Chapter 3.2 - Upcoming Fight

1308 Words
HAIBARA I think they heard it already from Yui? Probably, yes. Halos nagkakarerahan na kami ngayong papunta palang kaming school kahit wala naman kaming pinag-usapan na mag unahan. This signifies that they're on fire---not literally tho. Sinabi na kasi ni Yui sa kanila na lalabanan namin ang Cephrins Gang. I almost laugh my heart out when I remembered how I told Yui that we will be fighting the Princes Of Hell last night. Errr...nakakahiya. "Ichi, wake up." Napabalikwas ako ng bangon nang may maramdaman akong tapik sa pisngi ko. Sinalubong agad ako ni Yui na tinititigan ako mula ulo hanggang paa. Huh? Napatakip agad ako sa katawan ko nang mapagtanto ko ang sitwasyon. I fell asleep in a bathtub! "Here." saad niya at inabutan ako ng towel. Kinuha ko agad 'yon at agad na hinarang sa katawan ko saktong pagtayo ko. I don't know but I can read something at Yui's hazel brown eyes. "Hey. You're creeping me out." saad ko. She smirked and clicked her tongue. "Nice view by the way." saad niya at lumabas na sa C.R ko. Tsk. Si Yui, silent type 'yan pero kakaiba ang level ng perversion. Mga level 9999999999999999! Lumabas narin ako ng C.R at umupo sa kama ko, still wearing towels. Nakaupo rin naman siya roon. "What do you need?" tanong ko. "Combat." maikling tugon niya. Huminga ako nang malalim. "Hindi ka talaga makapaghintay, no?" saad ko. Tumango naman agad siya. "Fine. We're fighting Princes of Hell tomorrow at 7:30pm." saad ko. Tumayo naman agad siya at pumunta na sa pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin. She stopped on her tracks and smiled at me. "Thanks." saad niya at lumabas na nang pinto. As usual, sa likod ng School Building pi-nark ang mga sasakyan namin. Halos wala naman kasing nagpa-park dito dahil mas maganda kung sa Front Building ka magpa-park para pwede mong ipagmayabang ang kotse mo. Well, I don't like to boast my things. Lumabas na ako ng kotse ko at tsaka sinarado ito. Sinenyasan ko sina Ash na umikot na kami dito sa may Side Part ng School Building kung saan madadaanan namin ang Garden. Nang makaikot na kami ay dumiretso ang ruta namin sa may pasilyo. Pagkatapak na pagkatapak namin sa may pasilyo ay nagsimula na naman ang bulungan. "Look at them, they are the nerds! God, they are so low class. Ang lakas naman ata ng loob nila para sagutin si Queen Bee Nathalie!" "I know right but hindi lang ang grupo ni Lady Nathalie, pati narin ang Cephrins Gang." "Gosh! They didnt know what will happen next when they mess up with them!" "Yeah. they will taste a living hell when Cephrins strike then they'll leave this school! Apir!". "Ang lalakas sa masa nung mga taong nalabangga natin, Hannah." saad ni Ash. "Oo nga e. Akala mo mga santo." saad ni Miwa sabay irap. "Tsk. Ang yabang kaya nila. I really hate boys." singit naman ni Gin. Hindi na ako magtataka. Man-hater e. "Don't let them get into you." saad ko nalang. I stopped in my tracks when everybody gone silent and a lady with wavy hair is glaring at me. She smiled unpleasantly. Well, sino na naman ba? Edi si Nathalie the bruha ulit. "Oh, look who's here. Poor nerds. Your life will be a living hell this time because you messed up with a wrong gang. And that is my Prince Conan's Gang." mukhang timang na saad ni Nathalie habang pinagpapantasiyahan ang tarantadong 'yun. Napairap ako mentally. Sinimulan ko na siyang lagpasan ngunit tumigil ako sa kalagitnaan at may binulong sa kaniya. "Be careful to your words, my dear 'cause you don't know one day...you'll be found lying numb and dead in a street." malamig kong saad sa kaniya. Ngumisi naman ako nang nabato siya at tuluyan na kaming umalis. I am sure that she'll not tell that to everyone else; that she was threatened by me, a nerd. Whoah! What am I saying? Kina-career ko na ang pagiging nerd! Maybe pretending to be a nerd has a good outcome, eh? Dahil maaga pa, dumiretso kami sa Cafeteria at umupo sa 6-seater na table tapos sila Yui at Miwa ay pumunta na sa counter para umorder ng pagkain namin tapos kami namang natitira ay nag usap-usap na nang masinsinan. I think they'll ask me many questions. "Okay. Hannah, anong oras 'yung laban natin sa Cephrins Gang mamaya sa G-Point?"seryosong tanong sa akin ni Ash. Ibinaling ko naman ang ulo ko sa direksyon niya. "7:30 pm" tugon ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya. Napadako ang mga tingin namin kay Grae nang bigla siyang sumigaw nang pabulong. Tf. How so you even do that? "Yes! Oh, I miss my Drinks! Margarita, Bloody Marry, Waah! I'm so excited~"'nahihibang na saad ni Grae. Aakalain siguro ng iba na hindi siya uminom dahil sa sobrang childish niya pero sabi nga nila, looks can be deceiving. Sa aming anim, siya ang pinaka-adik sa alcohol. Ang tibay pati niyan sa inuman. Ang taas ng alcohol tolerance. Maya-maya lang nakarating na rin sina Yui at Miwa galing sa counter. Haraetta (I'm hungry). Umupo na sila at nilapag ang mga pagkain na binili nila. Kumuha na kaagad ako. Kumakain kami ng payapa. Wala pa kasing masyadong tao dito dahil maaga pa. "I'm craving to hear their moans and groans." bulong ni Miwa habang kinakagat ang labi niya. Napasinghal ako. "Ki-mo. (Gross) " saad ko. Nag-peace sign naan agad siya. "Do I have to bring my gadgets later?" tanong ni Gin. Sumubo muna ako ng Chicken Curry bago umiling. "No need. Bare-handed fight ang ni-request ko e." saad ko. Tumango-tango naman siya at tumuloy na sa pagkain. "Tara na guys, Late na tayo sa class ng 5 minutes."saad ni Ash habang nakatingin sa wrist-watch niya pagkatapos namin. Gano'n pala kami katagal kumain. Ang aga naming pumasok pero kumain kamo ulit kaya na-late kami. Tss, ang bilis kasi ng oras. "Huwag kaya muna tayo pumasok sa first period?" suhestyon ko kaya napatigil sila. "Bakit naman, Haibara-nee-chan?" tanong ni Grae. Napaiwaa ako ng tingin. "P-punta tayong Music Room. Tambay tayo roon." Shit Haibara. Don't stutter you i***t! Narinig ko naman ang tawa nila. "Alam naming gusto mo lang humarot kasi nagbabakasali kang makita ulit 'yung lalaki kahapon." nakangising saad ni Miwa. Tumango naman agad si Yui. Aba't! Inakbayan ako ni Ash. "Hannah, tama na muna ang landi ha. Aral muna." pang-aasar niya. Marahas ko namang tinanggal ang braso niya kaya mas lalo pa silang tumawa. "Napakamalisyosa niyo." saad ko. Napailing-iling si Gin. "Sus. In-denial ka lang." sabat niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Isa pang asar niyo at friendship over na tayong lahat." saad ko. Napatahimik naman sila agad. Ha! Takot naman--- "Edi f.o na!" They said in unison and ran at the hallway. I have some crazy bestfriends here. Pagkalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa mismong tapat nang pinto. Nang pipihitin ko na ang doorknob ay may naramdaman ako na hindi kaaya-aya. "You felt it too." bulong ni Ash. Tumango naman agad ako. Walang tao. Tahimik. Parang.may nag-aabang na panganib. Imbes na buksan ko ang pinto gamit ang kamay ay sinipa ko na lamang 'yon. "Nice kick." puri ni Ash. Nginitian ko naman siya at binalik ang tingin sa Room. Saktong pagbuksas ng pinto ay nagsilaglagan ang mga harina. Tch, Who the heck did this?! Sabi ko na nga ba't may masamang mangyayari kung pinagpatuloy ko ang pagbukas ng pinto gamit ang aking kamay. As always, my instinct never fails me. "So that's bullying here, huh?"untag ko. Nang wala nang kung ano na bumabagsak ay pumasok na kami sa Room. Madilim dito ngunit may nahagip ang mata ko na isang pigura ng lalaki sa madilim na sulok ng silid na ito. Medyo humakbang ako papalapit doon pero napatigil ako agad nang marinig ko ang sinabj niya. "Hi, Haibara." K-kilala niya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD