya ngayon... “Maganda ang laban na ito.” May nagbato ng shurikens kay Conan subalit likas na malakas ang pakiramdam ni Conan kaya’t umiiwas lamang siya rito. Pulido ang mga galaw niya at halatang batikan sa larangan ng pag-iwas ngunit hindi niya iyon kayang saluhin gaya ng kay Haibara. Nang mawalan na ng pangtapon ng shuriken ang kalaban ay pinulot niya ang mga shuriken malapit sa kaniyang kinatatayuan at ibinato pabalik sa nagbato. Napangisi siya. “‘Yan kasi.” Sa isip-isip niya. Ang sunod naman na umatake sa kaniya ay may hawak na mga chains. Binato siya ng chains ng kaniyang sumunod na kalaban ngnit may small dagger siya na kinuha sa kaniyang bulsa at pinangsangga ito. Napulupot ang chains sa small dagger dahilan para matilapon ang dagger na hawak niya. Ngumisi ng parang aso ang kalaban niya ngunit ‘di siya kaagad papatalo dahil mayroon pa siyang isa pang dagger na kinuha niya sa gilid ng kaniyang sapatos. Ibinato muli ng kalaban niya ang chains. Sinangga niya muli ito pero sa pagkakataong ito ay ‘di na tumilapon ang dagger na hawak niya dahil ginamit niya na ‘yun para mapalapit sa kaniya ang kalaban. Ang ngisi na suot ng kaniyang kalaban ay napalitan ng ngiwi at wala siyang magawa up ang maibalik muli ang kaniyang binato na chian dahil ‘di hamak na mas malakas si Conan kaysa sa kaniya. Nang makalapit na ang kalaban ay binigyan niya kaagad ito ng round house kick. Luminga siya sa paligid at lahat pala ay down na kaya pumunta na siya kay Haibara. ***** CONAN Pumunta na ko sa kinaroroonan ni Ai~kun na nakaupo sa isang bench at may nakahandusay na dalawang lalaki. Wait?.Kailan pa ‘yan nangyari?. Napakunot ang noo ko nang pinulot ni Ai-kun ang dagger sa kaniyang paanan at ibinato sa’kin. Dumaan sa pisngi ko ang punyal pero ‘di ako nadaplisan. Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Bakit niya akong tinangkang— “Ack!” maya maya ay may narinig nalang ako na bumagsak na tunog sa likod ko. Pagharap ko ay nakahandusay na lalaki na may hawak na kutsilyo at ‘yung binato ni Ai~kun na dagger ay nasa puso niya nakabaon. Wow! Galing ni Ai~kun! Bullseye! “Tss! Talasan mo nga ‘yang pakiramdam mo!” Inis na sambit niya sa akin. May sumagi bigla sa isip ko. “Ai-kun, kailan ka pa naging sharp shooter?” tanong ko. Bigla namang gumala ang mga mata niya. “Huh? Nagkataon lang ‘yun.” Alangangin niyang tugon. Kahit na hindi kumbinsido ay tumango nalang ako. “Tara na. Ihahatid kita diba?” pagbabago ko ng usapan. Kinuha ko ang kamay niya at inikot sa braso ko. Pumunta na kami sa kotse para mahatid ko na siya. “Ano palang address mo?” tanong ko. May kinuha naman siya na parang papel sa bulsa niya at ibinigay sa akin. Binasa ko ang nakalagay. Florentino Street, Block 3 Lot 56. Ini-start ko na ang engine at humarurot paalis. **** HAIBARA I feel terrible for lying on Cy-kun. Dati, hindi naman ako nagui-guilt pag nagsisinungaling but Cy-kun is a different condition. He’s an important person for me. A special one but kaya niya bang tanggapin kung sino ako? Noon, nung mga bata pa kami ay alam kong nagsususpetsa na siya sa akin dahil pag siya ang kaharap ko, mahirap masinungaling kasi parang nag-aalinlangan akong gawin. “Andito na tayo.” Nagising ako sa reyalidad nang magsalita siya. Sumulyap ako sa kaniya bago i-unfasten ang seatbealt at lumabas sa sasakyan niya. Lumabas din siya at naglakad pa kami ng konti para makarating dito sa H.Q namin. Marami kasi talaga kaming H.Q at kalat ito sa kung saan-saang lugar pero sa pagkakataong ito ay... Bahay Kubo ang camouflage ng H.Q naming ito. Humarap ako kay Cy-kun. ''Thanks, sige pwede ka na umalis.'' Sambit ko sa kaniya na ikinabusangot naman niya. “Hindi mo ba ako pwedeng papasukin?”parang bata niyang tanong. Napabungsingis ako. “Huwag na! Gabi na oh! Uwi ka na!” pagtataboy ko at tinulak pa siya paalis. “Ih! Nasaan kiss ko?” pang-uuyam niya pa at tinuro ang pisngi niya. “Wala! Sige na, alis!” pananaboy ko pa rin at patuloy siyang tinutulak palayo. Humaba ang nguso niya. “Ang bad mo, Ai-kun!” pagmamaktol niya. “Sige na at papasok na ako sa loob.” Saad ko at tumalikod. Dinukot ko na ang susi ng H.Q at akmang ilulusot na ito sa keyhole nang bigla niya akong niyakap mula sa likod. “Kung ayaw mo ng goodbye kiss, goodbye back hug nalang.” Pinabayaan ko lang siya at nanatili lang kami sa ganung posisyon. Kalaunan ay siya na ang kusang bumitaw. “Alis na ako, Ai-kun.” pamamaalam niya pagkaharap niya sa kain mula sa back hug. Tumango ako at ngumiti. “Goodnight and sweet dreams on me.” Saad niya at hinalikan ako sa aking noo. Marahan akong pumikit sa ginawa niya. “Dream of you?! Baka naman nightmare na ‘yan!” natatawa kong sambit sa kaniya pagkatapos niya akong halikan sa noo. Tumawa siya at namaalam na. “Kitakits tayo bukas sa school. Love you!” sigaw niya habang papalayo at nagflying-kiss. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. “B-bye.” Tanging saad ko nalang at pinanuod siyang umalis. Tumalikod ako at napa-face palm. s**t! Ano ba, Haibara?! Bakit parang nagiging babae ka na talaga na kinikilig, ha?! Aish! Itutulog ko na nga lang ito. ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD